Chapter 60

330 9 7
                                    

"Dito ka muna alexa" Sabi ni mommy sa akin.

"Bahay po ba ninyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko lang bahay, bahay natin pumula ngayon dito ka na titira" Sabi niya sa akin at pumasok na siya sa loob.

"Sumunod ka sa akin" Sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya.

Tumaas kami. Ang ganda naman.

"Dito ka muna sa kwartong ito" Sabi niya sa akin at binuksan niya ang isang pintuan. Pumasok naman ako sa loob ang ganda.

"May mga gamit na pala sa kabinet kung gusto mo tignan mo" Sabi niya sa akin.

"Maraming salamat po" Sabi ko sa kanya.

"Ah oo nga pala ipapakilala ko nga pala sayo ang isa kong anak. Saglit lang ha at tatawagan ko lang siya" Sabi niya sa akin at saka siya umalis.

Umupo ako sa may kama.

"Ang lambot" bulong ko sa aking sarili ng biglang may pumasok sa loob at si mommy lang pala at may kasama siyang isang lalaki. Siya ang tinutukoy ata ni mommy na anak niya.

"Siya nga pala ang nag iisa kong anak si alexander o pwede mo siyang tawagan na alex lang. Mukhang magsing edad lang kayo ng anak ko. Alex mag hi ka sa kanya, siya ang bago mong kapatid si alexandra o alexa" Sabi ni mommy sa anak niya na naka wala manlang ka emoemotion.

"Hi!" Yan lang ang nasabi niya sa akin kaya nag hi din ako sa kanya at saka siya lumabas ng kwarto ko.

Lalabas na sana si mommy ng biglang sumakit ang ulo ko kaya agad niya ako nilapitan at inalalayan humiga sa may kama.

"Mukhang napagod ka sa byahe kaya magpahinga ka muna. Kung gusto mo pumasok sa school sasamahan kita sa school na pinapasukan ngayon ni alex" Nakangiting sabi sa akin ni mommy kaya nginitian ko nalang siya.

Bago siya umalis ay kiniss muna niya ang aking noo.

"Welcome to my family anak" Sabi niya at saka siya tuluyan lumabas ng aking kwarto.

Hindi ko alam pero parang naalala ko ang mukha ng lalaking iyon pero hindi ko maalala. sumasakit lang ang aking ulo pag pipilitin kong maalala kung saan ko ba siya nakita.

---------

Ilang araw na ang lumipas ay tinuturaan ako ni mommy sa mga bagay na hindi ko alam pero hanggang ngayon ay wala parin ako maalala tungkol sa akin o saan ba ako nanggaling.

Bumaba na ako dahil tawag ako ni mommy at kakain daw.

Ng makasalubong ko si alex ay nag hi ako sa kanya pero parang hindi niya ako pinansin kaya nag patuloy nalang ako sa paglalakad.

at pumunta ako sa kusina nila.

Kahapon sinabi ni mommy kung saan ba ang banyo o kaya kusina at iba pa kung anong makikita ko sa bahay niya.

pagkapunta ko sa kusina ay umupo na ako sa upuan.

"Sayang hindi mo nanaman na kasabay sa pagkain si alex." Sabi sa akin ni mommy.

"Okay lang po iyon" Sabi ko sa kanya.

nalaman ko pala kay mommy na  halos isang buwan daw ako na tutulog sa hospital akala daw ng mga doctor ay hindi na daw ako gigising dahil daw sa kalagayan ko.

"Monday ngayon kung gusto mo sabay tayo kay alex pagpasok para makita mo school niya" Nakangiting sabi niya sa akin kaya umoo naman ako sa kanya ng bigla naman mag paalam si alex na papasok na daw siya nag reklamo si mommy na sasabay kami pero sabi ni alex ay malalate na daw siya kaya sabi sa akin ni mommy ay mamaya nalang daw kami pumunta kaya pumayag naman ako.

---------

Nasa school na kami ngayon ni alex at malaki ito.

"Sumunod ka sa akin alexa" Sabi ni mommy kaya sumunos naman ako sa  kanya.

at pumasok kami sa isang kwarto.

"Ang tawag dito ay Guidance" Bullong sa akin ni mommy.

Umupo siya sa may sofa kaya umupo din ako.

"Hi! what can i help you?" Tanong ng isang babae sa amin.

-----------

(ALEX)

"Ano nanaman ang pinagbabarino mo diyan?" Tanong sa akin ni miko. Nandito na  ako ngayon sa class room.

"Paano naman kasi-" Hindi ko na  naituloy ang sasabihin ko dahil biglang umepal naman si eightan.

"Gawa ng bago mong kapatid. Alex naman ilang beses mo ba yan sasabihin sa amin ha!" Naiinis na sabi sa akin ni eightan.

"Tss... Nasaan pala si jiro?" Nag tatakang tanong ko sa kanila.

"Kasama si nickol sa roof top mukhang nag aaway nanaman yung dalawa" Sabi sa akin ni miko.

"Araw araw nalang ay! bat ayaw pa kasi makipag break ni jiro sa babaeng yun?" Tanong ko sa kanila. Bago kasi ako pumasok dito ay sila na ni jiro at ni nickol hindi ko alam kung paano naging sila dahil wala ako balak na alam pa kung papaano naging sila.

"At balak pa nga pumasok diro!" Walang kwentang sabi ko sa kanila. Kaya tumango naman sila. Wala naman kasi kakwenta kwenta ngayon wala kasi teacher first subject walang teacher absent daw eh.

---------

(ALEXA)

"Alexa kung gusto mo mamasyal ka muna basta babalik ka dito ha!" Sabi sa akin ni mommy kaya tumango naman ako sa kanya.

Lumabas na ako ng Guidance para mamasyal.

Mukhang maganda naman sa school na ito. Kinausap ako ni mommy kanina kung gusto ko ba daw pumasok kaya sabi ko naman sa kanya okay po. Mukhang masaya ang pumasok kaysa nasa bahay lang ako.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang pakiramdam na parang malungkot na hindi ko alam. Napakahaw nanaman ako sa aking ulo dahil nananakit ito.

Babalik na sana ako sa may guidance kung nasaan si mommy pero may bumangga sa akin kaya napahiga ako sa sahig habang hawak hawak ko parin ang aking ulo.

"Hala sorry miss okay ka lang" sabi ng isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"Tanga kaba ha kita mong napahiga mag tatanong ka pa kung okay lang siya. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo hindi yang landi ka ng landi" Sabi naman ng kasama niyang babae.

Tinulungan nila ako makatayo.

"Sa-salamat" Nauutal na sabi ko sa kanila.

Napatingin naman ako duon sa babae at duon sa lalaki bigla nanaman sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking ulo.

"Hala okay ka lang ba miss?" Nagaalalang tanong sa akin ng babae tumango nalang ako sa kanya.

"Pwede tulungan ninyo ako pumunta sa Guidance?" Tanong ko sa  kanila kaya tinulungan naman nila ako makapunta sa guidance agad lumapit sa akin si mommy.

"Okay ka lang alexa?" Nag aalalang tanong niya sa akin.

"Sumakit nanaman po ang ulo ko po" Sabi ko sa kanya kaya pinaupo naman niya ako sa may sofa.

To be continue.........

------------------------------------

Vote and comment

May 29 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon