Chapter 53

308 14 4
                                    

(A/N: Sa susunod ulit ^-^)

----------------

(SAM)

Nasa clinic ako ngayon. Bakit?

Pinag bugbog ako ng mga kasama ni april kanina pati siya nakisali kaya eto na pala ko. Punta clinic, hay.

Ang sakit ng tiyan ko at ng aking pisngi dahil eto ang kanilang dinali kanina.

"Okay na ba yung tiyan mo?" Tanong sa akin ni nurse pom.

"Hindi na po masyadong masakit hindi po katulad kanina" sabi ko sa kanya.

"Bat ayaw mo sabihin sa adviser mo ang nangyari sayo ngayon"

"Wala rin naman po siyang gagawin"

"Bakit naman?" tanong niya sa akin.

"Hindi po ba ninyo alam. Na parang na ka kulong na po ako sa school na ito. Dahil hindi po ako pwede lumipat ng school dahil isa lang naman po ako scholar sa school na ito" Sabi ko kay nurse pom.

"So ano kung scholar ka dito pwede ka naman maging scholar sa ibang school ah, hindi yan nagpapabugbig ka ay. Alam mo ikaw  ata yung estudyante na marima ang punta dito sa clinic" Pag kukwento ni nurse pom sa akin.

"Hawak kasi nila ang katunayan na scholar akosa school na ito kaya hindi ako maari maka alis sa school na ito hanggat hindi nila sinasabi"

"Bat ayaw ka nila paalisin?"

"Yun lang ho ang hindi ko alam. Wala naman ako nagawang kalokohan sa school na ito"

"Bat ayaw mo mag palipat nalang sa magulang mo"

"Wala na po ako magulang. Si mama nabalitaan naman po ninyo diba, sino naman poang hindi makakaalam sa ginawa niya. Si papa naman po pinalayas na po ako ng bahay. Kaya wala na po ako malalapitan" Nakatungo sabi ko sa kanya.

"Eh paano ka na ngayon?"

"May tumulong naman po sa akin. Pansamantala po ako sa kanila natulog"

"Aba buti naman isa ba sa mga lalaki dinala ka dito?" Sino kaya ang tinutukoy niya.

"Sino pong mga lalaki?"

"Yung nag dala sayo dito dahil sinugod ka ata ng kaklase mo. Yung pinalitan na ang salamin mo" Saka ko naalala yung araw na sinugod ako ni zoe.

"Ah wala po ni isa sa kanila"

"Oh?! sino tumulong sayo. May kamag anak ka paba?"

"Wala na po. Taga ibang school na lalaki ang tumulong po sa akin"

"Ah.... Ang bait naman niya"

"Oo nga po eh"

"Nabalitaan ko nga pala yung nangyari sayo noong acquaintance party. Hindi ako naniniwala sa   sinabi ng kung sino man yung bigla nag pakita sa may projector"

"Bakit naman po?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon tinanong sa kanya.

"Dahil parang kilala na kita. Hindi mo kayang manakit ng ibang tao. Kahit kaylan wala pa nadadala dito na  kasalanan mo. Kaya impossible naman ng sinasabi na iyon sayo"

"Ah ganon po ba. Maraming salamat po sa tiwala" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Wag ka mawalan ng pagasa sam. Malay mo meron pang tutulong sayo maliban yung tumulong sayo na lalaki. At maaaring mag bago rin ang takbo ng buhay mo diba" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Sige aalis muna ako may bibilhin lang ako sa labas. Kung gusto mo diyan ka muna pero kung okay kana bumalik kana sa class room mo.  Wag mo muna tanggalin yung bandage na nilagay ko sa mukha mo" Sabi niya sa akin at bago pa siya makalabas ay nag pasalamat ulit ako sa kanya.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon