Chapter-17 (THE MEMBER)

548 28 11
                                    

(SAM)

Pag katapos ng klase ay naiwan kaming anim sa class room.

Tahimik lang kami walang naimik ni isa sa aming anim.

Ng bigla mabasag ang katahimikan dahil nag salita si nicko.

"Ahm-" naputol ang sasabihin niya ng may bigla pumasok at si miss lang pala.

"Okay so eto na yung makakasama ninyo" sabi ni miss at pinapasok na ang tatlo member at dalawang taga music club.

Halos matanggal na yung panga ko dahil sa kanganga ko.

Paano naman hindi ako nganga nga eh sila

yung.....

yung.......

kamember ko at makakasama ko sila ng 16 day ha!!!! 16 day paano!!!! paano na syempre hindi pa kasama yung araw ng acquaintance party kaya lahat lahat ay 17 days!!!!! HALA KO PO!!!

Lupa kainin mo na ako ngayon na plsss lang huhuhuhuhu.....

"Umupo na kayo" Utos ni miss duon sa mga member na pumasok.

Kitang kita ko ang mga masasamang tingin nila nicko, ranz, sed at ken kay hipon este jiro.

paano naman kasi gawa ata noong away nila dati ba.

Bigla naman bumulong si ian sa akin.

"Bakit parang ang init ata dito" Pag bibirong sabi ni ian. mukhang nakita niya ang mga masasamang tingin ng apat kay hipon.

"Hindi ko alam" Sabi ko sa kanya.

"Okay class!" paninimula ni miss

"Mag pakilala na kayo sa unahan umpisahin muna natin kay sam" Putek ako pa talaga ha langya ayon oh ayon yung masamang tingin ni jayson at ni jiro.

Hala ko po!!!!

Pumunta na ako sa unahan at kitang kita dito sa unahan ang mga mukha nila na nanggagaliitin sa akin ata?!

"A-ah a-ako pa-pala s-si sa-samantha l-lim" Pautal utal na sabi ko at bumalik na ako sa aking upuan.

"Bakit ka nangangatal?" tanong ni ian saakin ng pag kaupo ko.

"Hindi ko alam" pag sisinungaling ko sa kanya.

"IAN ikaw na" sabi ni miss kay ian at pumunta na siya sa unahan pagkatapos niya ay si nicko naman.

"NICKO ikaw na" sabi ni miss kay nicko kaya pumunta na siya sa unahan.

"Hi i am Nicko " habang sinasabi niya ang pangalan niya ay nakatingin siya kay jiro ng masama.

"Ken" sabi ni miss kaya pumunta na siya.

Ah ken pala ang pangalan niya.

sunod na tinawag niya ay si Ranz, ah siya si ranz. hahahha ang totoo niyan hindi ko parin sila kilala ang kilala ko lang si sed yung cold prince daw tas si nicko.

And sunod naman tinawag si sed pag katapos ni sed si jiro na masama ang tingin sa akin na parang gusto ako kainin sunod naman ay si miko ah siya si miko tas si eightan tas sunod naman tinawagan ay si jayson na nakatingin ng masama sa akin. Sunod naman ay si jaycob na halos siya lang yung parang kalmado sa aming lahat.

Ng matapos na ang pagpapakilala ay nag salita na si miss tungkol sa banda.

"So pag usapan na natin tungkol sa banda" sabi ni miss.

"So kaylan kayo mag uumpisa mag practice" tanong ni miss saamin pero walang umimik sa amin.

Bigla may bumasag sa katahimikan at si jayson ang prince 5.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon