Chapter 80

323 8 14
                                    

Ayokong malaman nila na buhay parin si sam. Hanggat hindi ko parin alam ang totoo nangyari sa akin noong araw na iyon.

Dahil sa masyadong malalim ang aking iniisip ay hindi ko napansin na nakarating na pala si kuya. Ang akala ko siya ngunit ibang tao pala ang umupo.

"Bakit ka nandito?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"I want to ask something" ano naman kailangan niya. The last time i saw him is that in the clinic tas wala na akong balita. Pero may nagsasabi ng ibang estudyante na nagwawala daw siya, i don't know kung totoo, hindi ko naman kasi nakikita eh.

"What?" That's the onely thing i said to him.

"I know you know something about samantha lim" that girl again. Bakit ba ayaw nalang nila kalimutan yung tao. Hindi naman sila inaano noong tao eh, ni hindi nga sila minumulto anyways who i'm i kidding.

"Hmmm... meron, and why are you asking?" Syempre kailangan natin malaman ang dahilan kung bakit ba niya tinatanong.

"Bakit siya namatay" grabe kung makapag tanong. To the point talaga no. Walang patumpiktumpik pa eh.

Kung siya hindi niya alam paano pa kaya ako na ako mismo hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.

"Hindi ko alam. Pati isa pa, bakit sa akin ka pa nag tanong. I don't even know sam. Ni hindi ko nga siya nakita in person. Pati isa pa isang beses lang ako nagtanong about sa kanya and nag sabi ng info it those not mean na kilala ko na siya. So please just move on" sinabi ko lang yung totoo sa kanya. And i feel galit siya dahil duon.

So hindi ako nagkamali dahil padabog siyang tumayo. Ay mali pala hindi dahil sumabit lang yung kamay niya sa lamesa para ito ay mapataas ng kaunti at sabay bagsak sa sahig. Bago siya umalis ay ngumisi siya sa akin at sabay sabing. "Wala ka din palang kwenta" wow lang at sa bibig pa niya talaga nag mula ang mga salitang iyon.

Napangisi ako ng bahagya dahil sa kanyang sinabi. Pasalamat siya at may cake dito sa lamesa na inorder ko kanina dahil nga sa pagiintay ko kay kuya ngunit etong bwisit na ito ang magpapakita sa akin. Kaya agad kong kinuha ang cake at sabay tapon ito sa kanyang mukha. Hindi ako nagdalawang isip pa, para saan pa diba.

"BWISIT KA!" Naiinis na sigaw ko sa kanya at sabay walkout ko. Nakasalubong ko naman si jiro, kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Oh?! Bakit ka umiiyak?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mukha, kahit ako ay nagulat sa sinabi niya. Ni hindi ko manlang napansin na umiiyak na pala ako. Saka ko lang ito napagtanto ng hawakan ko ang aking mga mata, na may luha.

"Wa-wala ito" nakangiting tugon ko sa kanyang tanong habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

Maigi lang niya akong pinagmasdan, na para bang hindi siya naniniwala na wala lang ito ng sabay labas noong bwisit sa coffee shop. Napatingin si jiro pati din ako, nakatingin si ian kay jiro at sabay tingin naman sa akin. Hanggang ngayon ay may kaunting bahid ng cake sa kanyang mukha.

"Ikaw nanaman? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong alam tungkol kay sam!" Naiinis na sabi niya kay ian. Pati pala kay jiro nagtanong siya, tungkol kay sam.

"Bakit hindi ka nalang mag tanong kay liam, tutuusin naman sa kanila na tumira iyon pamula ng iwanan natin siya noon. Ay oo nga pala hindi mo alam ang buong nangyari, kasi wala ka noon. Ni hindi mo nga siguro kilala si liam" pagkasabi niya noon ay sabay higit niya ako papalayo. Hindi ko napansin na lumingon ako para tignan ang kalagayan ni ian.

Malungkot na parang galit.

Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan niya. Tahimik lang ako nakaupo dito sa likod. Naalala ko tuloy ang sinabi ni jiro kanina ang tungkol sa pagiwan nila kay sam noon. Bakit nga ba nila iniwanan ang dating ako? Bakit ko pa nga tatanungin iyon kung alam ko naman ang dahilan, dahil walang may gusto sa sam na isang basura.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon