Chapter-8 (PAPA)

648 34 0
                                    

Ng matapos ako sa pag iimis sa garden at sa canteen ay umuwi na ako ng pigilin nanaman ako ni manang at tinanong kung bakit paga yung mata ko, at bakit ang baho ko daw. sabi ko nalang na wala ito at saka may binigay nanaman siya sa akin na pag kain.

So syempre hindi ko tinangihan gutom na din kasi ako. Lagi nalang naman ako gutom (>_<)

--------------------

Tulala ako habang nag lalakad papunta sa bahay(~_~)

wala na ako balak na pumunta sa bar ni tita na ganito ang amoy ko at yung mga mata ko.

Papasok na ako ng bahay at pumunta sa may banyo para maligo ang baho ko kasi.

Ng matapos na akong maligo ay pumunta ako sa sofa at nagulat ako sa aking nakit.

Hay nako po nakalimutan ko na siya.
lumapit ako sa natutulog na tao na nasa may sofa. Hmmmm ang cute niyang mag nanakaw.

"Tama na yang pag titig mo sa akin baka naman akoy matunaw"

Napasigaw ako dahil gising pala siya.

Lumayo ako para hindi niya ako mahuli kahit na nakatali yung paa at kamay niya. Umayos siya ng upo kaya kinabahan ako.

"Oy ikaw pakawalan mo ako dito!" sigaw niya sa akin, kaya nataranta ako ng bigla siya tumayo kahit na may tali yung paa niya kaya agad ako kumuha ng pang palo para sa kanya baka mamaya atakihin niya ako diba.

"OY!!!OY!!! IBABA MO NGA IYAN BAKA MAKADALI KA" sabi niya habang papalapit siya sa akin kaya lumayo ako sa kanya.

"Wag kang lalapit kung ayaw mong lumipad ito sa mukha mo" pananakot ko sa kanya.

"Oy wag naman ganan" sabi niya na papalapit parin siya sa akin.

"Sabing wag kang lalapit eh!!" galit na sabi ko sa kanya.

Natigilan nalang ako ng marinig ko mag bukas yung gate kaya agad ko hinigit si magnanakaw at iniligay sa ilalim ng higaan ko.

"Oh diyan ka muna ha wag ka maingay kung ayaw mo mamatay ng maaga"Pagbabanta ko sa kanya.

Paalis na sana ako ng umimik siya.

"OY PAKAWALAN MO MUNA AKO!" pasigaw na sabi niya kaya nilapitan ko kaagad siya.

"Wag ka maingay kung tatahimik ka hanggang sa pag alis ni papa papakawalan kita, basta wag ka maingay ha" sabi ko sa kanya at lumabas na ako.

Pababa na ako ng makita ng dalawang mata ko ang ginagawa ni papa.

"PA-PAPA" Pautal na sabi ko kay papa na nasa sofa at may kasama oo may kasama siya ngayon kaya napaluha nalang ako sa aking nakita.

Ng tumingin si papa ay pinilit ko ngumiti at pinunasan ang luhang pumatak.

"OH-OH NA-NANDIYAN KA-KANA PALA AKALA KO WA-WALANG T-TAO!" Utal na sabi ni papa na halatang lasing siya.

"Pa-pa si-sino po siya" pautal nasabi ko din dahil sa mga luhang pinipilit ko hindi tumulo.

"AH SI-SIYA NA YUNG BA-BAGO M-MONG MA-MAMA!" pautal utal na sabi ni papa sa akin.

Alam ba niya yung pinag sasabi niya.

"Bebe ko naman eh sino ba siya. Bakit ka tumigil be-" sabi ng malanding babae sa papa ko at natahimik siya ng bigla siyang halikan ni papa na aking tuluyang ikinaiyak kaya agad ako pumunta saaking kwarto.

"ARAY KO PO" sabi ng mag nanakaw na nakasandal pala sa pintuan kaya ng pag kabukas ko ay nahulog siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta nalang ako saaking higaan para umupo at iiyak ito.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon