Chapter-28 (Day-3)

519 27 0
                                    

(SAM)

"Ano ba iyan nerd. Ang aga aga ng pag wawalis mo" Napatingin ako duon sa nag salita sa likod ko at si jayson lang pala.

"Ah...eh ... hindi kasi ako nakapag luto ng umagahan ninyo ngayon at si jaycob nalang daw kaya nag walis nalang ako dito sa garden ninyo" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo naman kaylangan mag linis ah" sabi niya at umupo sa upuan na nakalagay sa garden nila.

"Ha?"

"Ang ibig ko sabihin duon sa sinabi ko na wala naman nag uutos sayo na mag linis ah" sabi niya sa akin kaya napatigil ako sa pag wawalis.

"Ah... porket ba wala nag uutos sa akin ay hindi na pwede mag linis. Alam mo pag naging malinis tong garden ninyo sobrang ganda nito" sabi ko sa kanya at nag walis na ulit ako.

"Alam ko"

"Eh alam mo naman pala eh. eh bakit ayaw ninyo ito linisin, noong pag ka punta namin dito napansin ko kaagad ito na napakadumi, kaya noong lumabas ako kanina ay naisipan ko linisin ito" sabi ko sa kanya habang nag wawalis parin ako.

"Hmmm... Dati malis pa ito kaso wala nang nakatura eh" Nag taka ako sa sinabi niya. wala nakatira? napatigil ako sa pag wawalis at nag tanong sa kanya.

"Ano sinasabi mo wala nakatira?" nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Ang totoo niyan.." habang nag sasalita siya ay dahandahan siya tumingin sa langit at saka nag patuloy sa kanyang sinasabi.

"Hindi talaga kami nakatira dito bakasyonan lang namin ito ang talagang bahay namin ay yung nasa tapat ng school" nagulat ako sa sinabi niya.

"Eh??!!!"

"Bakit dito mo kami dinala?" tanong ko sa kanya.

"Duon kasi sa amin magulo. eh dito wala nang nakatira kaya dito namin kayo dinala bago kayo pumunta dito ay pinalinis ko muna sa mga katulong namin"

"Katulong??? parang wala naman ako nakikita noong pagkapunta namin dito ah" sabi ko sa kanya.

"Syempre hindi masaya kung may naka bantay sayo diba kaya sinabi namin na duon nalang sila sa bahay na nasa may school" sabi niya sa akin.

"Pati kung duon tayo matutulog eh baka hindi kayo makakilos ng maayos." sabi niya sa akin.

"Eh....Saglit lang edi kung ayun ang bahay ninyo eh sino nakatira dito?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, pero dati meroong nakatira dito at eto yung una naming bahay kaya nasabi kong maganda nga kung malinis ang garden. Laging yan nililinis ni mama. Ang mga bulaklak sobrang ganda gustong gusto kasi ni mama ang magalaga ng mga bulaklak pero ngayon wala pinabayan na ni mama" malungkot na sabi niya sa akin.

"Bakit naman pinabayan ng mama mo?Pati bakit niya pababayaan ang isang bagay na mahalaga sa kanya?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko ang alam ko lang noon mas pinili niya ang negosyo niya kaysa sa amin" malungkot na sabi niya sa akin.

Maspinili ng mama niya ang negosyo kaysa sa kanila?

"Eh-" na putol ang sasabihin ko ng bigla siya mag salita.

"Saglit nga lang bat ba ako nakikipag usap sayo nerd tha!" sabi niya at saka siya umalis.

May tupak rin pala ang isang yon, Maka balik na ngalang sa pag lilinis konti nalang malapit na ako matapos sa pag lilinis.

-----------

(JAYSON)

Bakit ko ba iyon na ikwento sa kanya kainis ay!

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon