EPILOGUE

129 11 0
                                        


Penny's POV


"HAPPY NEW YEAR, baby!" masayang sigaw ko habang nakatingin ako sa laman isang container jar na nasa ibabaw ng table na katabi ng bed ko.

"Siguro kung alam namin ng daddy mo na nabuo ka pala namin baka five years old ka na ngayon. I'm so sorry baby."

Oo, buntis ako five years ago. Of course Paul was the father. Pero hindi ko alam na buntis pala ako noong nalaman ko na siya pala yung hacker. Siguro sobrang na-stress ako nun. Lalo na nung sumama pa ako sa operation na paghuli sana namin ka Paul.






FIVE YEARS AGO...

I slowly turned to face them, "I'm so sorry sir. Pero mukhang nakatakas siya."

Narinig kong napamura si Sir bago nagdilim ang paligid.

Nagising ako ng puro puti ang nasa paligid ko. Diyos ko, nabaril na ako? Patay na ba ako? Agad kong nilibot ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko.

I saw Ian.

"How are you feeling?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

"What happened?" I asked back instead of answering him.

"Nakatakas ang boyfriend mo. And you collapsed during the operation," hindi ko alam kung nang-iinis siya o ano.

Hindi ako sumagot. Napansin kong nakatitig si Ian sa akin.

"What?" I asked.

"He was the father, wasn't he?"

Father? Pinagsasabi nito?

"What?" nalilitong tanong ko.

"You were pregnant. Pero nakunan ka. I'm so sorry for your loss," he directly said without a pause.

Halos hindi mag-sink in sa utak ko ang narinig ko. Buntis ako? Nakunan ako? I just found myself crying.

"Huwag kang umiyak, hindi makakabuti sayo. Baka mabinat ka," naramdaman kong hinahaplos niya ang likod ko.

"I didn't know," humihikbing sabi ko, "I'm so sorry, I didn't know."

"SSsh,"hinawakan ni Ian ang kamay ko at may inabot siya, "Pinapabigay niya sayo."

It was a piece of paper. Si Paul? Nagkita sila? Pa-simple kong tiningnan ang mga sulok ng kwarto kung may naka-kabit bang mga camera. Luckily, there weren't any.

"nagkita kayo?" tanong ko.

"No, may nag-iwan niyan sa mailbox ko," sagot ni Ian.

"Thank you," I said while reading what's written on the paper.

I'm safe. Take care, babalikan pa kita.

-P

"Ano sabi?" tanong ni Ian.

Saglit ko siyang tiningnan. Can I trust him?

"I know it was you. Alam kong ikaw ang nagpatakas sa kanya. You can trust me, Penny."

Huminga ako ng malalim, "He said he's safe."

"Good for him."

"Did they know? About what happened to me?"

Hacker Vs. HackerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang