Chapter 3

139 10 4
                                        

Penny's POV

NAGULAT ako nang may natanggap akong encrypted email. Kinabahan ako bigla. Na-trace yata ako nung hacker?

I was on my move of decrypting the message when my computer suddenly glitched. Tapos biglang nag-shutdown. Holy molly! I tried to turn it on again, and luckily, it did.  

I managed to turn on my computer but still, there's something wrong. Oh, hell. Oh, hell.

Biglang may nag pop up na black chatbox. I'll be damned. It's him! The fuck did he do to my computer?! Ang walanghiya, tinawag pa akong dwarf? Urgh.

Hindi ko na siya pinansin at humanap na lang ako ng paraan para malaman kung anong ginawa niya. Lagot ako neto eh, paano ko siya mahuhuli kung nauna niya akong hulihin?

At saka, ano ba to? Bakit parang na-trap yata ang computer ko? At sinabi niyang may control siya sa computer ko. Baka kung ano pang gawin niya.

I turned on my spare laptops to check what happened to my computer. But I can't find something. I messaged him again, asking what he did. At ang sabi lang ng gago, "I'll tell you one day, but not today".

So ayun, magdamag akong nag-research. And I found something about this certain black hole.

The term "black hole" is sometimes used to refer to an imaginary place where objects, files, or funds go when they get lost for no apparent reason.

Parang sasabog yata ang utak ko dito. I don't quite understand. How the hell is he doing this? Ganun siya kagaling? Mukhang minaliit ko yata siya. Napangiwi ako nang may ma-imagine akong mukha. Isang pangit na may suot na salamin at malaki ang tiyan. Ay jusko, nakakatakot ang hacker na'to!

Teka, ano ba tong iniisip ko? Tss.

Hindi ko namalayang umaga na pala. Tumayo ako sa kama ko at dumiretso sa shower room. Hanggnag sa pagligo ko, iniisip ko ang lintek na black hole nay an. Bakit ba kasi ngayon ko lang narinig yan? Urhg.

Nakatayo ako sa closet ko at naka-lingerie lang nang tumunog yung computer ko.


GODLIKE_RULER

Are you just gonna stand

Naked there?


Parang nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan sa nabasa ko. Nakikita niya ako? Ay tanga, may camera nga pala ako dito! Ang walang hiya! Pinapanood ba niya ako? Oh no, nakita niya ang katawan ko!


DarkPenny

I'm not naked,

pervert!

Humarap ako sa camera at nag 'F you' sign bago ko yun tinakpan. How could you be so dumb, Penelope! Malay ko ba kung kagabi pa niya akong pinapanood? Nakita niya sigurong magdamag akong nag-struggle sa ginawa niya sa computer ko. Baka pinagtatawanan niya ako. Waaaah! I cry.

Gusto kong i-shutdown lahat ng camera ko, pero anong point? Alam kong kayang-kaya niyang i-on ulit 'yon. Tsk.

Paglabas ko sa apartment ko, naalala kong may camera din ako sa may pintuan. Kaya pagkatapos kong i-lock yun, nag 'F you' ulit ako bago ako umalis.



PAGDATING ko sa cubicle ko, nag-ring ang phone. It's Sir Fred, hindi ko sana sasagutin pero baga pagalitan ako.

"Good morning, sir," bati ko sa kanya.

"Penny, good morning. How's the case?"

Ang sinabi ko lang, na-trace ko yung IP address niya. But I skipped the part that Im trapped into the hacker's black hole. Gagawan ko 'to ng paraan. Buti na lang hindi siya papasok ngayon dahil Family Day daw sa School ng anak niya. Edi siya na ang ulirang tatay.

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now