Chapter 19

92 7 0
                                        


Penny's POV


I WAS trying to crack the password encrypted folders for almost a day. Kaya naman nung tawag ng tawag si Paul ay hindi ko siya sinasagot. Ano bang kailangan niya?! Hindi pa sapat na nauto niya ako. Ayokong bigyan siya ng rason para makampante na okay na ako. Hindi ako ganung klaseng tao.

I sent him a message. Hindi naman death threat pero sapat na para kabahan siya. Hindi rin naman siguro siya ganun Katanga. Alam kong nakuha niya yung mga parinig ko. Alam kong alam niyang pinagduduhan ko siya.

Right after I sent that message, I turned off my phone. Mabaliw siya sa kakaisip, wala akong pakialam. Siya ba may pakialam kung anong mararamdaman ko sa paglalaro niya?

Sa totoo lang, nakakawala ng gana, eh. Gusto ko nga sana magmokmok lang sa bahay ko. Kaso may trabaho pa ako. Sino pa ba namang aasahan magchi-cheer up sa sarili ko kundi sarili ko lang din?

Bakit ba kasi restricted 'tong mga folders na'to? Sigurado ako pakana niya 'to. Huh, ang galing lang ha. Saglit akong pumikit kasi nananakit na ang mga mata ko. Lumabas ako at bumili ng kape. Pagbalik ko, hinanap ko yung anti-radiation glasses ko bago ako nagpatuloy.

Ilang oras ng nakakalipas, mawawalan na sana ako ng pag-asa. But fortunately, I did it. Muntik na akong mapalundag sa tuwa.

Agad kong binuksan ang mga folders at tumambad sa akin ang mga financials reports, business proposals at mga scheduled meetings. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Isa-isa kong tiningnan lahat hanggan sa mapadpad ako sa folder na ang nakalagay ay "Current Stockholders". Siyempre, binuksan ko din yon. May anim na pangalan doon at naka-arrange yata base sa laki ng share.

May naunang isang pangalan na may 30% share sa company. Sumunod si Paul at isa pa na may 20% na share. 20% talaaga? Ibig sabihin isa siya sa mga boss ng LifeStrong Group of Companies? Mayaman. Saan niya galing yung pera niya? Sigurado ako, sa mga bangkong biktima niya.

Alam kaya nung mga stockholders yung 'sideline' ni Paul? O baka naman sila-sila din ay may mga sari-sariling anomalya? Putangina niyo.

So, I guess that's it? I hope I did a job well done.

Tinignan ko ang wrist watch ko, masyado ng hapon para magpatawag ako ng meeting. Bukas na lang siguro. I just sent them a text message para sa meeting bukas.

Masyado pang maaga pero umuwi na ako. Wala narin naman akong gagawin. Pagdating ko sa bahay ko, agad akong nag-shower. That was exactly what I'm thinking earlier, a long hot shower.

Nang matapos akong magbihis, agad akong nahiga sa kama. Nakatingala ako sa kisame habang iniisip yung mga nangyari. Saka ko naalala yung naka-off na phone ko. I immediately turned it on. And I was right, bumaha ang mga mensahe ni Paul.

The last message I sent him was 'Why?'.

Alam kong gets niya ang ibig kong sabihin dun.

His first reply was 'What's why?'

Like, duuuh? Mag-gagaguhan paba tayo, Paul?

Others texts were asking where I was. Tama, hindi nga pala ako umuwi dito. Naisip ko bigla, bakit ko ba siya iniiwasan? Gusto kong i-confront siya pero parang hindi ko pa yata kaya.

Nagulat ako nang nag-ring ang phone ko. It's him. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin.

"Hey, where have you been?" bungad niya sa akin.

"I know who you are, Paul. Stop that fake concern," I said coldly.

"What---"

Hindi ko siya pinatapos, "Ano'ng ginawa ko sa'yo para lokohin mo ako ng ganun?" puno ng pait na tanong ko.

Hacker Vs. HackerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant