Penny's POV
NAUNA akong magising kay Paul kinaumagahan. Mas mabuti 'yon, kasi medyo nahihiya pa ako sa mga nangyari kagabi. Nilibot ng paningin ko ang kabuo-an ng kuwarto niya. Mukha namang malinis.
Napansin ko yung nagkalat na mga damit namin sa sahig. Langya, tinapon lang yata dito pagkatapos niyang hunarin sa katawan ko. Nahagip ng mga mata ko ang natutulog na tao sa tabi ko. He's sleeping peacefully. Nakadapa at isang kamay sa ilalim ng unan at ang isa pang kamay nakayakap sa beywang ko.
Ang guwapo niya. Kahit saang anggulo tingnan, guwapo talaga. Makapal na kilay at pilik-mata. Ang tangos ng ilong. Perfectly defined jaw and those luscious lips? Uh, they are to die for. And to think that his lips ravaged my mine last night? Parang gusto ko yatang maulit 'yon? Diyos ko, ang landi ko!
Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising.
Nagbihis ako. Oo, isinuot ko ulit yung damit ko. Wala naman akong ibang puwedeng isuot, eh. Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ako ng bahay niya. Ayoko ko munang magpakita, nahihiya pa ako. Hihi.
Nagmamadali akong pumara ng taxi para makauwi na ako apartment ko.
Pagdating ko, agad akong nag-shower. Baka kasi ma-late ako. Nang makapagbihis na ako, nag-ring yung phone ko. It's him. Parang pumalakpak yung ano ko. Ang landi talaga.
"Hey," he greeted.
"Hi," buti na lang talaga umalis na ako.
"Where are you?"
"Uh, home?"
"You didn't wake me up," he remarked.
"Sorry, baka ma-late kasi ako eh," depensa ko.
"It's Saturday," he said.
"Oh, it is?" stupid Penny.
"Iniiwasan mo lang ako eh," sabi pa niya. Naku, natumbok mo!
"Hindi ah, akala ko talaga hindi Saturday ngayon," depensa ko ulit.
"You could've at least let me drive you home."
Hindi ako umimik, wala naman kasi akong masabi.
"Can I come over?" tanong niya.
Ano na namang gagawin niya dito? Iisa na naman yata 'to, eh.
"Why?" nag-aalangang tanong ko.
"I want to see you."
Naku, alam ko na kung saan papunta 'yan!
****
It was almost 10 o'clock when Paul arrived. He kissed me. Kinilig tuloy yung ano ko. Bakit ba kasi ang pa-fall ng tanong 'to? Parang yung pangalan niya lang, Paul---pa-fall. Lol.
Niyaya niya akong lumabas. Nood daw kami movie. Natawa ako, automatic kasing may nag-flash na image namin na mukhang mga high school na nagde-date.
"What's funny?" nagtatakang tanong niya.
Umiling ako, "Wala naman, bihis lang ako."
I wore a comfy floral tube dress that reached the middle of my thighs. Then I wore my Mahogany rose Vans old Skool. Papantayan ko yung suot ni Paul. Naka Vans old skool rin siya, eh. Ayiiieh, para kaming couple.
Paglabas ko, naabutan ko siyang hawak yung phone niya.
"Hey, stranger," tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at pilyong ngumiti, "Hi, beautiful. Ready?"
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
