Chapter 5

137 7 1
                                        

Penny's POV

NAKAKA-STRESS na 'tong trap na napasukan ko! Paano ba ako makaka-alis sa black hole na 'to? Im working my ass out, but still, hindi ko alam ang gagawin.

At mukhang kilala na nga niya ako. Nakakatakot, baka bigla na lang akong barilin nun. O kaya naman ay bigla na lang akong i-kidnap at torture-rin. Gosh, Penny, ang advance mong mag-isip ha!

Pero hindi naman malayong maging totoo ang mga iniisip ko. Siya kilala niya ako. Samantalang ako, hindi ko siya kilala. Pero sigurado ako, lalaki siya. I can sense it in his words. Masyado siyang arogante. Akala mo kung sino! Given na kilala niya ako, malamang kilala na rin niya ang mga kasama ko. Lagot ako nito, eh.

Sa sobrang stress ko, kinuha ko yung isang laptop ko at nag log-in sa Netflix account ko. Kumuha ako ng maraming pagkain at dinala sa kuwarto ko.

Nanonood ako ng Mindhunter, nang biglang mag-beep ang phone ko. It's that creepy Paul guy. Yeah, tetxtmates at callmates na kami. Well, naman pala siya masyadong creepy.

PAUL:

Good night.

In fairness, medyo kinilig ako ha. Wala naman kasing nagte-text sa akin ng ganito, eh. Nakakapanibago. Ma-replyan nga.

ME:

Good night, dream of me.

Lalagyan ko pa sana ng emoticon, pero baka magmukha akong high schoole na nagpapapansin sa crush ko. Lol. Wala yatang isang minuto nag-beep na agad ang phone ko.

PAUL:

Ayoko, baka maging w*t dreams pa.

Ay jusko, may pagkabastos pala 'to. Pero Natawa lang ako. Ano ba? Hindi na ako teenager para mabastusan pa sa mga ganyan.

ME:

I don't mind.

Tignan ko nga 'tong lalaking 'to.

PAUL:

Then, w*t dreams it is.

Ooooh, he's hitting on me, alright. Napangiti na lang ako habang nilalagay sa nightstand yung phone ko. Nagdadalaga na ako, ayiiie. Hahaha.

Nang makaramdam ako ng antok, pinatay ko na yung laptop ko at natulog. Hindi ko na niligpit ang mga kalat ko. Bukas na lang. parang hindi na kaya ng powers ko.

****

"SO, Penny, How's the case?" tanong ni Sir Fred.

Parang naiihi ako sa kaba. Anong sasabihin ko? Eto na ang kinakatakutan, eh.

"Uh, sir, tulad po ng sabi nung isang araw, na-trace ko po yung hacker. He left some digital footprints and I used that on tracing him. But there's no luck in finding the hacker's identity, sir. Pero ginagawan ko po ng paraan," paliwanag ko.

Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. Parang naghihintay kung may sasabihin pa ba ako.

"Actually, may nangyari, eh. And what I'm about to say is I'm not sure if you'll understand," tumikhim ako bago nagpatuloy, " So, nasabi ko na na-track ko siya. And what I did was stupid, I must say. Nag-send ako sa kanya ng mga sarili kong gawa ng mga virus. At mukhang hindi niya nagustuhan yung ginawa ko. He tracked me back and sent some bug on my computer." I half lied.

"And what happened next?" tanong ni Divine grace.

"My whole computer system shutdown and the moment I fixed it, he's gone. Like completely off the cyber grid. I don't know how he did that. Nang binalikan ko yung na-trace ko na IP address, sinubukan ko yung i-convert into something like a real address, it led me into a place where there is no wifi or internet connection," paliwanag ko.

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now