Paul's POV
SEEMS like Penelope, my little hacker is busy. Nakikita ko yun dahil kanina pa siya nakaharap sa laptop niya.
Anong pinagkaka-abalahan niya? Is she trying to get rid of me again? Tumaas ang sulok ng labi ko. Ganun siya ka-desperate na makawala sa akin? Ma-istorbo nga.
I got my phone and texted her.
ME:
Hey.
Tinitingan ko siya sa monitor kung mag-rereply ba siya.
PENELOPE:
Hi.
So, nagre-reply nga? Well, she's an Agent, she's used on multitasking.
ME:
Busy?
PENELOPE:
Sort of.
Oh, I want to know what's making her busy. Tinawagan ko siya.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Hi, there," she greeted back.
"What's keeping you busy?"
"Work stuff," she chuckled.
"Nasa trabaho ka pa?" kunwaring tanong ko.
"Nope, nasa bahay. May inaayos lang ako."
"What exactly is your work?"
"I'm an IT Specialist."
I smirked, "Nice."
"Sooo, bakit ka napatawag?"
"Just wanted to hear your voice," hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, swear.
I saw her smiled, "Really?"
Ilang minuto pa kaming nag-kuwento habang tinitingnan ko siya sa monitor ng computer ko. Hanggang sa magawa kong itanong sa kanya ang isang bagay na hindi ko inaasahang maitatanong ko.
"Can I ask you for a date?"
It took her seconds bago siya nakasagot, "Ilang araw pa lang tayong magkakilala ah, date agad?"
"Bakit? Kailangan pa bang patagalin?"
"Hindi ko alam," she shrugged.
"Tomorrow night, 7PM," I said with finality.
Natawa siya sa kabilang linya, "Wow."
"I don't take No for an answer, Penelope," I said seriously.
"Okay, the, yes it is."
Nang ibaba ko na ang phone ko, natulog na ako. Wala naman akong gagawin.
NAGISING ako kinaumagahan dahil sa tunog ng phone ko. Ang aga-aga pa, sino naman 'to?
"Hello?" sinagot ko nang hindi tinitingnan kung sino yung tumawag.
"Paul," its Genesis. Isa sa mga kasama ko.
"Oh, napatawag ka?"
"Meeting tayo ngayon, 10 AM. See you." Pinatay na niya ng tawag.
Oh, shit. Bumangon ako at saglit na umupo sa gilid ng kama. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding. 9:05, seriously?
Agad akong nag-shower at nagbihis.
I drove car to the building where the meeting is always held.
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
