Chapter 13

99 9 0
                                        


Paul's POV

NAKA-ILANG text na ako kay Penelope pero hindi siya sumasagot. Ano kayang nangyari sa kanya? Kagabi, bigla na lang naging tahimik. Kinakabahan tuloy ako.

Magte-text n asana ulit ako pero biglang nag-beep yung phone ko. A text from Penelope!

I'm busy, sorry. Call you later.

Akala ko naman galit siya. Pero kinakabahan talaga ako, eh. Kagabi, nung natagalan siya at sinabi niyang gagamit lang siya ng banyo, paano kung may nakita siya? Wala talaga kasi akong ibang maisip ng rason kung bakit bigla na lang siyang nawala sa mood niya, eh. Okay naman kasi kami bago siya gumamit ng banyo, eh.

Bigla kong naalala, yung library ko at kuw

arto kung saan naroon ang computer ko ay malapit lang sa Comfort room na ginamit niya kagabi. Shit, hindi kaya may nakita siya? Hindi ako mapakali. Anong gagawin ko?

Parang gusto ko nang sabihin sa kanya. Pero paano? Nahilamos ko ang palad ko.

"Hey, problem?" si Genesis.

Yeah, nasa office ako ngayon.

Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang siya ng masama.

"And with that look, I'll take it as yes," tumatawang sabi niya.

"Stop pestering me, Gene. May iniisip ako," I told him dryly.

"And what are you thinking?" tanong niya ulit.

Tiningnan ko ulit siya ng masama. Tumawa siya.

"I know that look. Hindi ka yata nakatira, eh. Tinanggihan ka ba kagabi?"

I rolled my eyes, "Pwede ba? Lumayas ka nga!"

"Wala akong ginagawa kaya, pag-usapan natin yang iniisip mo. C'mon, man."

Ang kulit. Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Bigla siyang naging malamig kagabi, eh. Nakigamit siya banyo tas pagbalik niya sa kusina, ang tahimik na."

"Baka kinuha ng engkanto at pinalitan ng iba. Hindi na sya 'yon," parang tangang komento niya.

I rolled my eyes, "C'mon. hindi ganun yon. Yung library at computer room ko malapit sa common CR ng bahay ko. Paano kung may nakita siya?"

Sandali siyang natahimik.

"Hindi man lang ba siya nagtanong?"

"Hindi, eh. Basta pagkatapos naming kumain, nagpahatid na lang bigla."

Tumawa siya, "So, hindi ka nga nakatira? Naku, iba ka rin, ah. Hindi ka lang naka-score, kung ano-ano na naiisip mo."

Buwisit talaga 'to, oh.

"Lumayas ka nga! Wala kang kuwentang kausap."

Tumawa ulit siya, "So, paano kung may nakita nga siya?"

Ako naman ang saglit na natahimik.

"ANong gagawin mo?" tanong niya ulit, "Baka hinihintay ka lang niyang umamin."

"Hindi naman siguro, hindi ko alam ." nahilamos ko ulit ang palad ko.

"Anong hindi naman siguro? C'mon, man. Hindi siya basta-bastang hacker at IT Specialist lang. she's an agent! Kung may nakita man siyang kahina-hinala doon sa bahay mo, sigurado ako pinagtagpi-tagpi na niya 'yon ngayon," he said in a as-a-matter-of-factly tone.

Napikit ako ng mariin. Tama si Genesis, eh.

"ANong gagawin ko?" I asked helplessly.

"Sabihin mo sa kanya."

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now