Chapter 14

109 8 0
                                        



Penny's POV

MATAPOS kong sabihin sa meeting namin na kailangan mag-undercover nina Hadji, nagpaalam akong umuwi. Marami pa kasi akong aayusin para makapasok sila ng walang sabit sa kompanya kung saan sila maga-undercover.

At hindi rin talaga maganda ang pakiramdam ko. Parang madi-depress ako. Ang sakit isipin na si Paul yung hacker. Although hindi pa naman ako sure. Pero Malabo talagang coincidence lang 'yon, eh. May pakiramdam talaga ako na siya yung hacker. And my gut feeling is my guardian angel, and it never let me down.

Idagdag ko pa yung napansin kong kinakabahan siya nung huling punta niya sa apartment ko. Sinadya ko talagang banggitin yung nakita ko ang library niya. I wanted to see how he would react. At nautal pa talaga siya. Bakit kasi hindi na lang siya umamin? Nakakainis! Pinapa-amin ko kasi siya, eh. O baka naman kaya hindi niya na-gets? Pero alam kong tensed siya noon, kaya imposibleng hindi niya na-gets.

Saktong pagpasok ko sa apartment ko, nag-vibrate yung phone ko. When I opened it, it was text from Paul.

Have you eaten?

I replied yes, kahit hindi pa. wala lang.

Agad kong inayos yung yung mga dapat kong gawin. Sina James at Hadji, sa LifeStrong Company ko sila papasukin. SI Ina sa isa sa mga Casino na pagmamay-ari ng kompanya. Pinasok ko lang naman ang pangalan nila sa lists of employees sa pamamamagitan ng ilang tricks ko. Pinasok ko sila as Security Guards. I hope you guys don't get mad at me.

Nang matapos ako, saka ko lang napansin na alas kuwatro nap ala ng hapon? Kaya pala nakaramdam ako ng gutom. Ugh, asan nab a yung tagadala ko ng pagkain? Tinawagan ko si Paul.

"Hi," bati ko sa kanya.

"Hey, saan ka?"

"Bahay."

"It's still 4PM. Maaga ka umuwi?"

"Yeah, kaninang tanghali pa. may ginawa kasi ako dito."

"Oh, can I come?"

"Of course," I can't hide my smile.

"I'll bring food."

"I was waiting for you to say that," natatawang sabi ko.

"Yeah," natawa rin siya, "I'll see you."

Ano bang ginagawa ko? Paano kung siya nga talaga ang hacker? Tapos nakikipaglandian ako sa kanya? Ano ba 'yan, minsan na nga lang lumandi, doon pa talaga sa pinaghahanap ng batas. Ang palpak mo talaga, Penny.

Humiga ako sa kama habang naghihintay kay Paul. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko. Nagising na lang ako nung tumawag ulit siya. Agad akong bumangon at pinagbuksan siya.

"Busy?" nakangiting tanong niya pagbukas ko. Ang guwapo.

"No, nakatulog ako."

"Sorry, natagalan yata ako," hinalikan niya ako sa noo.

Hindi ko na naman mapigilan ang ngiti ko, "Hindi naman, pagod lang talaga ako."

Dumiretso kami sa kusina para kumain.

Habang kumakain kami, ramdam ko ang palaging pagtitig ni Paul sa akin. Tuwing nahuhuli ko siya ay nginingitian ko naman siya.

"What?" tanong ko nung nahuli ko ulit siyang nakatitig sa akin.

Umiling siya at ngumiti. Pakiramdam ko parang may gusto siyang sabihin, eh. Sabihin mo na, please. Naghintay ako kung may sasabihin siya, pero wala.

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now