Chapter 10

109 8 0
                                        


Penny's POV


ANG PUTANGINA, hindi na nagparamdam. Pagkatapos niyang kunin yung napaka-precious na virginity ko? Walangya siya!

Sa sobrang inis ko, yung computer ko ang napagdiskitahan ko. Teka? Ilang araw na ring hindi nangungulit yung hacker, ah? Ano nangyari dun? Maybe he's preparing to attack me? Napangiwi ako nang maisip ko 'yon. Bago pa niya magawa 'yon, uunahan ko na siya.

Naalala kong may nakuha nga pala akong digital footprint nung hacker mula sa computer ko. I dramatically tapped my finger on my computer table before wearing my anti-radiation glasses. Ginamit ko yun nakuha ko para i-track yung IP address niya at para makapasok sa system niya. I expected something from him. Anong nangyayari? Bakit wala? Tanga ka ba, Penelope? Hihintayin mo pa bang prituhin niya yung computer mo?

So, I accessed his files. I was hoping to find something. Like picture or something that would tell his identity. Pero wala akong nakitang kahit isang picture? Hala, bakit? Baka talagang nag-ingat lang siya. I browsed and browsed until I found something more interesting. Ang panaglan nung folder ay 'LifeStrong Group of Companies'. What the hell is this? I tried opening the folder only to find out it needs permission to access in it.

Bakit may ganito? Ano 'to? May business siya? Sosyalan naman ang hacker na 'to.

At dahil mukha wala namang balak magparamdam yung hacker, naghalungkat muna ako. Sinubukan ko ulit i-convert into real address yung IP address na na-track ko, pero wala pa rin. Sa inis ko, nasuntok ko yung mesa. Hmp, kung hindi ko siya matutunton, isa-shutdown ko nilang yung system niya!

Type. Type. Type.

After eternity of typing commands and all, I couldn't do it. Hindi ko kayang i-shutdown yung system ng hacker. I think his security protocols are really impressive.

Pero may lead na ko. Maghahanap ako ng mga puwede kong malaman na inpormasyon tungkol sa LifeStrong Group of Companies na 'to. Anong koneksyon mo dito? Pero nasaan nga kaya siya? He should've noticed me trying to shutdown him a while ago.

At dahil nagpaalam ako kay Sir Fred na dito ko lang sa apartment ko gagawin yung trabaho ko, nandito lang ako. May kung anong nag-udyok sa akin para silipin ko yung phone ko. Para akong tangang nakatitig lang dito nang mag-ring ito. Muntik na 'yong nahulog sa pagkabigla ko. Tangina, sino naman 'to?

Oh, it's the motherfucker Paul.

Sasagutin ko ba?

"Oh?" kunwari nagsungit ako. Pabebe pa, sasagot din naman pala.

"Hi, I miss you," ano? Pagkatapos siyang no show ng ilang araw, I miss you lang sasabihin niya?

"Really?" I said in a flat tone.

"Open up, nandito ako sa labas," huwaaat???

Bigla akong napatayo. Tanginang paa 'to. Pero pabebe pa ba ako? Pumunta na nga dito oh?

Pagbukas ko ng pinto, nakatayo siya at may dalang paperbags. Ang guwapo. Ang landi mo, Penny, huwag kang mag-focus sa mukha! Pinilit kong pigilan yung kilig ko.

"Ano yan?"

"Pasalubong ko sa'yo," ngumiti siya.

"Tangina ka, ba't ang guwapo mo?"

Tumawa siya, "Itanong mo 'yan sa nanay ko kapag nakilala mo na siya."

Ha? Did I say it aloud? Parang namula ang pisngi ko sa hiya. Ang tanga lang, eh.

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now