Paul's POV
SHE'S trying to get me! Oh my god, she really is trying to get me. Hindi ako mapakali. Anong gagawin ko? Shit.
Final na, magko-confess na lang talaga ako sa kanya. Kahit hindi niya diretso sabihin, alam ko pinapa-amin niya ako. Paano ko ba sasabihin? Gago, yung kaba ko parang aatakihin ako. Ano kayang magiging reaksyon niya? Magagalit? Madi-disappoint? God, baka masaktan ko siya.
Nahilamos ko ang palad ko. I must call Genesis.
"Yo, man," sagot niya sa kabilang linya.
"How do I tell her?"
I heard him scoff, "Just... tell her."
"Paano nga? Ayokong masaktan siya."
"Masasaktan talaga yun, at magagalit."
"I like her, Gene. I don't want to offend her, or disappoint her or hurt her feelings." (A/N: Sana all)
"Well, you should've thought about that before you, you know, fvck her and all," he remarked.
Nanliit ang mga mata ko, "Wala ka talagang kuwentang kausap, eh."
Narinig kong tumawa siya, "Basta sabihin mo lang at humingi ka ng tawad. Kung magagalit siya, tanggapin mo. You deserve it, anyway."
Napapikit ako, "Paano kong layuan niya ako?"
"Kung lalayuan ka, Eh di sundan mo. Win her again, basic."
Kung maka-basic akala mo ang dali lang nun.
"Akala mo naman madali lang," pagmamaktol ko.
"Alam kong hindi madali yan, in love ka eh," tumawa siya, "SIge na, tumawag ka na lang kapag nasapak ka na niya."
Pinatay niya ang tawag.
Gago.
****
Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip kung paano ko sasabihin kay Penelope. Sigurado ako kapag nagkita kami mamaya, magpaparinig na naman siya. Mai-stress at kakabahan na naman ako. Nagbibihis ako nang mag-ring ang phone ko. It's her.
"Hi," sagot ko.
"Hey, uhm, coding yung sasakyan ko, eh. Can you come pick me up?"
Oh, how could I not, love?
"Sure, sure." I said while smiling.
"Owwkey, see yah."
I was smiling like a lovestruck teenager habang nagmamaneho ako papunta sa apartment ni Penelope. Wala eh, na-fall, eh. Pagdating ko, nandoon na siya labas. Naghihintay.
"Hi, beautiful," bati ko sa kanya.
"Hey, handsome," she smiled. Damn, my heart dropped.
"Shall we?"
Sumakay siya at kampanteng naupo sa front seat.
"Seat belt, love," I reminded.
"Right," she chuckled.
"I have something to tell you," sabi ko habang nakatingin pa rin sa daan.
Nang lingunin ko siya ay napansin kong panay ang ngiti niya.
"Happy?" I asked.
"Yep. Guess what?"
Oh, here we go.
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
