Penny's POV
ILANG araw mula nung nakauwi si Paul, panay text at tawag siya sa akin. Natawa talaga ako nung nakita kong nag-send siya ng friend request sa akin sa facebook. And he followed my other social media accounts! At nag-react pa talaga sa mg apictures ko. Parang gusto ko tuloy kiligin. Pero Para siyang stalker. Pero dahil guwapo siya, hindi siya papasang stalker. Admirer siya! At inimbita niya ulit ako sa bahay niya. Ang dami niyang ka-charotan sa buhay, gusto lang ulit 'yon umiskor, eh. Hindi pa masabi, lol. Kaya excited na akong sumapit ang hapon, eh.
Pero bago 'yon, may meeting muna kami.
"LifeStrong Group of Companies?" tanong ni Sir Fred.
"Yeah," I confirmed, "Nakuha ko yan doon sa files mismo nung hacker. I don't know kung biktima niya 'yan o nagtatrabaho siya diyan. Aalamin ko pa."
"How did you managed to get inside his system?" tanong ni Ian.
"I did some general cleaning on my system. At parang nawala rin siya ng ilang araw eh. I tried to shut him down pero nahirapan ako."
"Paano mo nasabing nawala siya ng ilang araw?" tanong ni Sir.
"He should've notice me trying to shut him down, and I waited for him to kind of cyber attack me. Pero walang nangyari," I shrugged.
"I see, just keep on digging," saad ni Sir.
"I will, sir."
****
KASALUKUYAN akong nasa office at naghahanap ng information tungkol sa Company na nahanap ko files nung hacker. And I was surprised. Malaking kompanya kasi pala ito. They own chain of hotels, Casino, Resorts and Glass & Textiles Business. Wow. Kung sino-sino man ang nagmamay-ari nito, mayayaman sila.
Pero bakit hindi ko makuha-kuha ang mga pangalan ng mga may-ari? O kahit ng mga stockholders? I don't get it.
Nakatingin pa rin ako sa monitor ng computer ko nang mag-ring ang phone ko. It's Paul. Napangiti ako.
"Hi," bati ko sa kanya.
"On the way, beautiful," I can sense him smiling on his voice.
"Okay, lalabas na."
Pagkatapos kong i-end ang tawag niya, nag-shutdown na ako ng computer ko at nagtungo sa parking lot.
Surprisingly, nandoon na siya pagdating ko sa parking lot. Ang bilis naman. He looks so handsome in his business suit while leaning on his car. Ugh, yummy.
"Hi," he gave me a peck. Sweet. I mentally giggled.
"Hi," I smiled my sweetest smile. Charot, kinikilig ako eh, bakit ba.
"Ipagluluto mo ulit ako?" tanong ko.
"Hmm-mm," tumango siya at kinabitan ako ng seatbelt, "May gusto kang kainin?"
"Kung makapagtanong ka naman, para naman akong naglilihi niyan eh," biro ko.
"Bakit, hindi pa ba?" nakangising tanong niya. Grabe, ang landi ng lalaking 'to! Sa sobrang landi niya parang hindi yata ako makakasagot ngayon. Basta, kinikilig ako. Hahaha
"Ang landi mo, alam mo 'yon?" pinipigilan ko ang kilig ko.
Tumawa siya, "Ikaw pa lang naman ang nilandi ko."
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
