Paul's POV
SMALL WORLD.
That cute little hacker was my brother's coworker. Wow. Just wow.
Isa lang ibig sabihin nito, alam na nilang may nagha-hack ng mga bangko. Pero siyempre hindi nila alam na ako yun. At hindi nila alam na may bago akong target na bangko ngayon.
Anyway, hindi parin ako makapaniwala na magkasama sa trabaho yung hilaw kong kapatid at yung maliit na hacker na yun.
Maganda siya. I mean mas maganda sa personal. Naalala ko tuloy ang mukha niya kanina habang nakaharap sa camera at nag-dirty sign.
And she made smoking look so cool. Well, vaping or smoking, whatever. Medyo matagal-tagal na rin mula nung huli akong nagka-interes sa isang babae. At sa kanya pa talaga, huh? Alagad siya ng batas, tapos ako naman yung hinahabol ng batas. How...ironic.
Nang maka-alis ang sasakyan niya kanina, umuwi na rin ako. Wala naman akong gagawin doon.
Pagdating ko sa bahay, tiningnan ko agad ang computer ko. I checked Penelope's security camera to see if she already arrived in her home. And yeah, nakarating na siya. Nakapagbihis na nga, eh. Saying hindi ko nakita.
Napailing-iling na lang ako sa sarili ko.
I decided to call Penelope. Kung magtatanong siya kung saan ko nakuha ang number niya, magdadahilan na lang ako.
Naka-ilang ring pa bago siya sumagot.
"Hello?"
"Hi, Penny," bati kko sa kanya.
"Sino 'to?"
"Paul," hindi ko alam kong bakit pero napapangiti ako.
"Ian's brother?"
"Mmm-hmm."
"SAan mo galing number ko?"
"I have my ways," Well, Love, I hacked you.
"May kailangan ka?" meron ba?
"Wala naman."
"Oh, bakit ka napatawag?" ang suplada. Haha.
"Bakit may magagalit ba?"
"Meron, ako."
Natawa ako, "I mean boyfriend or husband?"
"Mukha ba akong may asawa?" parang naiinis na tanong niya.
"How about a boyfriend?"
"Wala, ikaw gusto mo?" ano raw?
Natawa ako, ang prangka pala ng babaeng 'to.
"Puwede ba?"
"Hindi, masyado kang creepy."
"Creepy? Ako?"
"Yeah, hindi mo alam? Wala pa bang nakapagsabi sa'yo?"
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagkausap pero nag-enjoy akong kausap siya. Yes, I am fascinated with this little hacker, I guess.
When we both hung up, I immediately turned to my computer. It's time to be back in business. I entered my account in dark web. After doing some business, I then checked the banks record.
I smirked. Magsisimula ako sa pinakahuling tao na nasa listahan ng mga VIP clients nila.
I didn't drain his account. Kawawa naman, babalikan ko pa kasi yun.
I was about to turn off my computer when suddenly it beeped and some red triangle with exclamation on the center appeared.
What in the hell?
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
