Somehow, I felt sincerity in his voice. Muntik tuloy ako maiyak.

"So, siya yung pinagdududahan mo? Hindi ba sinabi mo pabubugbog mo siya sa amin kapag na-kumpirma mo?" tanong ni Hadji.

Naalala pala nila yung sinabi ko. Bahagya akong natawa.

"I said that?"

"Oo kaya," sagot ni James, "Sabi mo pa nga, 'you'll beat the hell out of him for me'."

"Ano, papabugbog mo ba?" tanong ni Hadji.

"Kayo na bahala," walang-ganang sagot ko.

What's the use of beating him, anyway? I know deep inside me it won't make me feel better.











****

"SO, that's the plan. Good luck." Sabi ni Sir Fred pagkatapos ng plano naming paghuli kay Paul.

So, sasama talaga ako? Ano bang ginagawa ko? Bahala na nga.

Umuwi na ako pagkatapos namin.













****

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kisame. Ang dami-dami pang tanong sa isip ko na gusto kong itanong kay Paul. Shit, bakit kasi ako na-attach sa taong yun? Naalala ko ang suot kong singsing. Bumangon ako at hinubad yun saka tinago kung saan.

Lumabas ako at pumara ng taxi. Then I found myself in front of Paul's house. Why the fvck I am here? I hesitantly pressed the door bell. Medyo matagal bago may nagbukas. Aalis na sana ako pero binuksan niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Penelope? God, I thought I'll never see you again," there was sadness in his voice.

At ako naman, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako narito. Bakit nga ba?

"I, uh, you need to get going," sambit ko. Shit, what am I doing?

"Huh?" magkasalubong ang kilay niya habang tinitigan ako.

"We planned to arrest you. You need to get going."

We paused for a moment. We just stood there, staring at each other.

"I, uh, I did my job. I was angry. I'm sorry but I had to do that," bawi ko nang nahanap ko ulit yung boses ko.

"No, no. you don't need to be sorry. It was my entire fault. But you don't need to do this. You were right. Kriminal ako, Penelope. Kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa ko," sabi niya ng puno ng sinsiridad sa boses niya.

"No, I can't bear to see you being dragged to jail," tumulo luha ko, "I am still angry but I am in love with you, goddamnit. Sasama ako bukas. And I just can't stand there seeing you are being arrested."

"But---"

"I'll clean up, you go."

Pinahid niya ang luha ko at hinawakan ang kamay ko.

"Where is your ring?" tanong niya.

"Hinubad ko," tipid kong sagot.

"Huwag mong itapon. Isusuot ko ulit sayo yun kapag okay na ang lahat," malungkot siyang mgumiti.

Hindi ako sumagot kaya nagsalita siya ulit.

"I'm so sorry, Penelope. Mahal na mahal kita. Nagkataon lang na sa ganitong sitwasyon tayo nagkakilala. And thank you for doing this. Alam kong labag ito sa trabaho mo. Hindi ako mangangakong babaguhin ko ang sarili ko dahil baka mapako ko lang kapag nangako ako. Mawawala lang ako saglit, pero babalik ako. At pagbalik ko, sisiguraduhin kong babagay na ako sayo. But right now, I am a poison to you. And I know you risked everything by coming here tonight, I am so sorry. Babalik ako."

Hinalikan niya ako sa noo. napapikit ako at magmulat ko, wala na siya. Saglit akong umiyak saka ko pinahid ang luha ko at pumasok para linisin ang mga naiwan niya.

God, I know this is wrong.

Nilinis ko lahat, lahat. Mula sa mga CCTV records hanggang sa mga minor files niya. Sinigurado kong burado lahat ng record sa CCTV at sinigurado ko ring walang mare-record paglabas ko sa bahay niya pati sa mga kalye malapit sa bahay niya. Baka may makuha pang record na nagpunta ako sa bahay niya bago ang operation namin.

Bago ako tuluyang lumabas, may nahagip akong ball cap. Kinuha ko yun at sinuot bago ako tuluyang umalis.













****

"Everyone ready?" tanong ni Sir sa amin.

Tumango kami.

Pagdating namin sa bahay ni Paul. Ganun parin kung paano ko ito iniwan nung pumunta ako. Andun yung kotse niya.

Inisa-isa namin ang mga kwarto. And just as I expected, wala siya. Dapat lang, mapapatay ko siya kapag nagpahuli siya.

"Clear!"

"Clear!"

"Sir, wala na siya," inporma ni James.

Napamura si Sir Fred, kinabahan ako. Napansin kong tumingin sa akin si Ian. Pero lumaban ako ng titigan sa kanya. Mas magdududa siya kapag iiwasan ko siya ng tingin.

"Sir, here," sigaw ni Hadji.

Pumunta kami sa kwartong kinaroroonan niya. Doon ako kinabahan. Paano kung may nakalimutan pala ako?shit.

Pagpasok namin, naka-On ang computer ni Paul. Fvck, sigurado akong naka-off yun pag-alis ko.

Pero nung lapitan ko yung computer, may nakalagay na 'Press Enter'. I did press it.

Lumabas ang isang mensahe.





You think you can get me? Well, come get me.

-GodlikeRuler





I metally smirked. Goddamn you, Paul. How did he do this? Asan kaya siya ngayon?

I slowly turned to face them, "I'm so sorry sir. Pero mukhang nakatakas siya."

Narinig kong napamura si Sir bago nagdilim ang paligid.















Epilogue coming next. 😊

Hacker Vs. HackerWhere stories live. Discover now