Dumating na din yung pizza and chicken na inorder namin. Kumuha lang din si Lily ng soft drinks at mga canned beer. Trip daw niyang mag beer ngayon eh.

"Kamusta na nga pala yung pag aartista mo?" Tanong ni Lily habang nanunuod. Bird box yung plinay niya. Hindi ko alam kung bakit???


"I've been on a hiatus for almost... 7 months now." I said. Hindi pa ko sure kung sasabihin ko ba sa kaniya yung months pero yeah, sinabi ko na.

"7 months?" Tanong ni Lily. "Why? May nangyari ba?"


May nangyari nga ba? Marami.


"I just... I'm not in my usual self these past few months." Sabi ko sabay inom sa beer na binigay ni Lily kanina.


"How about you? How are you?" Tanong ko.


"I'm... good. I've never been better. I got the peace that I want."

I know she's throwing shade at me but who am I to get mad? Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganiyan eh.


"Buti naman."


Nabalot kami ng katahimikan. Nag focus nalang ako sa pinapanuod namin kahit lumilipad yung utak ko. Ang dami kong gusto sabihin sa kaniya. Gusto ko mag sorry, gusto ko sabihin na pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko sa kaniya. Gusto ko sabihin kung gaano ko siya ka'mahal kahit alam ko na wala na kaming pag asa.


"Lily?" It was more of a whisper pero alam kong narinig niya ako.


"Hmm?"


"I'm sorry." I said.


Sinusulit ko na yung mga oras na kaya ko pa siyang titigan nang ganito kalapit.


"I'm sorry for everything." Nararamdaman kong maiiyak na ako. Nag iinit na yung pisnge ko tsaka ang sakit na ng mata ko.


"Jasmin-"


"I'm sorry kung kinailangan mo pang lumayo. I'm sorry kasi nasaktan kita ng sobra."


Traydor na mga luha to.


"Wag ka mag alala... Totoo yung sinabi ko na after this... hindi na kita guguluhin. I will set you free... kasi ganun kita ka'mahal, Lily. Ayokong nahihirapan ka because of me." Pinahid ko yung mga luhang patuloy na pumapatak. Ang sakit.



"Shh. Stop crying." Lily said then pull me into a hug.



Hindi ko alam na magiging ganito pala kalamig yung mga yakap niyang dati'y kay init.



"It's okay, Jasmin... Thank you..."


Nagpapa'salamat ba siya kasi finally I'm letting her go?



"Hindi mo na ba talaga ako mahal, Lily? Hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin?"


I've cried so much this year. Pagod na pagod na ako pero hindi ko magawang tumigil kasi kahit ang sakit sakit na... mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano nangyari yun.


"Jas... mahal kita. Mahal pa rin kita, hindi mawawala yun pero hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit. Alam mong nasaktan mo ko at hindi ganun kadali lahat para sakin." Lily said.


Dahan dahan niyang kinulong ang mukha ko sa mga palad niya.


"I want you to be happy. Nangyari lahat yun kasi may dahilan. Let's be happy kahit hindi na sa isa't isa please? I know it's hard kasi... tangina hindi ko nga alam kung kaya ko pang sumaya sa piling ng iba eh."


Hindi ako nagsalita at hinintay lang kung anong susunod na sasabihin ni Lily. This is what we both need.


Closure.


Goodbye.




"Walang sinomang makakapantay sa kung anong ipinaramdam mo sakin, Jas. Pagmamahal at sakit. Parehong umaapaw."



I don't know if I should be happy. Kasi akala ko ako lang yung nagmamahal ng sobra.



"I want you to be happy too, Lily. That's why I'm letting you go. I'd rather see you smile knowing you're happy with someone else than knowing you're hurting because of me." Dahan dahang pinawi ni Lily yung mga luha ko. Nakakainis, kailan ba to mauubos?


"Paulit ulit kong hihingin sa itaas na sana makatagpo ka ng tao na itatrato ka gaya ng pagtrato mo sakin... yung taong mamahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sakin. Patawarin mo ako kasi hindi na ako 'yon."


And that, Ladies and Gentlemen... broke my heart.



"It hurts. Pero wala akong karapatang mag reklamo kasi kasalanan ko naman."



Sobrang sakit. Parang gusto ko nalang mamatay. Bakit ganun? Those words... na nanggaling pa mismo sa taong mahal na mahal ko.



"I only want what's best for you, Lily. Syempre, hindi na rin ako 'yon." I smile bitterly.


"Friends?"


Wow. Di ko alam kung mao'offend ako or what. Paano kung ayoko ng friends lang? Paano kung gusto ko bumalik kami sa- char, hindi na mangyayari yun. Managinip ka nalang, Jasmin.


"Friends." I said then nag'shake hands kami.


Mas okay na ako dito kesa sa wala diba? Kesa namang tuluyan na niya talaga akong kalimutan. I don't want that to happen... not yet.



"Last question. Before I let you go, before I let us go..."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko pwedeng lampasan 'tong tanong na to. Eto lang yung paraan para makatulog na ako ng mahimbing.


"Do you already forgive me?"


Lily's face softened.


"Almost."



Almost. Ibig sabihin, not quite but papunta na dun. Buti nga almost na eh. Sa sobra ba namang sakit ang naidulot ko sa kaniya. I know mapapatawad niya din ako. Not now, but I know soon. I just have to understand that when a person accepts your apology, it doesn't necessarily mean that they want you back in their lives.



And it hurts.





 

LOVE is BLIND (ON GOING)Where stories live. Discover now