Chapter Twelve

101 12 4
                                    

Chapter Twelve

"Bakit naman biglaan kang pumunta rito, Ali? Mabuti nalang at hindi heavy ang schedule ko today kaya naisingit kita," agad na sabi ni Doktora Marisa nang maupo siya sa kaniyang silya. Ngumiwi ako. "Pumunta po talaga ako rito sa inyo para sabihin na baka bumalik po ulit 'yung sakit ko," sagot ko sa kaniya. Kita ko naman ang pag kunot sa noo ni Doktora nang marinig niya 'yung mga sinabi ko.

"What do you mean, Ali?" tanong niya saka inayos ang kaniyang upo. "These past days kasi nakikita ko ulit si Nico," sagot ko rito. Kita ko agad ang pagka-bahala sa mukha niya.

"So, nag-usap ulit kayo?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi, e. Actually, noong kinausap ko siya tinanong niya ako kung sino daw ba ako, tapos nakita ko rin siya doon sa company," sagot ko. Tumango-tango lang si Doktora habang nag kwekwento ako.

"Maari nga, Ali. May problema ka rin ba sa mga dumaang araw?"

"Wala naman po, I'm fine. Saka, medyo may pinagka-busyhan nga rin ako kasi isa na po akong manunulat sa isang publishing company," sagot ko.

"That's great, wow, congratulations!"

"Salamat po, pero natatakot ako na baka lumala ulit 'tong sakit ko at ma-weirdohan sa 'kin 'yung founder, medyo close pa naman kami. Ayokong ma disappoint siya." Umiling-iling ako habang sinasabi 'yon kaya naman agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Don't worry, Ali. Just keep on taking your medicines, I'm sure babalik sa lahat ang dati," sabi ni Doktora. "Sana nga po, hindi ko na nga 'to sinabi sa parents ko baka kasi mag-alala ang mga 'yon," sagot ko rito. Tumango siya.

"Naiintindihan kita," sang-ayon niya sa 'kin. "Ang gusto kong gawin mo ngayon ay 'wag lang i-mind 'yang mga nakikita mo," sabi niya. "Take your medicine, sleep early, eat healthy foods, exercise and reduce stress," payo niya kaya naman nagpasalamat na ako rito saka na ako lumabas ng kaniyang opisina.

Papalayo na sana ako sa opisina ni Doktora Marisa nang makita ko ulit si Nico. Naka-tayo ito sa unahan ko, tahimik lamang ito na naka-sandal ang likuran sa dingding ng hospital, hawak-hawak niya 'yung cellphone niya, mukhang may kausap siya dito. Kaya naman ang ginawa ko ay imbes na doon dumaan ay lumiko ako, kahit malayo na sa exit ay tiniis ko para lang maiwasan ang taong 'yon.

Tiningnan ko ng maiigi 'yung bottle na kung saan naka-lagay 'yung mga pills na nagsisilbing gamot ko. Tahimik akong naka-titig dito. Naka-upo ako sa kama habang naka-indian seat. Naka tungtong lang 'yung bottle sa malambot na unan.

Habang tinitingnan 'yon ay si Nico lang ang nasa isipan ko. Iniisip ko kasi na baka kung laklakin ko ito ay hindi ko na siya makikita, na mawala na siya ng tuloyan.

Sumulyap ako doon sa may pinto ng kwarto ko para tingnan kung may nanonood sa 'kin, at nang makita kong wala ay dali-dali kong binuksan 'yung bottle at hindi na ako nagdalawang isip na laklakin ang lahat ng laman nun. Bigla akong napasuka dahil sa pait nang aking nalasahan at ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagka-hilo.

Kita ko ang pag-ikot ng buong kwarto ko kaya naman muli akong napasuka dahil sa sobrang pagka-hilo ko.

Nang hindi ko na makayanan ang pagka-hilo ko ay tuloyan na akong bumagsak sa kama at dahan-dahang umitim ang buong paligid, bago mawalan ng hininga ay narinig ko si Mama na tinatawag ang pangalan ko.

A month later. . .

Nakita ko ang sarili kong naka-tayo sa loob ng gymnasium kung saan i-held ang aming graduation. Naka-suot ako ng kulay puting toga, suot-suot ko rin ang graduation cap at paminsan-minsan ay sumisilip ako roon sa unahan para tingnan kung nandito na ba sila Mama at Papa.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now