Chapter One

227 21 4
                                    

Chapter One

Normal lang ang buhay ko. Nanggaling ako sa isang broken family. Matapos mag-hiwalay ang Mama at Papa ay nag kaniya-kaniya na sila ng buhay. Si Mama, sumama siya sa kaniyang bagong asawa roon sa Los Angeles, habang si Papa naman ay nasa Bukidnon ngayon kasama ang bago niyang asawa, at ako naman, ito naiwang mag-isa. Tangina nila.

Hindi man lang nila naisip na may anak sila. Masyado silang maka-sarili, hindi man lang nila inisip ang kalagayan ko, hindi man lang nila inalam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa pag hiwalayan nila, kung ano ang masamang dulot nito sa 'kin. Kung ito ang ibig sabihin ng pagiging normal na buhay, sobrang normal lang pala talaga ng buhay ko. Sa sobrang normal ng buhay ko ay gusto ko na itong tapusin.

Nakita ko ang sarili kong naka-higa sa sahig ng kwarto. Kahit ilang oras na ang lumipas ay ramdam ko pa rin 'yung sakit sa may bandang leeg ko matapos kong ipinilupot 'yung lubid para sana wakasan na 'tong malungkot kong buhay.

"Tangina naman oh," bulong ko matapos maalala 'yung nangyari kagabi. Bigla na lang kasing naputol 'yung lubid kaya nahulog ako at nabagok 'yung ulo ko sa kama kaya naman ako naka-tulog. "Shit," bulalas ko saka ako tumayo para sana ayusin 'yung lubid at ipagpatuloy 'yung naisipan ko kagabi. "Ali, andiyan ka ba?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Umirap ako saka agad na nag buntong hininga. Ano na naman kaya ang kailangan ng taong 'to?

Naglakad ako palapit roon sa may pinto para pagbuksan siya. Agad namang tumambad sa mukha ko 'yung isang mug na may lamang kape. "Umalis kasi ako kanina para mag kape, at naalala naman kita," sabi niya sabay ngisi at saka niya inabot sa 'kin 'yung mug. "Ano ba ang kailangan mo sa 'kin, Jammy?" Naiirita kong tanong dito. "Wala naman, gusto ko lang ibigay 'tong kape sa 'yo," sabi niya sabay sulyap sa may bandang likuran ko kaya naman hinarangan ko siya para hindi niya makita 'yung lubid na naka-laylay galing doon sa kisame.

"A-are you okay, A-ali?" Naningkit ang kaniyang mga mata habang tinatanong ako, kaya naman ngumiti ako saka agad na kinuha 'yung kape. "Salamat sa kape, Jammy. Makaka-aalis ka na." Agad akong umatras para pagsarahan siya ng pinto.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Parang hindi kasi, e." Narinig ko pang alalang tanong nito sa labas ng kwarto. "Ayos lang ako, you can leave now, Jammy," muli kong utos dito. Nang mapansin kong wala na siya doon sa tapat ng pinto ay naglakad na ako pabalik doon sa kama.

Boarding mate ko si Jammy, nakilala ko siya noong summer lang, 'yon din kasi 'yung panahon na lumipat siya rito. Noong una, marami akong kasama sa boarding house na ito, hindi ko nga alam kung bakit unti-unti silang nawala hanggang sa ako na lang ang naiwang mag-isa, pero nag bago naman 'yon nang tumira dito 'yung babaeng 'yon. Si Jammy na ata ang kilala kong taong napaka-kulit at napaka-daldal. Minsan kasi ay roon ako sa kusina kumakain kaya naka-kasama ko siya. Wala siyang ibang binabanggit kundi kung gaano kasaya 'yung klase niya. Mag school mate din kasi kami, nasa sophomore pa siya habang ako naman ay nasa senior kaya madalang lang naming makita ang isa't-isa. Masyadong malayo rin kasi 'yung Senior High Department sa junior, kailangan ko pang dumaan ng ilang gusali para maka-punta roon sa building nila.

Iniwan ko 'yung kape na ibinigay niya roon sa maliit na mesa at tinungo ko na 'yung bathroom para maligo. Habang binabasa ako ng shower ay hindi ko mapigilan ang sarili kong huminto sa pag sasabon habang nakikita ko ang katawan ko na puno ng galos.

I have these weird scratches all around my body, hindi galing sa kuko ng pusa o aso, kundi sa 'king mga kuko mismo. Ganito kasi ako pag nag mental breakdown, sinasaktan ko ang sarili ko gamit ang pag kalmot ng aking mga braso, paa, tiyan, at kung saan pang parte ng katawan. Tiningnan ko rin ang mga pulsuhan ko na may kapulahan pa rin dahil na rin sa ginagamit ko 'yung kuko ko sa pag lalaslas, minsan rin ay ginagamit ko 'yung ballpen na wala ng ink, pinapatakbo ko lang ito sa may pulsohan ko nang paulit-ulit hanggang sa nakakaramdam na ako ng hapdi.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon