Chapter Seven

79 14 4
                                    

Chapter Seven

Pinagmasdan ko si Papa na maka-pasok doon sa loob ng airport. Dalawang araw rin siyang nakasama ko roon sa boarding house at sa loob ng dalawang araw na 'yon ay ramdam ko ang pag buhos nang pagmamahal niya. Marami kaming pinuntahan kinabukasan matapos ang New Year. Pumunta kaming dalawa sa amusement park gaya nang ginagawa naming dalawa noong bata pa ako. At habang kasama si Papa ay nakakaramdam ako ng saya sa loob ko. Kahit nga ngayon na pinapanood ko siyang pumasok doon sa loob ng airport ay na mi-miss ko na agad siya.

Bumalik na ako roon sa boarding house at doon ko rin nakita si Jammy. Dumating na pala siya. "Ali!" Lumapit ito sa 'kin saka niyakap ako ng mahigpit. Naka-suot pa siya ng jacket at kita ko ang mga gamit niya sa labas ng pintuan ng kaniyang kwarto.

"Jammy," naka-ngiti ko ring tawag sa kaniya.

"Kumusta ka? Kumusta ang New Year mo?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin na dapat ako ang may ganang mag tanong nun sa kaniya. Pumasok siya sa loob ng kaniyang kwarto kaya naman sumunod ako. Madilim sa loob kaya ako na rin ang nag bukas ng ilaw.

"I'm fine, Jammy. Ikaw, kumusta ang bakasyon mo doon sa parents mo?" usisa ko rin.

"Well, ayon, sobrang saya ng Christmas at New Year ko, kasama ko silang lahat saka dinalhan nga kita nitong biko," sabi niya. Pinanood ko siyang may kinuha roon sa pink niyang bag at doon ko nakita 'yung isang tupper na naka-balot ng supot.

"Hindi mo naman kailangang dalhan ako," natutuwa kong sabi sabay tanggap nung biko na inaabot niya. "Wala 'yan, gumawa kasi si Mama niyan kahapon. Naalala rin kita kaya ako nagdala para makakain mo."

"Salamat, Jammy," naka-ngiti kong sabi. Naningkit naman ang mga mata niya saka niya itinigil ang pag-aayos ng gamit niya. "Parang good mood ka na palagi, ha?" sabi niya na ikina-gulat ko naman.

"Bakit naman hindi?" tanong ko rito. "Wala, parang kakaiba kasi 'yung Ali na iniwan ko rito, at ang Ali na sumalubong sa 'kin ngayon," natatawa niyang sabi. "Ikaw ba talaga si Ali?" biro niya kaya naman natawa ako ulit.

"I'm still the Ali you know, Jammy. May nagbago lang, sabihin nalang natin na parang maganda na ang buhay ko ngayon," sabi ko rito.

"Bakit, dahil ba do'n sa Nico?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Ikaw ha, in love ka na sa taong 'yon, no?" sabi ni Jammy kaya naman bahagyang nag-init ang pisngi ko. "Or kayo na?" agad niyang tanong kaya naman ako natawa.

"Hala, seryoso? Kayo na talaga? Grabi bakit hindi ko alam?" Dali-dali siyang umupo sa kamay niya habang hila-hila ako. "Paano naging kayo, wait, do'n tayo sa simula, paano nga ulit kayo nagkakilala? Sino unang nag confess at nag kiss na ba kayo?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Mahina kalaban," natatawa kong sagot sa kaniya. "Well, kami na nga ni Nico," sagot ko.

"Doon kami sa rooftop ng Senior High Building nagkakilala, siya ang unang nag confess saka hindi pa sa lips," pagsasagot ko naman sa mga tanong niya kaya naman nginitian ako ni Jammy. Kita ko ang saya sa mga mata niya habang nakikinig sa 'kin. "I'm so happy that you're now happy, Ali." Humigpit ang pagka-hawak niya sa kamay ko. "Hindi mo alam kung gaano ako natuwa matapos marinig 'yang balitang 'yan," sabi niya. Tumango ako saka ngumiti. "Ngayon na may bf ka na, edi ibig sabihin may ka date ka na pala sa prom," sabi ni Jammy sa 'kin na ikina-tango ko naman.

"You're right, Jammy. Siya ang gagawin kong date ngayong Prom," sagot ko.

Madali namang mahalin si Nico, mabait siya, madaling pakisamahan at sa totoo lang at siya lang 'yung taong alam kong nag-aalala talaga sa 'kin ng totoo. Ayaw niya akong masaktan, at ayaw niya akong mawala sa malupit na mundong ito. I see how concerned he is when he saw me attempting suicide that time in the rooftop.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें