Chapter Six

84 15 2
                                    

Chapter Six

Matapos ang pagtatagpo namin ni Nico sa araw ng pasko ay hindi ko na agad siya nakita. Dumating ang ilang mga araw nang tumawag si Papa sa 'kin. Sinabi niya na sa New Year's Eve, pupunta raw siya rito sa boarding house para bisitahin ako. Noong una nagpaka-tigas pa ako ng ulo kasi sa totoo lang, ayoko silang makita, silang dalawa ni Mama pero masyado silang makulit kaya hindi na rin ako nakapag-hindi nang sabihin ni Papa sa 'kin ang balitang 'yon.

Huminga ako ng malalim matapos malinis ang kalat ng kwarto ko. Iniisip ko ngayon kung nasaan si Nico, gusto kong puntahan siya roon sa bahay nila na kung saan niya ako dinala na noong gabing sobrang lakas ng ulan.

"Hi, Ali!"

Halos mapalundag ako sa takot at gulat nang makita ko siyang biglang bumungad sa harapan ko. "N-Nico?" tawag ko sa pangalan niya nang mapagtanto kong siya nga. Binitawan ko 'yung hawak kong kumot roon sa kama saka siya sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Saan ka ba pumunta at hindi ka na nagpakita?" tanong ko rito. "Sorry naman, don't worry 'di na ako aalis," sabi niya. Ngumiwi naman ako roon saka dahan-dahang kumalas sa pagka-yakap sa kaniya.

"Na miss kita, alam mo ba 'yon? Pupunta pa nga sana ako roon sa bahay mo to check if you're okay," bakas sa boses ko ang pag-aalala sa kaniya kaya naman kita ko ang mga pag-ngiti niya.

"Salamat sa concern," he said. "It was nothing, sa susunod 'wag mo nang gawin 'yon, pinag aalala mo 'ko," I scolded him. "Oo na, madam," sarkastiko nitong sagot sa 'kin kaya bahagya lang akong natawa.

Umupo ako sa kama saka nakipag-usap sa kaniya. Kinukwento ko ngayon 'yung mga nangyari sa 'kin habang wala siya, kung paano ako nagkulong rito sa kwarto at kung ano-ano pang kahibangan na mga ginawa ko para lang maaliw 'tong sarili ko. Hindi ko alam na nakaka-miss rin pala ang kadaldalan ng lalaking 'to.

"Next day na ang new year so, darating pa rin dito 'yung Papa mo, 'di ba?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango. "Oo, no'ng una ayoko sana talagang pumayag pero nag matigas si Papa," sagot ko na ikina-tawa niya. "Ang cute mo pag naka-simangot," sabi niya sa 'kin kaya naman mas napa-simangot pa ako. "Well, it's a good news 'di ba? Baka ito na ang daan para magkabati na kayo ng Papa mo. Patawarin mo na siya, Ali," sabi niya sa'kin. Umiling ako. "Hindi naman kasi gano'n kadali ang magpatawad, Nico. Saka, kung hihingi siya ng tawad, baka may magagawa pa ako, but at this rate, pakiramdam ko iniisip niyang normal lang ang iwan ang anak at magdusa na wala ang mga magulang nito," sagot ko saka ako tumawa ng mahina.

"Ang weird mo, tumatawa ka tapos ganiyan 'yang mga salitang lumalabas sa bibig mo," sabi niya. "Sinusunod ko lang 'yung mga sinabi mo sa 'kin noong nasa rooftop tayo," sagot ko. "Just pretend that you're happy, and eventually you'll forget that you're pretending," pag-ulit ko sa mga sinabi niya noong araw na 'yon. Hindi ko 'yon makakalimutan kasi hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga salita niyang 'yon. Well, he's right, habang sinusunod ko ang advice niyang 'yon ay nakakalimutan ko ngang malungkot pala ako. Maliban nalang pag gabi na, panahon na wala na akong kasama, na wala na si Nico sa tabi ko. Doon rin bumabalik ang kalungkutan ko na pilit kong itago.

"By the way," panimula ko rito nang mapansin kong tumahimik ang paligid. "Salamat nga pala sa pag pasyal mo sa 'kin noong pasko." I smiled at him. Kunot noo niya naman akong tinignan saka niya ginulo ang buhok ko. "Wala 'yon, puro ka thank you. Don't worry pag may free time ulit tayo, mamamasyal tayong dalawa," sabi niya sa 'kin na ikina-tuwa ko naman.

Habang nakikipag-usap kay Nico ay may napansin ako sa sarili ko. Mas open na ako ngayon kesa dati, dati kasi ang hilig kong tarayan ang ibang mga tao pero ngayon hindi na. Hindi ko alam kung ikina-ganda ba ito sa 'kin or hindi kasi sa pagkaka-alam ko, sinadya kong maging gano'n ako para hindi ako ma attach sa kahit kanino mang tao, ayokong masaktan ulit gaya sa mga ginawa ng parents ko sa 'kin. Bahagya akong sumulyap sa kaniya. Inosente itong naka-titig sa 'kin na tila ba ay naghihintay pa ito sa mga sasabihin ko. Nagbago na nga ako, hindi na ako 'yung Ali dati. Dahil ba ito sa'yo, Nico?

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now