Chapter Eleven

76 12 2
                                    

Chapter Eleven

 

"Sir, baka naman sabihan niyong ngumiti siya."

"Miss Fuentabelia, smile. . ."

Ngumiwi ako. "Required ba talagang ngumiti?" tanong ko naman kaya kita ko rin ang pag tampal nung photographer. "Oo naman. Ngumiti ka," sabi sa 'kin ni Sir Lance kaya naman tumango nalang ako. Ginawa ko 'yung mga sinabi ni Sir Lance, ngumiti ako sa harapan nung camera kaya naman todo thumbs up sa 'kin 'yung photographer. "Perfect!" Sigaw na sabi nito sabay palakpak kaya naman naka-hinga rin ako ng maluwag. Bumaba ako sa kinauupuan kong stool para maglakad palapit doon kay Sir Lance na ngayon ay naka-tayo sa bandang kanan ko. Deritso ang tingin niya sa 'kin kaya naman nginitian ko na lang siya para hindi ako maka-ramdam ng hiya.

Nag set siya ngayon ng schedule para sa photograph ng libro ko. Isasama rin kasi 'yung mukha ko doon sa libro, sa pinaka bandang huli ng page 'yon kung saan naka-lagay 'yung about the author.

"So, how was it?" tanong ni Sir Lance sa 'kin kaya naman napangiti ako. "Ayos lang po, medyo hindi pa rin ako sanay," sagot ko rito. Naglakad kaming dalawa palabas ng studio at tinungo namin ang cafeteria ng building nila. "Matanong ko lang, anong grade mo na?" tanong niya sa 'kin. Napatango naman ako at napangiti. "Senior high student po, actually next month graduation ko na," sagot ko rito. Ngumiti at tumango din si Sir Lance.

"'Yung anak ko ring si Liam, actually parang pareha nga ata kayo ng school na pinapasokan, e," sagot niya sa'kin.

"Well, hindi po kasi ako mahilig makipag-halubilo sa mga tao," sagot ko rito sa kaniya. "I can see, Ali. Pero gusto ko sa susunod na pagkikita natin may ma-kaibigan ka na rito sa kompanya ko," sabi niya. Tinungo namin ang isang bakanteng mesa saka kami umupo roon.

"Try ko po," wika ko sa kaniya. "Actually, gusto kita, Ali. There's something in you," sabi nito. Bigla akong napangiti sa mga sinabi niya. Minsan na niya rin itong sinabi sa 'kin. Doon sa rooftop. Kahit matagal na 'yon ay presko pa rin sa alaala ko ang mga salitang binitiwan niya.

"Mukhang bagay kayo ng anak ko," pag tawa niya kaya naman ay natawa lang din ako. "Don't worry, sa susunod, ipapakilala ko siya sa 'yo. Siguro sa book signing mo, pasasamahin ko siya," sabi nito kaya tumango lang din ako.

"Nagka-boyfriend ka na ba, Ali?" tanong ni Sir Lance sa 'kin kaya nginitian ko siya. "I don't know po," maikli kong sagot sa kaniya. "What do you mean? Naging kayo na hindi, ganoon ba?" usisa niya. Tumango ako saka ngumiti. "Mukhang ganoon nga po," sagot ko. "Well, 'yung anak ko, wala pang girlfriend," natatawang sabi ni Sir Lance kaya naman natawa lang din ako. Parang napapansin ko na binubugaw niya 'yung anak niyang lalaki sa' kin. Well, wala naman sigurong masama doon hindi ba? Saka, siguro tama lang din 'to, kailangan ko nang mag move on kay Nico.

"Ipapakilala ko sa 'yo ang anak ko, malay mo magustohan niyo ang isa't-isa."

"Sir, grabi po," pag tawa ko. "Bakit naman ako. E, hindi niyo pa nga ako kilala," dagdag ko rito. "Hindi naman ako ang kikilala sa 'yo, kundi ang anak ko, just try it, Ali. Ayaw mo nun, pabor na agada ko sa ‘yo," sabi nito sabay kindat.

May inutusan si Sir Lance na isang lalaki na ipag handa kaming dalawa ng pagkain saka ilang sandali pa lang din ay dumating na rin ito.

Nagpaalam na ako kay Sir Lance nang matapos 'yung pagkain namin. Iniwan ko lang siya roon sa cafeteria. Naglakad ako sa mahabang hallway. Marami akong nakaka-sabay na mga trabahante ng company, 'yung iba ay binabati ako habang naglalakad. 'Yung rin ay binabati ako para sa libro ko. Nakaka-tuwa, ngayon lang ako naka-ranas at naka-ramdam ng ganitong klaseng mga pagbati. Pakiramdam ko tuloy nanalo ako ng isang contest. I wonder, ano kaya ang sasabihin ni Nico pag nandito siya? Bahagya akong pumikit habang inaalala 'yung hitsura niya. Nakaka-lungkot lang kasi parang unti-unti ko nang nakaka-limutan ang mukha niya.

"Congrats, Ali! Sabi ko na sa 'yo may talent ka, e! Ayaw mo lang talaga maniwala!" Siguro ganiyang klase na mga salita ang sasabihin niya sa 'kin. Or baka, "Nice galing, ha? Well, pero kung nag pasa rin ako ng kwento baka mas maganda reviews ng sa 'kin HAHA!" Well, kahit ano man ang sabihin niya ay ayos lang. Miss ko na siya.

"Nico. . ." bulong ko nang makita ko ang sarili kong naka-tayo sa tapat ng elevator. Pinagmasdan ko 'yung ilaw doon sa itaas nito at ilang segundo lang ay tumunog na 'yung bell kasabay nun ay ang pag bukas ng elevator.

Sumalubong sa 'kin ang ibang mga tao doon sa loob, pinanood ko sila na mag si-labasan at nang mapansin kong wala ng ibang tao sa loob ay saka na ako pumasok. Matapos kong ma pindot 'yung button ay dahan-dahan nang sumara ang pinto ng elevator pero laking gulat ko nalang nang makita ko si Nico na dumaan nalang bigla sa harapan ko.

Natigilan ako nun saka akma ko pa sanang pindotin 'yung button ng elevator pero huli na dahil sumara na ito. "No!" sabi ko sabay pindot-pindot nung button para ibalik ako doon sa floor kung saan ako nanggaling pero huli na nang makita ko ang sarili kong naka-tayo na sa ground floor.

Marami na rin 'yung pumasok doon sa elevator kaya ang ginawa ako ay tumakbo ako papunta doon sa fire exit. Binuksan ko 'yung pinto ng room na 'yon at saka ako napasilip at doon ko nakita ang taas nang lalakarin ko para lang maka-balik roon sa floor.

Hinubad ko ang suot-suot kong sandals at nag simula na akong pumanik ng hagdan na naka-paa.

"Nico," tawag ko sa pangalan niya habang pumapanik ako. Hingal na hingal akong lumabas doon sa fire exit at agad na luminga-linga.

"Miss Ali?"

Natigilan ako sa aking ginagawa nang makita ko si Sir Lance na naglalakad palapit sa 'kin. "Anong nangyari sa 'yo, bakit hingal na hingal ka?" alalang tanong nito sa 'kin. "May parang nakita kasi rito na kakilala ko," sagot ko sa kaniya. "Sino?" tanong niya. Napangiwi ako. Patay, hindi naman tama na Nico ang isasagot ko sa tanong niya.

"B-baka namalik mata lang po ako," sagot ko nalang para matapos na usapan. Ngumiti siya at tumango. "Hali ka muna sa opisina ko," sabi niya. Tumango naman ako saka ko sinundan si Sir Lance.

Pumasok kami sa isang kwarto na medyo madilim, ramdam ko rin ang lamig ng aircon na yumayakap sa buong katawan ko.

"Pahinga ka muna diyan." Binuksan niya ang ilaw ng opisina at itinro niya ang isang sofa. Tumango naman ako saka ako lumapit doon at umupo. Inabutan rin ako ni Sir Lance ng isang basong tubig kaya nag pasalamat ako sa kaniya.

"May problema ba?" tanong niya sa 'kin. "Parang kanina ka pang wala sa sarili mo. Gaano ba ka importante ang kaibigan mong 'yon? Nawawala ba siya?" usisa sa 'kin ni Sir Lance kaya naman ngumiti ako at tumango. Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya.

"Well, miss na miss ko na po kasi ang taong 'yon," sagot ko rito. Ngumiti si Sir Lance sa 'kin. "Ang swerte naman ng taong 'yon, don't worry, mahahanap mo rin siya," sabi ni Sir Lance sa 'kin kaya naman ngumiti ako at tumango.

Naalala ko 'yung mga sinabi ni Jammy sa'kin. "Ali, baka. . . bumalik ulit 'yang sakit mo?" baka tama si Jammy?

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now