Chapter Eight

80 14 13
                                    

Chapter Eight

"Jammy!"

Halos matumba ako dahil sa aking pagmamadali para lang makapasok agad doon sa loob ng boarding house na tinutuloyan naming dalawa. "Ali?" Sumalubong sa 'kin ang inosenteng mukha ni Jammy sa sala ng boarding house. "Naka-uwi ka na, kumain ka na ba?" tanong ni Jammy rito sa 'kin pero hindi ko 'yon sinagot. Napansin ko rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. "M-may problema ba?" alalang tanong ko dito nang mapansin kong matamlay ito.

"Ali," sabi niya naman. "Ayos ka lang?" dagdag ni Jammy. Ngumiti ako at tumango.

"Oo naman, ikaw, ayos ka lang? Ang putla mo," sabi ko. "Ali, sigurado ka?" Binigyan ko siya ng kunot ng noo. "May problema ba? Anong nangyayari? May hindi ba ako alam?"

Hindi ko siya naiintindihan. Bakit ganito bigla ang kinikilos ni Jammy? Imbes na sagutin ako ni Jammy ay nagulat nalang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Sorry, Ali. Hindi ko alam na ganiyan ka na pala, hindi ko alam na grabi ang mga pinagdaanan mo." Natigilan ako. Dahan-dahang ko namang hinagod ang kaniyang likuran.

"By the way, nag pakita si Nico do'n sa rooftop kanina," kwento ko saka siya kumalas sa pagkayakap sa'kin. Pinunasan niya rin 'yung luha niya sa mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Jammy basta ang alam ko hindi siya okay.

"Nakaka-kilig, binigyan niya pa nga ako ng bulaklak, e," sabi ko rito habang naka-ngisi pa. Kinikilig pa rin ako habang iniisip 'yung oras na 'yon doon sa rooftop kanina.

"Sandali ipakita ko sa 'yo," sabi ko saka ako naglakad papunta roon sa labas ng boarding house para kunin 'yung mga gamit ko kasama na rin 'yung bulaklak. "Ganda, no?" Sabi ko sabay pakita nung bulaklak. Ngumiti siya at tumango pero kahit naka-ngiti ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Ang ganda," sabi ko sabay amoy pa nung Daffodils na bigay sa 'kin ni Nico. Muli akong natigilan nang yakapin ako ulit ni Jammy, mas mahigpit na ito kesa kanina. Ngumiti naman ako.

"Ito, sa 'yo na para hindi ka na malungkot," sabi ko sabay abot sa kaniya ng bulaklak. "Thank you, Ali," mahina niyang sagot sabay kuha ng bulaklak sa kamay ko. "Wala 'yon," sabi ko naman.

"Bakit ang tahimik mo yata?"

Huminga ako ng malalim. "Si Jammy kasi," sagot ko sabay sulyap sa kaniya. Kita ko ang maaliwalas niyang mukha. Mapupungay at kulay kape na mga mata, matangos na ilong, manipis na mga labi saka may makulot na buhok sa harapan. Ang gwapo niya kahit kailan.

"Nasabi ko na ba na ang gwapo mo?" sabi ko sa kaniya.

"Hmm. . . Oo?" natatawa niya namang sagot sabay upo sa tabi ko. Nandito kami sa usual naming tagpuan. Ang rooftop. Mabuti na nga lang ay hindi kami nahuhuli ng mga authorities dito.

"Thank you, Nico," sabi ko rito. Idinikit ko ang braso ko sa braso niya saka ko bahagyang isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Salamat at nandito ka sa tabi ko," sabi ko rito. "Wala 'yon, nandito lang ako palagi sa tabi mo, Ali. Hinding-hindi kita iiwan," sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng init sa loob ko. 'Yung pakiramdam na kampante ka sa isang bagay.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito palagi. "Mahal na mahal kita, Nico," wika ko. "Mahal din kita, Ali," sabi niya. Ngumiti ako. "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin pag nawala ka," sabi ko rito sabay sulyap sa kaniya. "Promise me, Nico. Kahit anong mangyari, hindi mo 'ko iiwan, ha?" Nangasim bigla ang ilong ko habang sinasabi 'yon. Isang ngiti lang ang isinagot ni Nico sa 'kin kaya naman muli kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Are you a dream, Nico? Kung oo, sana hindi nalang ako magising pa. Gusto kong tumira sa Dreamland na ito. A Dreamland where it's just me and you.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now