Chapter Four

100 14 2
                                    

Chapter Four

It was Friday afternoon. Nandito ako sa coffee shop. Naka-upo ako sa bakanteng upuan habang naka-palumbabang naka-tingin doon sa labas. Marami akong nakikitang mga batang nagtatakbohan na para bang wala lang sa kanila 'yung mga dumadaan na kotse. Kita ko rin ang saya sa kanilang mga mukha habang nag hahabulan sa kalsada. Hays nakaka-miss maging bata. 

"Excuse me?" Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang boses na bumiyak sa katahimikan ng shop. Wala kasing ka tao-tao ngayon, matumal ang kita ng shop dahil sumasalubong na ang pasko.

"Po?" Bahagya kong inayos ang suot kong uniform saka tinignan ang isang babae na ngayon ay naka-tayo sa may tapat ko. "Nag s-serve ba kayo?" tanong nito sa 'kin. Bahagya naman akong napangiti saka tumango. "Opo," mabilisan kong sagot rito saka ako tumayo at agad na nginitian 'yung customer.

"Two tall caramel macchiatos and two pairs of donuts."

"Right away, ma'am!" Sagot ko naman habang nililista 'yung order niya. "That would be three hundred and twenty three pesos," sagot ko naman matapos kwentahin 'yung order niya. Inabot niya rin naman sa 'kin ang five hundred pesos.

"From five hundred . . . here's your 68 pesos change."

Matapos 'yon ay tumalikod na sa akin 'yung babae saka siya naglakad papunta roon sa isang mesa kung saan may kasama siyang isa pang babae.

Ibinigay ko sa kasamahan ko 'yung order at ilang sandali pa ay sinerve na 'yon sa kanilang dalawa. Habang bumabalik sa aking upuan ay hindi ko mapigilang mapasulyap roon sa dalawang babae. 'Yung naka-upo kanina ay medyo matanda na, pero kahit may katandaan na ay masasabi mong maganda siya sa kaniyang kabataan. Tahimik lamang silang kumakain nung babaeng umorder, baka mag-ina silang dalawa. Kung mag-ina nga, siguro ganiyan na kami ni Mama kung buo pa rin kami. Siguro may mga lakad din na kami lang dalawa ang magkaka-sama, kumakain sa restaurant, nagpapa-ayos ng sarili sa salon, at ano pang puwedeng gawin ng mag-ina.

"Excited na ako sa Christmas break natin." Narinig kong sabi ng isa kong katrabaho. "Ako rin, gusto ko nang umuwi do'n sa probinsya, next week, pasko na rin."

Bahagya akong napaiwas ng tingin nang mag tama ang mga mata namin ni Rowena, isa sa mga ka-trabaho ko. "Ikaw, Ali, uuwi ka rin sa parents mo? Balita ko mag-isa ka lang ngayon sa boarding house na tinutuloyan mo," tanong niya dahilan para tingnan rin ako ng iba pa naming kasamahan.

"Well, hindi ako aalis, doon lang ako, saka wala naman akong pake kung may kasama ako sa pasko o wala," sagot ko naman habang inaayos 'yung mga upuan. Kasalukuyan na kasi kaming naglilinis ng shop dahil magsasara na kami. Alas otso na rin ng gabi, medyo napaaga nga kami nang pag-sara kasi kaonti lang din naman ang customer ngayong araw.

"Ngi, ang boring naman, umuwi ka na lang kaya?" suhestiyon ni Rowena. Nginitian ko lang din naman siya. "Thank your for your concern, Rowena, but no thanks," sagot ko rito. "Saka isa pa, wala na akong mauuwian. My parents have their own family now." Pumunta ako sa isa sa mga mesa para sana punasan 'yon. Huminga ako ng malalim habang pinapanood mula dito ang mga kasamahan kong nag-uusap tungkol sa mga plano nila para sa kanilang Christmas break. Inaamin ko, naiinggit ako sa kanila, sa tuwing nag-uusap sila at kung paano nila ma i-insert sa usapan 'yung pamilya nila.

Matapos kaming magsara ng shop ay nagpaalam na kami sa isa't-isa hanggang sa mag hiwalay na kami sa isang daanan. Tahimik ko lang na binabaybay ang daan hanggang sa makarating ako sa isang madilim na lugar, nakarinig rin ako ng ilang pag kulog doon sa itaas kaya naman mas binilisan ko pa ang pag lakad ko.

"Shit," bulalas ko. Ngayon pa uulan na uuwi na ako. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko lalo na't medyo malayo pa mula rito 'yung bus stop kung saan ako sasakay ng bus pauwi roon sa boarding house. Mas binilisan ko pa ang paglakad papunta roon sa bus stop pero bigla din namang bumuhos 'yung napaka-lakas na ulan. Pero imbes na mag hanap nang masisilongan ay mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko, wala na akong pake na mabasa ako.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now