Chapter Three

115 14 6
                                    

Chapter Three


Halos hindi na maipinta ang mukha ko nang tingnan ko ang sarili sa salamin ng powder room. Bumuntong hininga ako saka ko pinunasan ng tissue ang mukha kong sobrang basa dahil kakatapos ko lang mag hilamos. "Sa wakas, tapos na rin ang exam," bulong ko sa sarili ko habang naka-hawak sa sink. Tinignan ko ang mga mata ko sa salamin at doon ko nakita ang eye bags ko. Kahit nakatulog naman ako ng maayos kagabi ay mapapansin pa ring medyo pagod ako, nakaka-pagod 'yung trabaho ko roon sa coffee shop kagabi, mas marami kasi ang customer pag gabi kaya mas doble ang energy na nasayang ko na ngayon ko sana ibubuhos para sa exam.

Napansin kong may iba ng mga babaeng pumasok sa loob ng powder room kaya na rin ay lumabas na ako. Unang bumungad sa mukha ko si Nico na naka-sandal ang likuran doon sa wall na katabi lang ng pinto.

"Ang tagal mo, ha," reklamo niya. "Sino rin ba ang nag sabi na mag hintay ka sa 'kin?" sarkastiko kong sagot rito. He's wearing his favorite school uniform, waxed hair, white baseball cap at rubber shoes.

"Kumusta exam?" tanong niya sa 'kin. "Stress, nakaka-potangina," deritso kong sagot saka ako naglakad sa hallway kaya napa-alis din siya sa pagka-sandal doon sa dingding.

"Saan tayo ngayon?" Narinig kong tanong niya sa bandang likuran ko. Medyo kumunot ang noo ko nun. "Bakit, saan ba tayo pupunta?" sabat ko. "E, akala ko kasi papasyal tayo, we need to celebrate, tapos na ang cramming, next week wala nang pasukan kasi Christmas break na rin," kwento niya sa likuran ko. Huminga ako ng malalim saka ako huminto sa paglalakad. "Saan mo ba naisipang pumunta?" tanong ko. Kita ko sa mukha niya ang pag ngisi matapos niyang marinig 'yung mga sinabi ko. "Mabuti at natanong mo," sagot niya.

"Bangin?" Hindi ako makapaniwala na halos ilang minuto kaming naglakad sa isang masukal na gubat para lang makita ang bangin na nasa harapan namin. Bahagya akong napatitig sa kaniya at napa-atras rin. "Bakit mo 'ko dinala rito?" tanong ko. "Gusto mo 'kong itulak diyan, a? Gusto mo 'kong mamatay, no?" dagdag ko pa. Rinig ko namang tumawa si Nico, habang ginagawa niya 'yon ay halos hindi ko na makita ang mga mata niya.

"Edi kung gusto kitang mamatay pinabayaan na kita roon sa rooftop, saka edi mas masaya ka kasi nawakasan na 'yang buhay mo," pag paliwanag ni Nico na ikina-tawa ko rin. "Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" tanong ko. "Saka, pagabi na rin," dagdag ko sabay sulyap sa wrist watch ko. Quarter to six na, kaya medyo madilim na dito sa paligid.

"'Yon nga ang gusto kong makita mo rito, 'yung sunset," sabi niya sa 'kin sabay turo nung nasa harapan namin. Doon ko naman nakita ang 'yung araw na dahan-dahan nang lumulubog. Hindi ko napansin na maganda pala ang view ng sunset sa lugar na ito.

Pinanood ko si Nico na maglakad papunta roon sa dulo ng bangin saka umupo sa isang malaking bato. Naka-talikod ito sa 'kin habang pinapanood 'yung sunset. Para siyang bata kung papanoorin mula dito sa kinakatayuan ko. Wala rin naman akong ibang nagawa kundi ang sundan siya. Umupo ako sa tabi niya, habang siya naman ay hindi maalis-alis ang tingin roon sa araw.

"Ganda, no?" tanong niya. Bahagya naman akong napatingin sa kalangitan at doon ko nakita ang pag sabog ng matitingkad na kulay. Pababa nang pababa 'yung araw hanggang sa hindi ko na ito makita at doon rin ay dahan-dahang dumilim ang paligid. "Tama, ang ganda nga," naka-ngiti kong sagot rito.

"Dito ako madalas pag tuwing marami akong problema," kwento niya. "Dito kasi, nakakapag-isip ako ng maayos," dagdag niya sabay singhal. Tumango naman ako saka muling sumulyap sa harapan. Hindi ko alam na may ganitong parte pala kay Nico, 'yung tahimik, 'yung medyo seryoso.

"May tanong ako," sabi niya nang napansin niyang medyo tumahimik ang paligid namin. "Ano?" Sinulyapan ko siya.

"If you can do something without risking everything what would it be?" tanong niya. Bahagya akong natigilan sa mga sinabi niya. Masyadong malalim ang tanong na 'yon, pakiramdam ko wala akong maisasagot na tama.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now