Chapter Five

91 14 3
                                    

Chapter Five

"Merry Christmas!"

Nakita ko ang sarili kong naka-tayo sa isang sala. Deritso ang tingin ko roon sa christmas tree kung saan naka-tayo si Papa. Bahagya akong napatingala at nakita ko si Mama na nasa tabi ko na pala na dahan-dahang hinahaplos ang balikat ko. Ramdam ko ang lamig sa paligid kaya bahagya akong napayakap sa sarili kong balot na balot ng jacket. Medyo maulan kasi roon sa labas, hindi na 'yon kataka-taka lalo na't dito sa Pilipinas ay maulan tuwing pasko.

"Hali na kayo rito, kunin niyo na mga regalo niyo." Sinenyasan kami ni Papa kaya abot tainga ang ngiti namin ni Mama nang lumapit kami roon sa kaniya. Agad kong kinuha 'yong pinaka-malaking gift box sa ilalim ng christmas tree.

"Sa 'kin po ba 'to?" tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon pala ay pinapanood ako. "Oo, anak. Sa 'yo 'yan, regalo namin 'yan ng Mama mo," sagot ni Papa sa 'kin sabay sulyap kay Mama na ngayon ay katabi niya. Ngumiti ako ro'n saka ko na binuksan 'yung gift box na agad naman akong sinalubong nang napaka-laking stuff toy.

"Good morning, mahal na prinsesa." Mabilis akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Nico. "N-Nico?" Agad ko siyang tinignan ng masama nang nakita ko siyang naka-upo sa tabi ng kama ko. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapunta sa boarding house? Paano mo nalaman ang lugar ko? At, paano ka naka-pasok?" Imbes na sagutin 'yung mga tanong ko ay tanging ngiti lang ang itinuran niya.

"Nice place," sabi niya sabay sulyap sa paligid. Dali-dali akong bumangon. "Ano, ready ka na para mamaya?" Tanong ni Nico sa 'kin. Agad kong inayos ang mga gamit ko saka rin dali-dali akong lumapit doon sa may salamin para tingnan ang sarili ko. Matapos makapag-suklay at mag-ayos ang sarili ko ay muli ko siyang tinignan. "Ang aga mo naman ata?" tanong ko rito.

"Inagahan ko nga ang pag punta rito para mapa-alahanan ka na lalabas tayo mamaya." Nginitian ko si Nico. Nililibot ng mga mata niya ang boung kwarto ko.

"Yeah, I know," sabi ko habang imaayos pa rin ang magulo kong buhok. "Actually, gumawa na nga ako ng list of activities for tonight," pag kwento sa 'kin ni Nico habang ngayon ay palakad-lakad siya sa kwarto ko. Nagsimula na siyang mang galaw ng mga bagay na nakikita niya roon sa drawer, pinabayaan ko lang siya habang ako naman ay inaayos 'yung higaan ko.

"By the way, Nico," sabi ko na ikina-hinto niya sa kaniyang ginagawa. "Salamat nga pala," nakangiti kong sabi. "Saan?" Nakangiti niya naman sagot sa'kin. "Dito, sa mga ginagawa mo ngayon," sagot ko kaya naman natawa siya. "Hindi pa nga tayo naka-gala, e. Mamaya ka na mag pasalamat. Mas mabuti pang mag-ayos ka na diyan para maaga tayong maka-pamasyal."

Tinanguan ko siya. "Thank you, Nico."

"You're very welcome, Ali."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Nico sa 'kin. Lumabas na ito ng boarding house ko habang ako naman ay kumain na rin saka naligo. Hindi ko mapigilang ma excite sa mga puwede naming magawa ni Nico mamaya.

Matapos makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng boarding house saka na naglakad papunta roon sa napag-usapan naming lugar ni Nico. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa wrist watch ko na minsan ko lang sinusuot kasi hindi rin ako sanay.

Alas diyes na ng umaga at ramdam ko ang lamig sa boung paligid dahil na rin sa mahinang pag ulan. Balot rin ang katawan ko ng coat, matapos ma-check 'yung oras ay ibinalik ko 'yung palad ko roon sa pocket ng coat na suot ko para ito mainitan.

Huminga ako ng malalim saka napangiti nang makita siyang naka-tayo roon sa unahan. Naka-tingin siya ng deritso sa 'kin kasama ang kulay puti niyang polo shirt, denim pants at black colored rubber shoes. "So, saan tayo?" tanong ko nang maka-lapit ako sa kaniya. "Hmm, saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya sa 'kin. Napaisip ako. "It's kinda cold, gusto mong mag kape tayo?" tanong ko rito kaya naman ngumiti siya.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now