Epilogue

67 5 13
                                    

Epilogue

Jammy's P.O.V.

Hindi ko alam na sa ilang buwan na pag-sasama namin ni Ali ay may hindi pa pala akong nalalaman sa kaniya. Naawa ako kay Ali, at sa kalagayan niya ngayon.

Huminga ako ng malalim bago ko sinuot 'yung sapatos ko para pumasok na roon sa school. Matapos lumabas ng kwarto ay hindi ko mapigilang mapasilip doon sa kwarto niya.

Tahimik na ito ngayon at wala na 'yung mga gamit niya. Nakaka-miss din pala ang babaeng 'yon. Habang tinitingnan ang ka-buoan ng kaniyang kwarto ay hindi ko mapigilang maalala 'yung una naming pagkikita.

It's a summer time noong napag-desisyonan ng mga parents ko na ilipat ako sa bago kong matutuloyan dahil palagi akong binu-bully ng mga estudyante sa boarding house na tinutuloyan ko dati. Noong umalis na ang parents ko at iniwan ako sa bago kong tirahan, at doon ay nakaramdam ako ng lungkot. Masyadong malungkot din kasi ang lugar sa kung saan ako naka-tayo ngayon. Palakad-lakad ako sa sala habang tinitignan ang mga gamit, nagulat nalang ako nang makita ko ang isang babaeng kakalabas lang ng kaniyang silid. Una ko agad na napansin 'yung mga gasgas sa katawan niya lalo na roon sa kaniyang kamay na may mga peklat. Napasulyap siya sa 'kin at kita ko ang mga lungkot sa mga mata niya. Mula sa araw na 'yon ay pinangako ko na sa sarili kong ka-kaibiganin siya para hindi na siya lumungkot pa.

"Hoy, teh. Tapos na kayo nag practice para sa Florante At Laura?" Agad kong inayos ang upo ko nang lumapit ang mga kaklase ko sa 'kin. "Teh, sanaol, kami kasi hindi pa. Ang oa ng leader namin, ang arte e, amoy putok naman," komento naman ng kaklase ko kaya naman napatampal nalang ako ng noo.

"Ang tahimik ni Jammy ngayon, ha. May lagnat ka, teh?" usisa ng mga kaklase kong naka-upo sa mesa na madalas naming upuan ni Ali pag magkasama kaming kumakain dito sa canteen. Kamusta na kaya siya?

Naglakad ako papasok sa loob ng boarding house at kaagad kong naramdaman ang kalungkutan sa boung paligid. Napasulyap ulit ako doon sa kwarto na katabi nung akin at sirado pa rin ito. Naisipan kasi ng parents ni Ali na idala siya sa hospital para tignan kung ano ang sakit niya.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at napatingin doon sa blangkong kisame ng kwarto ko.

Kinabukasan nun ay hindi ako pumasok sa klase. Sinadya ko talaga 'yon dahil pupunta ako kay Ali, bibisitahin ko siya.

"She suffered schizophrenia," sabi ng isang doctor sa 'kin habang naka-tayo ako sa labas ng isang kwarto. Sumilip ako ulit doon dahil baka namalik-mata lang ako pero totoo, si Ali “yung babaeng nakita ko.

"Noong una, puro Nico ang bukambibig niya, ilang araw ang lumipas ay may ibang mga pangalan na naman. Minsan na niya ring sinabi na may lalaking Liam ang pangalan na kamukha raw ni Nico at totoo raw ito," kwento sa 'kin ni Doktora kaya ako umiling. Bahagyang tumulo ang luha sa mga mata ko.

 "May sira na sa utak ang kaibigan ko?" tanong ko rito. "I'm sorry, hija, pero mukhang malabong gagaling si Ali," sabi pa sa 'kin ni Doktora at tuloyan na itong nag paalam sa 'kin. Muli akong sumilip doon sa maliit na butas para makita ko si Ali.

Magulo ang buhok nito, naka-suot siya ng hospital gown at naka-harap siya sa dingding ng kaniyang kwarto na tila ba ay may kausap.

"I'm sorry, Ali," bulong ko. "At least you're happy."

Wakas.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon