Chapter Nine

73 14 6
                                    

Chapter Nine

 

Nilibot ng mga mata ko ang lugar kung saan ako naka-upo ngayon. Nandito ako sa isang opisina ng Hospital. Napasulyap ako sa paligid at kita ko kung gaano ka-linis ang paligid. Tahimik lamang akong naka-upo sa couch habang sa unahan ko naman ay may isang circle table na gawa sa salamin. Sa bandang kanan ko ay nakikita ko ang isang bookshelf na puno ng malalaking mga libro. Sa kaliwa naman ay isang malaking jar ang naka-patong sa maliit na mesa na may kasama ring bulaklak.

Bahagya akong napahawak sa palad ko at agad itong inikiskis sa isa ko pang palad para maka-buo ako ng init, masyadong malamig kasi dito sa kwarto.

"Good morning, sorry I'm late."

Pumasok sa kwarto ang isang babae na kung titingnan ay kasing-tangkad ko lang. Maganda siya at base sa kaniyang hitsura parang mga nasa mid 30's na siya. Mataas ang kaniyang buhok na kulay brunette, naka-suot rin siya ng salamin, suot-suot niya rin ang uniform ng mga doctor dito sa hospital at sa kaniyang leeg ay naka-sabit 'yung isang stethoscope.

"I'm Marisa, I'm a medical doctor." Pagpakilala sa 'kin nung doctor saka siya lumapit sa 'kin para makipag-kamay. "I'm Ali," pagpakilala ko rin naman.

Kumuha siya ng isang silya saka siya umupo sa bandang harapan ko. "Alam mo naman siguro kung bakit ka nandito hindi ba, hija?" tanong niya sa'kin. "Not really, sinabi lang ng parents ko na kailangan kong magpatingin sa inyo," sagot ko dito.

"So, tell me about Nico, Ali," sabi nito sa'kin saka inayos 'yung kaniyang salamin. "I-kwento mo sa 'kin paano kayo nagka-kilala," dagdag niya. Ngumiti naman ako nun. "Nico is my boyfriend, nagkakilala kami sa school," sagot ko rito na para bang 'yon ang pinaka-obvious na sagot.

"Pero alam mo ba na hindi siya totoo?" tanong nito sa 'kin dahilan para ngumiwi ako. "Marami nang nagsabi sa 'kin na hindi totoo si Nico, and I don't understand it. Parang sinasabi niyong nag i-ilusyon lang ako," sagot ko dito.

"Hindi ba talaga, Miss Ali?" kuro ni Doc. Marisa sa'kin. "Of course not, hindi naman ako baliw, saka bakit naman ako mag gagawa ng kwento na kathang-isip lamang?" pabalang kong sagot sa kaniya. Ngumiti naman ito saka inayos ang kaniyang pagka-upo.

"Alam mo ba ang sakit ng schizophrenia, Ali?" tanong niya na ikina-tigil ko naman.

"Schizophrenia?" tanong ko naman. Narinig ko na ang sakit na 'yan pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun. "Ang schizophrenia ay isang mental disorder, hija, na nakaka-apekto sa kung paano mag-isip, maka-ramdam, at kung paano makisama ang isang taong may sakit na ganito," paliwanag niya. "Ang pinaka-common na sintomas ng sakit na ito ay ang pag i-ilusyon, kagaya ng ginagawa mo ngayon," dagdag niya. Umiling ako. Naramdaman ko rin ang pag tibok ng puso na mabilis at malakas hindi kagaya kanina.

"The exact causes of schizophrenia are still unknown. Maari rin itong na ma-mana o dependi sa tao kung ano ang mga factors na naka-paligid sa kaniya. Ang stress, depression, o trauma na galing sa childhood ay maari ring maka trigger ng schizophrenia, ang ganitong klaseng sakit ay dapat maagapan sa madaling panahon dahil maaring mabaliw ang taong may ganitong sakit."

"Pero bakit parang totoo si Nico? Palagi niya nga akong dinadamayan pag malungkot ako, siya rin ang taong tumulong sa 'kin para ma kayanan ko ang mga problema ko," pangatwiran ko rito.

"'Yon ang ginawa ng utak mo, Ali. Hindi mo ba napapansin na sa tuwing stress ka ay doon rin sumusulpot 'yung Nico na sinasabi mo? Si Nico ay gawa lamang ng utak mo, hija. He become the coping mechanism of your brain. Pag sobrang lungkot ka, gumagawa ang utak mo ng isang imahe para mag bigay aliw sa 'yo, at 'yon ay si Nico," paliwanag pa ni Doktora. Dahan-dahang bumagsak ang luha sa mga mata ko saka ako napasulyap sa kaniya.

Sunsets On The Rooftop [complete] (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now