Chapter 53

6.9K 332 210
                                    

'The Symbol'


"Oh, nasan si Seth?" Tanong ni Jayden habang nagpupunas siya sa basa niyang kamay. "Pinuntahan si Addie." Sagot ni Milo habang tinitingnan niya ang mga files na naglalaman ng videos na papanoorin ng team.

"Papuntahin mo nga 'yung Tito mo rito baka umisa na naman 'yun." Utos ni Walter kay Wilder. Wilder just shrugged his shoulders at umalis na para puntahan si Seth. Lucas and the others were still wondering why they weren't doing anything.

Zia could be in danger right now but everyone is so relaxed. Hindi parin nakakalabas si Blu mula sa kwarto na pinasukan niya para kausapin sina Jun at nagtataka na sina Shinshi.


"Baka kung ano nang ginawa ng pulang 'yun kay Zia."
Alalang sabi ni Audin at sinapo ang mukha niya. Lumapit lang si Hoshi sa kanya at umakbay. "Okay nga lang siya. Oh, ito. Pagkain." Nakangiting sabi ni Hoshi habang naglalahad ng pagkain kay Audin.


"Kakain lang po ba tayo? Baka nga si Zia walang kinakain 'yun."
Nakangiwing sabi ni Audin kaya tumingin na ang team sa kanya.


"Oo nga. Baka magutom 'yun. Nasan na ba sina Jun?"
Tanong ulit ni Jayden at nameywang na dahil kakagising palang nila at nawawala na isa-isa ang mga myembro ng team.


"Andun, kinakausap 'yung son in law nila."
Pabirong sabi ni Baxter at sakto namang kakabalik lang ni Seth at narinig niya ang sinabi nito.


"Hoy, anong son in law? Dadaan pa sa akin 'yun!"
Aniya at agad namang tiningnan ni Audin sina Ash at Lucas at tinaas-baba ang kilay niya at nakangiti pang nakakaloko. "Kaya pala nag-give way kayo dahil takot kayo sa kanya ah?" Panunukso niya sa dalawa at buti nalang ay hindi ito narinig ni Seth dahil nag-aalburuto pa ito sa sinabi ni Baxter.

Lucas just rolled his eyes and Ash didn't mind Audin's words.


Maya-maya ay dumating na sina Jun at Xin habang nakasunod naman sa kanila si Blu na tahimik lang.


"Hoy, ano 'tong sinasabi nilang sinetset-up niyo na si Zia dito sa Van Saint na 'to? Hindi pwede. Ang bata pa ni Zia."
Mariing sabi ni Seth at tumango-tango naman sina Ash, Lucas at Xy sa sinabi ni Seth pero mahina lang natawa si Xin at tinapik ang balikat ni Seth.


"Chill, we just talked to him about something."
Sagot ni Xin at nagsimula na silang manood ng mga footage na binigay ni Miu sa kanila. "Teka, anong klaseng footage po ba ang panonoorin natin?" Tanong ni Wilder na nakaupo sa tabi ni Shinshi.


"You and your progress. Miu attached secret cameras to observe every single one of you. That way, malalaman namin kung alin ang kailangang iimprove sa inyo."
Pagpapaliwanag ni Storm habang kinakabit na ang adaptor sa isang tab. Tumaas naman ang kilay ni Wilder.


"Secret cameras?"
Tanong niya at ramdam ni Shinshi ang kaba ni Wilder kaya agad niya itong tiningnan. "Bakit? May kalokohan ka na naman sigurong ginawa ano?" Tanong ni Shinshi sa kanya at agad namang tumingin si Wilder kay Shinshi.


"Anong kalokohan? W-Wala ah!"
Depensa nito at napabuga nalang ng hangin ang team dahil sa narinig nila.


"A-At kung may kalokohan man akong ginawa, Dad would be proud of me."
Pagmamayabang ni Wilder kahit nauutal na siya. Mahina lang natawa si Walter pero tinapunan lang siya ni Matthew ng bottlecap at agad na itong sumeryoso. "Skip niyo nalang 'yung kay Wilder." Mariing sabi ni Walter.

Umangat naman ang gilid ng labi ni Wilder at tsaka tumingin kay Shinshi na inirapan lang siya.


"Bakit? Ano bang meron?"
Naguguluhang tanong ni Hoshi at tiningnan si Wilder.

Midnight AngelsWhere stories live. Discover now