Chapter 33

6.2K 277 53
                                    

'Atlas'


ZIA


A confession. That's what it was.

"Hoy, masusunog na 'yang itlog." Agad akong bumalik sa katinuan dahil sa sinabi ni Wilder kaya tumingin kaagad ako sa itlog na niluluto ko. I just lowered the heat at tinuon nalang ang pansin ko sa pagluluto.

Nakita ko namang bumaba na si Audin habang inaantok pa pero agad siyang ngumiti nung makita niya ako.


"Love is in the air!"
Aniya kaya tiningnan lang siya nung iba.


"Ah, kaya pala mabantot 'yung hangin."
Sagot ni Wilder kaya tiningnan lang siya ng masama ni Audin.


"Palibhasa kasi wala kang jowa."
Sumbat ni Audin at kumuha ng gatas dun sa fridge. Mahina lang natawa si Wilder dahil sa sinabi ni Audin at ginulo lang ni Wilder ang buhok niya at tsaka ngumisi. "I don't need a girl, girls need me." Mahanging sabi ni Wilder kaya tiningnan lang siya ni Audin.


"Ew."
'Yun lang ang sinabi ni Audin bago siya pumunta sa living room. Pinigilan ko nalang ang tawa ko nung makita ko ang mukha ni Wilder na parang gusto niyang sunugin si Audin dahil sa sinabi nito.


"Good morning!"
Sabay kaming lahat na tumingin sa pinto. Pati si Atlas na kakababa lang habang nakasleeveless white shirt at may tuwalya sa balikat niya at basa pa ang buhok niya ay tumingin din sa pinto.

Chloe was there, holding up some food packaging.


"Hey, you're here for me?"
Tanong ni Lucas sa kanya na kakababa lang din. Tumingin lang si Chloe sa kanya at ngumiti. "No." Agad na sagot ni Chloe kaya tinawanan lang ni Audin si Lucas.


"Assuming ka kasi."
Natatawang sabi ni Audin kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Lucas. Tiningnan ko lang si Chloe na ngumiti kay Kuya Ash na kakapasok lang din sa dorm. Tumingin lang si Kuya Ash sa akin at ngumiti.


"I care for you but I love my cousin more."
Chloe said.


"Paano ba 'yan, pre? Ako ang pinil—"
Hindi na natapos ni Wilder ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Chloe.


"Hindi ikaw. Si Zia."
Sabi ni Chloe at pumasok na sa dorm namin at tsaka nilapag ang mga food packaging sa mesa at tsaka ako nilapitan at niyakap. Tinanong niya pa kung okay na ba ako at kung ano ang gagawin niya kay Trin.

Mahina nalang akong natawa at kinurot ang pisngi niya.


"Now she's stealing my girl too."
Bulong ni Lucas kaya nilingon ko siya. What? I'm not stealing Chloe. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na sa dining table at tiningnan ang mga dinala ni Chloe na pagkain.


"I made these for you. Kailangan mong kumain lalo na't tumigil na naman 'yang puso mo. Also, stay away from smoky places and if training gets too hard, you should rest. Don't stress yourself, okay?"
Aniya kaya tumango nalang ako at tinikman pa ang pudding na dala niya. Nakipagkwentuhan sa akin si Chloe tungkol sa mga classes niya.

Nabanggit niya rin sa akin na roommates pala sila ni Celise sa girls' dormitory.


"Celise is a bit busy these days. She's trying to figure out how to use her.. uhh.. abilities."
Naningkit lang ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Chloe. Tiningnan ko lang si Wilder na nakikinig din sa amin.


"Do you know what Celise is?"
I asked him kaya lumapit na siya sa akin at bahagyang nag-isip.


"I'm not really sure. Hindi naman kasi siya dito sa UHT nag-aral noon. She went to a regular school with you, remember?"
Tumango lang ako sa tanong ni Wilder. "Tito Milo is a human with no soul. Tita Lorisse is human who became a lab rat and turned into a dragon. Both her parents were human at first." Dagdag pa ni Wilder.

Midnight AngelsWhere stories live. Discover now