LCIF 64: Ginhawa

Mulai dari awal
                                    

"Wow. This is nice. It's so homey and cozy." Hindi niya maitago ang paghanga. "I would love to spend a night or nights here." Wala sa loob niyang nasabi.

"Really?" Napakunot ng noo si Manuel na lumingon sa kanya. "Sigurado ka? Hindi ito five star hotel." Itinuro nito ang maliit na kwarto.

"So?? Baka nakakalimutan mo na palagi kaming nagmi-mission work and we live how the people of the towns we visit lives. And besides, may kutson naman eh." Sambit niya nang makita ang kawayan na higaan sa loob ng isa sa dalawang kwarto na nalalatagan ng isang foam na may pitong pulgada ang kapal. Malinis at masinop ang loob nito.

"I hope this house will still be here kung maisipan ni Jaise na magpakasal na kami." Parang nangangarap niyang sabi. Nagpatango-tango si Manuel.

"Pwede namang ipaayos uli kapag dumating na ang time na yun." Saad ni Manuel. "Kung gusto n'yo kapag pumayag na yan si Maria Jaise na makasal kayo, dito kayo matulog bago kayo tumulak sa honeymoon n'yo." Napatango-tango si Lance.

"I like that. It's not a bad idea." Sagot niya kay Manuel. Napangiti silang pareho sa isiping yun.

Nagkwentuhan pa sila habang kumukumpuni ng kung ano-ano sa kubo. Hanggang sa inabot na sila ng takip-silim at nagdesisyong bumalik na sa bayan. Nakahinga sila nang alang problemang sumalubong sa kanila maliban sa mabilis na pag-aaya ni Majz na bumalik na sa bahay ng Tatay nito.

NAGING maayos na rin ang events business nila Majz at Alexa. Yung isang taon na sinabi ni Alaina na aalalayan niya ang dalawa ay nangyari lamang sa loob ng kulang-kulang tatlong buwan simula nang sila Majz at Alexa ang humawak.

Naging istrikto si Majz at Alexa sa schedule, 8 am to 5 pm lang ang trabaho, maliban na lang kung wala talaga silang choice pero by appointment lang. Weekend off para sa apat nilang tauhan kung walang bookings.

Maayos ang naging operasyon nila, maliban sa isang kliyente na pabago-bago ng isip na ikinapipikon na ni Alexa. Tuwing may booking sila, pinag-uusapan kaagad nila kung sino ang maghe-head nito at ito ang napunta kay Alexa.

"Majz, gusto pala ng mga De Guzman na baguhin ang cake design para sa debut ng unica hija nila." Bungad ni Alexa pagkapasok na pagkapasok nito sa showroom nila. Magkasalubong ang kilay nito at halatang pikon na pikon.

"Sino ba ang vendor na napili nila?" Nagtaas siya ng tingin kay Alexa mula sa pagkakatutok sa computer screen niya.

"That's the reason why I came back here. They seem not to know who they choose." Mabilis na sagot ni Alexa. Napakunot ang noo ni Majz.

"What do you mean they don't know? You have the list right?" Tanong niya. Tumayo siya para hanapin ang folder ng mga ito filing cabinet. Kahit na computer age na ngayon, mas pinili pa rin nilang dalawa ang mag-print out ng kopya ng kontrata. "Ni-remind mo ba sila ng mga nakalagay sa kontrata na pinirmahan nila?" Dugtong niya.

"I do. Kaya nga nakaka-frustrate ang mga yun eh. Feeling mayaman pero ang jojologs naman." Napailing siya sa kwento nito. Minsan may pagka-judgmental din itong kaibigan niya.

"Anong sabi?" Tanong ni Majz. May khinugot siyang folder.

"Hindi daw nila maalalang sila ang pumili niyan. Wala nga daw silang kopya ng kontrata. Mrs. De Guzman said, for all she know, gawa-gawa lang natin yun." Mabilis siyang napalingon sa kaibigan.

"Oh, really?" Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Alexa. "Well, I have their contract here and we also have CCTV in here. Pwede nating tingnan yung footage." Suhestiyon niya. Nagliwanag ang mukha ni Alexa.

"I forgot about the CCTV. Thanks Majz." Saad ni Alexa. Mabilis itong umupo sa harap ng computer niya at in-open ang shortcut link ng CCTV footage nang nasabing araw.

Lights! Camera! I've Fallen...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang