LCIF 29: Sementeryo

760 66 31
                                    

















"Lance, si Mang Tomas." Natatarantang saad ni Majz.

"Just relax okay. What can he do to you?" Pahayag niya. Humugot ng malalim na paghinga si Majz bago ito bahagyang tumango sa kanya. Binuksan niya ang bintana na hawak pa rin ang kamay ng dalaga.

"Magandang gabi po." Nakangiting bati ni Lance sa lalaki.

"Ano nag ginagawa n'yo dito sa harap ng mansyon ng mga Ricaforte?" Galit at tunog mayabang na tanong nito sa kanya. Mabilis na nag-isip ng maisasagot si Lance.

"Nandito po kami para kay T'yang Bebeng. Ikakasal po sila bukas ni T'yong Martin sa kabilang bayan. Ginabi na po kami ng dating dahil may pasok pa po sa trabaho si Maria Jaise." Kinkabahan man sa uri ng sagot ay hindi na niya alintana. Nabibingi kasi siya sa tambol ng puso niya sa nerbyus. Mukha naman kasing hindi pahuhuli ng buhay irong si Mang Tomas.

"Ganun ba? Eh bakit hindi kayo kumatok?" Maangas na tanong nito.

"Kumatok na po kami. Baka po wala na pong tao diyan. Sabi kasi ni Manuel na patulak na daw po sila sa kabilang bayan kasama ang Tatay niya at si Makai." Nagkakandabuhol-buhol na ang takbo ng utak ni Lance.

"Hindi ka taga-rito." Pahayag nito. Yumuko si Majz para makita siya ng matanda.

"Mang Tomas, si Majz po ito. Nandiyan pa ho ba sila Tatay?" Tanong niya. Tunog kalmado na ito pero nandun pa rin ang konting kaba pero hindi na halata sa boses nito.

"Hindi ko alam eh. Kanina pa ako nakatatok dito, walang nagbubukas." Saad naman nito.

"Ganun po ba? Eh di ibig sabihin nasa kabilang bayan na sila." Muntik nang matawa si lance dahil napakakombinsidong pag-arte ni Majz.

"What are we going to do?" Pagsakay niyang tanong dito.

"Eh di dumiretso na lang tayo sa kabilang bayan. Panigurado namang matatawagan ko si Kuya Manuel para kunin ang address ng bahay ni Judge." SAgot naman ni Majz.

"Mabuti pa nga siguro. Makikisakay na lang ako sa inyo." Saad nito. Nag-panic ng bahagya si Majz.

"Sorry, Babe. Hindi ko na kayang magmaneho. Antok na ako." Bigla niyang sabi. Umaasa siyang makaisip ng isasagot itong si Majz.

"Eh di doon ka na muna sa bahay namin matulog, nandun naman si Kuya Atong, doon na lang ako sa bahay ni T'yang Doray matulog. Siguro naman nandun iniwan ni T'yang si Socorro." Sabi ni Majz na nakatitig ng matiim kay Lance.

"Nandiyan po si Doray sa bahay niya. Hindi yata sang-ayon na maikasal si Benita kay Martin." Parang gustong babain ni Lance ang matandang lalaki dahil sa napaka-angas nitong gawi sa harapan nila.

"Sige po, Mang Tomas. Mauna na po kami sa inyo. Didiretso na po kami sa bahay ni T'yang." Mabilis na umatras si Lance pabalik sa kalsada bago lumiko sa Main Street.

Hindi naman na umangal pa si Mang Tomas. Hinayaan na lang sila. Nang mawala na sa rearview mirror niya ang imahe ng matandang lalaki ay lumiko na siya nang makarating sa kantong sinasabi ni Majz. Inabangan niya ang ang huling poste na may ilaw na sinasabi ni Majz mula sa kantong nilikuan nila, Hindi niya alam kung bakit pero binilang niya yung poste na may ilaw. Nakakasiyam siya nang mapansin niyang yun na nga ang huling poste na may ilaw. Inaninag ko ang labas. Did i passed it? Lihim niyang tanong sa sarili

"Jaise, lumampas na ba ako doon sa sinasabi mong gate?" Tanong niya sa tahimik na dalaga.

"No. Keep going. Namatay lang siguro ang ilaw." Sagot naman nito. "May malaking puno na napapalibutan ng bench diyan. Malapit na. Then sa harap noon ang isang gate na malaki." Dugtong nito. Tsaka lang niya napansin inaaninag din pala ni Majz ang kalsada.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now