LCIF 12: It's Not Time.

850 71 100
                                    




"TAY!" Tawag ni Majz sa ama pagkababa na pagkababa niya sa tricycle. Nasa bakuran pa lang siya ng bahay nila ay nagpapalahaw na siya. "Tatay!" Muli niyang sigaw.

"Maria Jaise? Ikaw ba yan?" Mabilis na dungaw ng kanyang ama sa bintana. Halos magkandahulog pa sa pagbaba sa hagdan ang kanyang Kuya Manuel.

"Majz! Bunso!" Sigaw nito habang patakbong palapit sa kanya at mahigpit siya nitong inakap. "Na-miss ka namin, Bunso." Malambing nitong saad. Tumulo ang luha ni Majz. Hinalikan siya nito sa noo at pisngi.

"Na-miss ko kayo, Kuya." Halos pabulong na niyang sambit. Inakay siya ng Kuya niya paakyat ng bahay.

Nasa kalagitnan pa lang sila ng hagdan nang marinig nilang magsalita si T'yang Bebeng. Tsaka pa lang niya naalala na kasama nga pala ang tiyahin at pinsan.

"Kuya Sepring, mauna na kami ni Makai. Doon ako matutulog sa bahay ni Doray." Saad ni T'yang Bebeng.

"T'yang, pasensiya na po." Paghingi niya ng paumanhin. Tumango lang ang tiyahin.

"Sige na. Alam ko naman na na-miss mo ng sobra si Manuel." Nanunuksong sambit ng tiyahin.

"Ay naku, Bebeng. Ewan ko ba sa batang yan. Mangangarap na magtrabaho sa Manila, hindi naman pala kayang malayo kay Manuel!" Panunuksong saad ni Tatay Sepring. Natawa si Makai sa tinuran ng tiyuhin.

"Yan nga ang tanong ko sa kanya nung nagplano siyang doon siya maghahanap daw ng trabaho at maninirahan. Malamang ika ko ay di mo kakayanin na malayo ng ganun katagal diyan sa iniirog mong si Manuel. Tumango naman, siya. Eka eh kakayanin daw pagkatapos ngayon ayan, ngangawa-ngawa." Natatawang T'yang ng tiyahin na sinabayan na rin ng malakas na tawa ng ama kahit na ito ay naluluha pa..

"Tatay naman eh." Namumula ang mga pisngi niyang sambit. "Makikisali pa talaga sa panunukso ng T'yang Bebeng." Dugtong pa niya.

"Ako ay nabawi lang sa panunukso mo sa akin sa Manila." Natatawa pa ring saad ni T'yang Bebeng. "Ay di ba, ganti-ganti lang?" Dugtong pa nito ng puno ng kalokohan.

Nagtawanan sila ng dahil sa tinuran ni T'yang Bebeng. Mas lalong humigpit sng pagkakaakap ni Manuel sa kanya.

Naputol lang ang kanilang tawanan nang dahil sa ingay ng humarurot na sasakyan sa di kalayuan. Sabay-sabay silang napalingon para tingnan kung sino yun.

Napapailing na lamang si Sepring dahil isang itim at makintab na mamahaling kotse na hindi nila kilala ang pangalan ang matulin na umalis habang nag-iwan ng may kakapalang usok sa kalsada na nagmula sa makintab nitong tambutso. Sinundan na lang nila ito ng tingin habang napailing.

"Mga mayayaman talaga, akala mo ay may-ari ng kalsada. Hindi mo alam kung galit ba sa kalsada o galit sa gulong ng sasakyan nila." Puna ni Manuel. Nakaakbay pa rin ito kay Majz habang nakaakap pa rin siya sa Kuya niya.

Ang gandang tingnan ng magkapatid na ito. Noong nasa high school pa ang Kuya niya at nasa elementary siya, walang may makapormang babae dito dahil palagi silang magkasama. Palagi siya nitong sinusundo sa eskwelahan niya tuwing pananghalian at sabay silang kakain na kadalasang kasama naman si Makai.

Nung mag-highschool na sila at kahit na nung mag-college ay ganoon din ang ginagawa ng Kuya niya. Ganun sila ka-close na magkapatid at magpinsan. Yung iba nga napagkamalan pa si Manuel at Majz na magnobyo, minsan ay si Makai na itinatawa na lang nila palagi.

"Sige, Kuya Sepring. Bukas na lang tayo magkwentuhan." Paalam ni T'yang Bebeng.

"Pakisabi kay Doray, doon kami manananghali sa bahay niya kasama n'yo." Sambit ng tatay niya. "Maria Kaila, maligayang pagbabalik anak. Wag ka nang muli pang lalayo." Nakangiti nitong dugtong. Naluha si Makai.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now