LCIF 32: Sleepover

717 72 76
                                    





"Ninong Roman?" Gulat na sambit ni Korina. Nakilala nito ang tinig ng ninong nito. Hindi siya pwedeng magkamali, pero mukhang mas ito ang nagulat.

"Korina? Anong ginagawa mo diyan at kasama mo si Maria Jaise?" Tanong nito. Biglang naalarma si Manuel. Sumenyas na wag maingay.

"Ahm... ano Ninong, pinuntahan nila ako si Lance kanina pagkagaling daw diyan. Nakatulog na nga po si Majz. Pasensiya na Ninong." Natataranta nitong sagot.

"Itanong mo bakit nasa bahay siya ni Doray ng ganitong oras." Pabulong na utos ni Bebeng.

"Ninong Roman, matanong ko lang. Ano po ang ginagawa n'yo sa bahay ni T'yang Doray ng ganitong oras?" Napaigik tuloy si Makai, napaubo naman si Manuel. Magaling din kasing umarte itong si Korina.

"Ah, ano... yung kuwan kasi..." Hindi malaman ni Roman ang isasagot sa inaanak.

"Magtapat ka na, Ninong. Malalagot ka kay Tatay Sepring kapag siya pa ang nakaalam nito bago n'yo pa ipaalam sa kanya." May mapanuksong himig nitong saad. Panandaliang natahimik ang kabilang linya.

"Nagpasama lang si Doray kasi nga gabi na at wala siyang kasama, wala kasi si Socorro." Palusot ni Romano. Nakangiti sila sa halos nabubulol ito.

"Pati si Socorro dinamay pa sa palusot." Panulong na pagbubusi ni Bebeng. Nakangiti tuloy si Martin.

"Ninong, yung totoo?" Sumeryoso na si Korina. "Nandiyan na sila Majz kanina bakit hinayaan n'yong umalis pa?" Dugtong ng dalaga.

"Pasensiya na, nak. Hindi naman talaga ako dapat nandito eh, nagkasagutan kami ni Doray hanggang sa nahulog sa..." natahimik ang kabilang linya.

"Ninong?" Pagkuha ni Korina ng pansin. "Hello?!" Pag-ulit nito. Papatayin na sana ng dalaga ang linya dahil akala nito ay naputol ang linya nang muling magsalita si Romano.

"Nagkasagutan silang magtiyahin." Tugon nito sa mababang boses. Halata na disgusto sa nangyari. Kinuha ni Sepring ang cellphone ni Majz at nagsalita.

"Romano, magbihis ka, kayong dalawa ni Doray. Lumuwas kayo ng Maynila, ngayon din. Wag n'yong hintayin na ako ang makauwi diyan dahil dadanak ang dugo kapag nangyari yun.." Matapang at may pagbabantang sabi ni Sepring. "Aasahan kong nandito na kayong dalawa bago pa sumilay ang araw." Dugtong ni Sepring na hindi na binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa si Romano. Mabilis na pinatay ni Sepring ang tawag.

Nahulog sa katahimikan ang buong pamilya. Walang may ibig kumibo o magsimula ng mapapag-usapan hanggang sa nagsalita na si Niel.

"Itong si Makai at Majz ay may pasok pa bukas. All day kami, maliban na lang kung ipa-cancel ko ang meeting bukas at ipa-reschedule ko na lang kay Ella." Hindi na nakatiis sa katahimikan si Niel.

"Si Tita Cherrie po ang tawagan n'yo, Tito Niel. She does the calendar for Tita Ella." Mabilis na sagot ni Lance.

"Naku, wag n'yo na pong ipa-cancel bukas. Kaya naman po naming gawin eh." Sagot ni Makai na hindi niya makuhang tawagin itong Papa o Daddy o Tatay ang ama, ngumiti na lang si Niel.

"No. I will cancel it. We have other time to do that. Importante ang pamilya, uunahin nating harapin ito." Malambing na sansala ni Niel sa anak.

"Hindi naman pamilya, sasali-sali pa." Pabulong na reklamo Makai.

"Maria Kaila, hindi ko uulitin ang sinabi mo pero bawiin mo yan. Konting respeto. Hindi ka pinalaki nila Tatay at nila T'yang na bastos." Salubong ang kilay na saad ni Manuel. Napayuko si Makai.

"Okay lang, hijo. Pasasaan ba at makakasanayan din ni Kaila ang pagbabalik ko." Mabilis ding sagot ni Niel. Pinaikutan lang ni Makai ng mata si Manuel.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now