LCIF 55: Realization

587 74 54
                                    








SA OSPITAL, nagising si Lance sa isang tahimik na kwarto na natatanglawan ng malamlam na ilaw na nagmumula sa apat recessed lights sa kisame.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng malaking pribadong kwarto na para sa mga Scott at Villasis. May isang stretcher sa kabila niya na malapit sa pinto. Pinindot niya ang up button sa gilid niya kaya automatic na tumaas ang ulunan niya hanggang kung gaano niya gustuhin.

Nakita niyang tulog na tulog na nakakakumot ang tatlong. Ang isa sa tatlong ay sigurado siyang si Leland dahil tangkad nito, lampas ang paa sa pullout couch.

Sa mahabang sofa na ay may dalawa ding nakahiga. Hindi man niya makita ang mga mukha nito ay sigurado siyang ang magpinsan yun.

Nakita ni Lance ang mansanas sa fruit bowl sa katabi niyang side table. Dumampot siya ng isa at ibinato ito sa kapatid. BOOM! Pagbubunyi ng isip niya. Sapul sa noo si Lance. Napabalikwas ito ng bangon.

"What the fück, Lance!" Sigaw nito habang hinhimas ang noo.

"Shut the fūck up, asshole!" Pabulong ngunit pasinghal na saway ni Lance sa kapatid. "Everyone is asleep, moron." Bigla naman itong napakalma.

"Can't you just call? You don't have to chuck me with that apple, douchebag!" Hindi talaga ito natutuwa sa ginawa niya. Napangisi siya.

"Big baby!" Usal niya. "How long I've been out?" Tanong niya dito.

"Well, you were in there for a good five hours. They brought you here late in the afternoon almost evening, straight to the cardio department and it is four in the morning now. You're out for... uhm let say, give and take, twelve hours." Sagot ni Leland.

*Why do we have two beds here?" Muli niyang tanong. Nakaturo siya sa hospital bed na malapit sa pinto. Napansin niya kanina pang magising siya. Bahagyang napalakas ang boses niya.

"Ssshh... willl you lower your damn voice down?"  Asar na saway ni Leland sa kanya. "Majz is on that one, sleeping." Dugtong pa ni Leland sabay higa. Halatang naaburido sa kanya. Sinipat niya ang kama.

"Jaise? Here? On this bed?" Mas itinaas pa niya ang kanyang ulunan para makita si Majz.

"Yes, so please go back to sleep, it's only four in the morning. Magpatulog ka naman." Sabi ni Leland na pumikit na uli. Natahimik siya.

Nilingon ni Lance ang hospital bed. Hindi ganun kapayat si Majz para hindi niya ito kaagad makita. Kinakabahan man ay pinilit na kalmahin ang sarili.

"Land?" Pagtawag niya sa kapatid. Umungol ito

"Hmm?" Antok itong sumagot.  Bahagya siyang natawa.

"Where is Jaise?" Kalmado niyang tanong.

"She's asleep on that bed next to you." Parang lasing itong nagsalita. Huminga muna siya ng malalim ang banayad na bumuga.

"Well, she's kind of not here, unless she was flattened out where I can't see her?" Narinig niya ang mabilis na pagkilos nito. Sa isang iglap nakatayo na kaagad ito sa harap ng kama sa tabi niya.

"Damn it!" Usal ni Leland. Walang sali-salitang nilapitan ang mga nakahiga sa pull up na sofa.

"What are you doing?" Kalmado pa rin siyang nagtatanong. Nagtataka siya bakit yung mga natutulog sa sofa ang ginigising nito. "Did she move there?" Nilingon siya ni Leland. Makikita ang frustration sa pagod at antok nitong mukha.

"No. She didn't moved. She's not here."  Paharabas na isuklay ni Leland ang kamay na buhok nito. "She's not here at all!" Dugtong nito.

Nag-alala siya ngunit kailangan niyang kalmahin muna ang sarili. Kagigising niya lang at alam niyang inatake siya kahapon dahil nandito siya ngayon sa ospital. Kung ano man ang nangyari kaninang wala siyang malay ay hindi na niya muna aalalahanin. May mas importanteng bagay siyang pinaglalaanan ng lakas. Kailangan niyang harapin ang galit ni Majz at pipilitin niyang maging matatag sa kung ano ang maging desisyon nito dahil alam niyang nagkamali siya.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now