LCIF 64: Ginhawa

961 59 25
                                    







ISANG buwan na ang lumipas nang pumayag si Majz na mag-model para sa final gown sa naka-schedule na photo shoots para sa isang magazine sa tulong na rin ng Mémoire Élégante Events, Inc. Natuwa ang pamilya nila Majz at Makai dahil sa wakas ay pumayag na rin si Majz at sa pagiging civil ng dalawa sa isa't isa pero ramdam pa rin na may hindi magandang namamagitan sa kanilang dalawa.

Una itong napansin ni Lance. Sa tuwing magkakasama ang lahat ay ayos silang dalawa, pero kapag sila na lang ay wala itong kibuan at parang nag-iiwasan, in short, walking on eggshell silang pareho, parang ayaw nilang May masabi na ikasasabog ng isa.

Para hindi lumala ang tensyon ay ipinakiusap ni Lance ng magkita-kita na lang ang lahat sa tuwing off na ang mga ito sa trabaho o di naman kaya ay weekend para sa fitting at paghahanda para sa araw ng pictorials na magaganap sa bukirin ng San Nicolas. Nakakasawa na raw kasi ang indoor at scenic view ng cities at destination wedding scene kaya mas ginusto daw ni Makai, na sinang-ayunan ng lahat, na sa palayan, gulayan, at bahay ng mga Samonte at sa mansyon ng mga Ricaforte gawin ang nasabing pictorial.

"Lance, busy ka ba?" Tanong ni Manuel na nakatitig kay Makai, Majz at Maira. Katulad niya ay nakikiramdam din ito.

"Hindi naman kaya lang medyo gwardiya ako dito kasi baka biglang magrambulan." Natatawa niyang sagot. Mahina lang ang uspaan nila dahil mahirap din marinig ng mga dalaga.

"Sige na  Manuel, ako na ang bahala sa tatlong yan. Ilalayo ko na lang si Majz kung kinakailangan." Mabilis na sumabat si Korina. Napangiti si Lance.

"Nasaan si Precious?" Tanong ni Manuel sa asawa.

"Kinuha ni Nanay. Siya na daw bahala sa apo niya dahil mukhang kakailanganin ako dito para mag-referee." Bungisngis nitong sagot. Tumango si Manuel at Lance.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Lance.

"Kailangan kong matapos na yung kamalig sa hilaga. Gusto ko kasing gawing pahingahan imbis na imbakan." Naalala ni Lance ang kamalig na ito.

Minsan na ring nagpatulong si Manuel sa kanya noon para hindi mabasa ng parating na ulan ang mga nakaimbak na palay. Naalala niyang sinabi ni Manuel na nasa kabilang bayan daw si Atong kaya wala itong ibang mahila para tumulong kaya tumulong na rin siya. 

Sakay ng jeep ni Manuel, binaybay nila ang kalsada patungo sa hilaga kung saan ang malaking bahagi sa taniman ng palay. Dumaan muna sila sa tindahan para bumili ng tubig at chichiriya para kung sakaling mauhaw at magutom sila. Naging masyado na silang  close ni Manuel.

Si Manuel ang matatawagan niya para matulungan siyang maintindihan si Majz at si Manuel din ang nakakausap niya tungkol sa mga sensitibong bagay katulad ng mga pribadong pangyayari kaya hanga si Manuel sa kanya dahil hindi siya naglilihim sa totoong nararamdaman niya sa tuwing maglalapit sila ni Majz at sila lang ang magkasama.

Marami na ring maipayo si Manuel sa kanya kaya panatag siya na hindi niya masisira ang ipinangako niya sa sarili at ang respeto niya kay Majz.

"Tara. Dito tayo." Itinuro ni Manuel ang kamalig.

Nagulat si Lance nang makita ang kamalig. Hindi naman ito ganito ang itsura nito dati. Iba na ang dating nito ngayon, hindi na ito mukhang kamalig. Mukha na itong maliit na bahay na gawa sa kahoy, pawid, kawayan, nipa ang bubong at ang pulido ng pagkakagawa. Magandang deskripsiyon ng bahay kubo. May mga tanim na bulaklak at may mababang bakod na gawa din sa kawayan.

"Akala ko ba kamalig? This is a house?" Bulalas ni Lance. Natawa si Manuel.

"Gusto ni Korina na maging bahay na ito dito para daw may takbuhan kami o kung sino man sa pamilya kapag nagigipit na ang pasensiya." Turan ni Manuel. Mas namangha si Lance pagkakita ang loob ng bahay. Maayos, malinis at kompleto ito sa gamit na gawa sa kawayan at rattan maging ang lamesa at upuan na pang-apatan.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now