LCIF 66: Finally

690 46 18
                                    

Owtor's Nowt: Hindi ko po alam ang nangyari kung bakit nawala ang chapter 66, pero eto na siya, ibinabalik ko po. Pasensiya na po at salamat.




"ANO 'yang ginagawa mo?" Gulat at nalilito na tanong ni Majz sa binata.

"Keep rolling, Kuya!" Sigaw ni Makai sa dalawa nang napansin  ang pagkatulala ng dalawa. Nataranta naman si Click at Celso na sumunod. Para bang nakalimutan nilang maging photographer at cameraman.

"Proposing to you again." Maikling sagot ni Lance, nakangiti ito ng ubod tamis. Natutop ni Majz ang bibig. Hindi niya akalain na pwede palang dalawahin ang proposal.

"Why? Nag-propose ka na noon di ba?" Halos pabulong nitong tanong sa binata. Kinakabahang hindi mawari.

"Yes, I did. But this time, it's different." Kinakabahang sagot ni Lance. Pinagpapawisan siya ng malapot. Hindi mapakali, hindi alam ang gagawin dahil hindi naman niya alam na gagawin pala niya ito ngayon.

"Alam mo ang sagot ko, Lance." Hinaplos ni Majz ang pisngi ni Lance na mabilis namang ginagap ng binata sabay pisil dito.

"I know. But I want to hear it again." Matamis ang ngiting saad ni Lance. Kinabog naman ang dibdib ni Majz.

Sa sobrang kaba niya ay halos hindi siya makapagsalita. Dalawang beses pa siyang tumikhim. Nakita naman ni Korina at Alexa na magkatabing nakiki-usyoso at mabilis na kumuha ng tubig para sa kanya.

Ibinigay ni Korina ang isang bagong bukas na bote ng tubig sa hipag nang hindi nagsasalita. Ininom naman kaagad yun ni Majz at muling tumikhim. Mahinang napahalakhak si Lance na mas lalong ikinapangatog ng tuhod ng dalaga. Pisti kang lalaki ka! Sigaw ng isip ni Majz.

"Are you okay?" Nakangiti nitong tanong sa kanya kahit pabulong. Lecheng ito, nakuha pang magtanong kung okay ako. Natural hindi! Sigaw ng isip niya. Madalas na niyang nakakausap ang sarili sa araw na ito.

"Y-yeah. I'm... I'm... I'm okay." Sa wakas ay nabigkas na rin niya.

Pigil ang hininga ng lahat na nakamasid maging ang mga magulang nila. Excited ang lahat sa project na ito na pati ang pamilya ni Lance ay nandito din at pigil din ang hininga ngunit hindi akalain na may paganito ang anak.

"So... will you marry me?" Muling tanong ni Lance. Sasagot na sana si Majz nang bigla itong may idinugtong. "Right now." Napakurap-kurap si Majz. Hindi alam ang iisipin. Sasagutin naman niya ang binata pero bakit parang nagmamadali itong makuha ang sagot niya. Atat lang? Takbo ng isip niya.

"Nagmamadali? May pupuntahan?" Natatawa niyang saad. Natawa rin si Lance.

"Well, kung nakaluhod ka sa batuhing lupa katulad nito, you will rush to hear the response, too." Saad nito. Tsaka pa lang niya inilibot ang tingin. Nakalimutan niyang nasa bukirin nga pala sila ng pamilya niya.

"Oh my God, Love. I'm so sorry. I totally forgot." Natataranta niyang pagpapaumanhin. Mas lalong natawa si Lance dahil sa expression ng dalaga.

Dumukot ito sa bulsa at inilahad sa harap ni Majz ang singsing na bigay ni Amanda. Napatingin si Majz sa singsing na nasa kamay niya. Binili ito ni Lance nung minsang pumunta ito sa Paris. Simpleng emerald cut diamond stone ang nasa gitna ng dalawang maliliit na teardrop cut na diamante sa magkabilang gilid. Gustong-gusto niya ito sa unang kita pa lang niya nung mag-propose sa kanya si Lance noon. Bakit may paganto uli ito ngayon?

"So?" Untag ni Lance sa naglalakbay niyang diwa. Sobrang saya ng puso niya habang sobrang lito naman ng isip niya. Halos kumawala ang puso niya sa kanyang dibdib sa sobrang pagtibok nito. Humugot muna siya ng malalim na hininga dahil pakiramdam niya ay hindi lang barado ang lalamunan niya parang may nakadagan sa dibdib niya, pilit na kinakalma ang puso at kalamnan bago pa siya sumagot. Natatakot siyang pumiyok.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now