A Very Special Chapter

907 55 59
                                    

Owtor's Nowt: Dahil namiss ko sila, ginawan ko ng special chapter. Pero wag mamihasa dahil hindi araw-araw ay Pasko at Valentine's Day. Wag maghangad na may karugtong pa.





Dalawang linggo na ang lumipas matapos na ikasal si Lance at Majz. Pakiramdam ni Majz ay nakalutang pa rin siya palagi sa alapaap. Walang oras na hindi siya pinapasaya ni Lance, wala ring oras na hindi niya inaasikaso ito. Silang dalawa sa bahay kaya nagagawa niya ang dapat niyang gawin bilang asawa kay Lance. Tuwang-tuwa naman si Lance dahil sa pag-aalaga sa kanya ni Majz.

Sa isip ni Lance, hindi siya nagkamaling ibigin si Majz dahil napakabait at napakaalaga nito sa kanya at in tune din ito sa kanyang mga pangangailangan.

Sa isip ni Majz, nagpapasalamat siya at siya ang minahal ni Lance kaya ibibigay niya ang lahat ng meron siya. Oras, pagmamahal at kahit pa ang sarili niyang buhay ay ibibigay niya para kay Lance.

Solo nilang dalawa ang bahay dahil pinagbakasyon na muna ni Lance si Mang Jose at Aling Adel. Matapos ang dalawang gabing pamamalagi kila sa kamalig, dito na sila dumiretso sa mismong bahay ni Lance.

Hindi pumayag si Majz na mangibang bansa sila para sa kanilang honeymoon kahit na ano pang pagpupumilit ni Lance dito. Mas gusto niyang dito lang sila sa Makati. Gusto ni Majz na maging reasonable si Lance kesa gumastos sa ibang bansa ay itabi na lang ang pera para kung sakaling magkaanak na sila. Nirespeto naman ni Lance ang gusto ni Majz. Kasabihan nga; happy wife, happy life.

Maging ang pamilya nila ay hindi rin tumatawag o bumibisita sa kanila. Binigyan sila ng pribadong oras at panahon para masanay silang sa sariling bahay t sa isa't isa na rin. Hinahayaan silang magbahay-bahayan, yan ang sabi ni Leland at Manuel.

Naglilinis si Majz ngayon ng countertop sa kusina nila dahil katatapos lang niyang magluto ng almusal nang makaramdam siya ng mainit na palad sa balakang niya na pumaikot papuntang puson niya, pababa. Pinanayuan na naman siya ng balahibo sabay pag-init ng katawan niya.

Ganito ang palaging nangyayari sa kanya. May gagawin siya, lalapit si Lance, Masagi lang siya nito wala na, umaatikabong bakbakan na kaagad.

Napaka-insatiable ni Lance, bagay na ngayon din lang nito nadiskubrehan sa sarili. In short, he can't get enough of his wife at night, morning, noon or any given time. Basta makita nito si Majz, rambol na kaagad. Talo pa ang Thrilla in Manila, kaya kahit na anong oras na sumaludo si Corporal Lance na kung tawagin ni Madz ay Lance of Love the impaler ay wala ng magagawa ang araw nila. Ang resulta, gulapay si Majz dahil kung saan sila abutan, doon na ang suntukan.

Katulad ngayon, kagigising pa lang ni Lance kung saan-saan na umaabot ang kamay nito. Wala namang magawa si Majz. Hindi siya matutol dahil marupok din naman siya pagdating sa asawa. Isang haplos ni Lance ay nanginginig na ang laman niya at nawawala na siya sa sarili.

Wala nang nagawa si Majz kundi ang itukod na lang ang dalawang kamay niya sa counter dahil nanlambot na naman ang mga tuhod niya sa pinagsabay na haplos ng mainit na palad ni Lance sa bahaging balakang niya pababa na sinabayan pa ng mainit nitong halik sa batok niya.

Ang mali niya lang ay ang pagsusuot ng daster ngayon. Isang kilos lang ni Lance, easy access na kaagad. Ang sumunod niyang narinig ay ang pagkapunit ng kanyang underwear at ang lahat ay malabo na para sa kanya dahil nass paglalaro na lang ni Lance sa kaselanan nakatuon ang atensyon niya. Doon na nakatutok ang kanyang puso at katawan.

Mapabalik lang siya sa kasalukuyan nang maramdaman niya si Corporal Lance sa loob niya. Halinghing at ungol na lang ang tangi niya nagawa. Isang beses pa masisiraan na siya ng bait. Ang mga ganitong sitwasyon ang magiging dahilan ng pagkabaliw niya. Bakit hindi? Lance is a monster in bed and she loves it.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now