LCIF 56: The Death Of Me

705 64 36
                                    








DAHAN-DAHANG naglakad si Majz palapit sa kwarto ni Lance. May lumabas na elderly na lalaki na may dalang tray ng pinagkainan. Simple siyang napangiti. Mabuti naman at kumain siya. Naisip niya.

Dumaan sa mismong harap niya ang food cart. Kinuha niya ang atensyon ng lalaking nagtutulak nito.

"Kuya, masagana bang kumain ang pasyente?" Tanong niya dito. Ngumiti muna ito sa kanya.

Napaatras siya ng bahagya nang mapatingin siya mga mata ng lalaki, para itong mga mata ni Lance. Napailing siya. Nababaliw na nga siya. Kung kani-kanino na niya nakikita ang mga mata ng fiance at kung hindi pa siya magmamadaling makita ito ay matutuluyan na siya, ngayon din.

"Yung isang pasyente po kumain na, pero yung girlfriend daw po ay hindi pa, nawawala daw po kasi ito." Napatango-tango na lang siya. Chismoso din pala si Koya. Napatawa siya. Napakamot naman sa batok yung lalaki.

"Salamat Kuya." Sambit niya. Yumukod naman ito bago siya nilampasan. Pinagmasdan niya itong tumigil sa kasunod kabilang kwarto, kumuha ng bagong tray at pumasok na.

Isang malalim na paghinga uli ang pinakawalan ni Majz bago humakbang palapit sa mismong pintuan ng kwarto ni Lance.

Naririnig niya ang mga boses ng mga nasa loob pero hindi niya matukoy ang mga pinag-uusapan mga ito. Sumilip siya, walang may nakaharap sa direksyon ng pintuan.

Nakita niya ang apat sa loob. Si Lance na nasa kama, di niya alam kung tulog ito o hindi. Si Leland na nakatayo sa di kalayuan sa kama ni Lance ngunit nakaharap kay Alexa at Makai na nakaupo sa sofa at parehong nakatunghay sa mga cellphone nila.

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng apat pero tatlo lang ang lumingon sa pinto. Tulog na tulog nga si Lance.

"Majz"!" Halos sabay na sambit ng tatlo na biglang nagkatinginan at tumingin din kay Lance.

"Are you okay?" Si Leland ang unang nakabawi sa tatlo. Tumango siya bilang sagot bago nilingon si Lance. Tulog pa rin ito. Nakahinga siya ng maluwag.

"Saan ka galing?" Masuyong tanong ng pinsan.

"Magpahangin lang, nag-isip." Simple niyang sagot pero na kay Lance ang fucos niya.

"Why don't we go ahead and leave them to talk when he wakes up." Suhestiyon ni Alexa. Tumango naman ang dalawa.

"Mabuti pa nga para nakaligo at makapagbihis din tayo." Inamoy pa ni Makai ang magkabila niyang kili-kili sa harap nilsng tatlo. Natawa siya sa ginawa ng pinsan, natawa na rin si Alexa at inakbayan siya nito.

"We'll see you tonight." Pahayag ng dalaga. Tumango siya.

"Thank you." Sagot niya.

"Hindi na ako makakabalik mamaya. Aayusin ko pa ang mga gamit namin ni Tatay, maaga ang alis namin pabalik ng Singapore. Aasikasuhin namin ang mga huling bagay doon bago kami bumalik dito for good." Mabilis na pahayag ni Makai. Tumango siya. Alam naman niya na matatapos din ang isang linggong ng bakasyon ng pinsan at ama nito pero nagpapasalamat na rin siya.

"Babalik ka sa araw na sinabi ko, di ba?" Nakatitig lang siya sa pinsan. Ngumiti ito, tumango at inakap siya.

"Hindi pwedeng hindi, Majz. Special ang araw yun para sa iyo. And to make it more special, ako ang bahala ng lahat." Ngumiti silang pareho at nagyakapan.

Umalis na ang tatlo. Silang dalawa na lang ni Lance ang naiwan. Mataman at buong pagmamahal niyang tinitigan ang ang binata. Bagaman may kaputlaan pa ito ay makikita mo pa rin ang kagwapuhan nito.

Inalis niya ang kanyang sapatos at maingat na tumabi sa tulog na tulog na binata. Napangiti siya nang hindi ito nagising. Epekto pa rin siguro ng gamot. Naisip niya.

Lights! Camera! I've Fallen...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon