LCIF 61: Model

827 65 33
                                    

Otor's  Nowt: Pasensiya na sa mga typos. Have fun reading.






“Alexa, yung client ba natin sa Antipolo naka-set na lahat?” Tanong ni Majz mula sa kanyang lamesa. 

Kumuha ng isang building si Alaina para meron na silang opisina o showroom para sa mga walk-in clients nakakatuwang sabihin na mas maraming walk-in inquries ang naging successful booking nila. 

Natutuwa si Alaina sa naging revenue na events business niya na pinalitan nila ng pangalan, ginawa nilang Mémoire Élégante Events, Inc. Mula sa isa o dalawa sa tatlong buwan na booking ni Alaina noon hanggang sa naging halos buwan-buwan na booking sa iba’t ibang panig ng Manila at mga kalapit na siyudad ngayon. May mga provincial bookings din sila pero hindi pumapayag si Lance at ang Daddy at kapatid ni Alexa na lumakad silang dalawa para gawin yun kaya kadalasan ay kasama si Theo na pinsan ni Lance o di naman kaya ay si Lance mismo.

“We got that all set-up, it’s done. We are just waiting for theM to finalize the cake order with Mom. Theo said he’ll help out with this one since he is on vacation and Jeany, Tita Joyce daughter is on it, too.” Nag-angat siya ng tingin. Napakunot ang noo niya. May bagong pangalan na nabanggit si Alexa, hindi niya kilala.

“Nag-hire ka ng bagong tauhan?” Tanong niya sa dalaga. Tumingin ito sa kanya, napangiwi.

“I’m sorry. I wasn’t thinking right. Na-pressure ako ni Mommy kahapon na kunin si Jeany kahit part time lang muna.” Napahugot siya ng malalim na paghinga.

“I am not saying na tama o mali ang ginawa mo pero di ba partner tayo? Bakit hindi mo na lang sinabi kay Tita na tatanungin mo muna ako bago ka umuo. We don’t have time to train people right now. Theo would be okay kasi palagi yung nakabuntot sa iyo. And he knows what he’s doing.” Pahayag niya. Natahimik si Alexa. Napapikit na lang si Majz. 

Hindi niya akalain na ganito pala ang may partner na magkakamag-anak. Pakiramdam niya ay talo siya at wala siyang masabi, wala siyang say.

“You know what, that’s fine.” Saad niya. Isinara ang kanyang laptop at ipinasok sa loob ng case nito at mabilis na tumayo. “May kakausapin akong kliyente sa Pasig. Don’t wait for me. Didiretso na ako ng uwi.” Dugtong niya. Hindi niya matingnan si Alexa. Ayaw nitong makita ang inis sa mga mata niya. Hindi naman na ito nagsalita. Hindi niya rin alam ang iniisip nito dahil hindi nga niya ito sinulyapan.

Bago pa siya tuluyang makalabas ng showroom ay tumunog pa ang phone niya. Dinukot niya ito habang naglalakad palapit sa kotse niya. Ibinigay ng T’yong Martin niya sa kanya ang Dodge. Mini SUV ito kaya okay sa kanya. Napaglalagyan niya ng mga kung ano-anong kailangan niya.

"Hello." Mabilis niyang sagot. Bagong number kaya hindi niya kilala.

"Majz." Bungad ng kausap. Na-excite niyang marinig ang boses nito.

"Makai?!" Pasigaw niyang sambit. "Kamusta. Ang tagal na mula nung huli nating pag-uusap." Nalungkot siyang maalala ang huli nilang usapan.

"Yup. And don't you worry palagi na tayong magkakausap.We are staying for good.” Masaya nitong balita. Naiyak si Majz nang marinig ang balita ng pinsan.

"Oh gosh Makai, talaga? Ang saya-saya ko." Ang tangi niyang nasabi. Natawa si Makai sa kabilang linya. "Na-miss kita ng sobra." Kung nakikita lang siya ni Makai maaaring pagtawanan siya nito.

“Inayos na naming lahat ang dapat na ayusin at gawin, ang factory na paglilipatan ng mga makinaryang panahi, hiring tao at pati na ang matitirhan namin. Majz, nandito na kami ngayon sa Pinas, bumalik na kami. Nakabili ng bahay dito si Tatay, yan ang surprise ko sa iyo."  Tuluyan na siyang umiyak, as in, todo iyak na.

Lights! Camera! I've Fallen...Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora