LCIF 46: Where?

670 64 33
                                    








"BABIES?!" Sambit nilang dalawa ng dalaga. Tumango lang na may kislap ang mga mata nito at biglang ding naglaho sa pinto.

Wala silang nagawa kundi ang tapusin na ang pagkain at nagligpit ng pinagkainan bago tinawagan ang pamilya ni Majz sa San Nicolas pero nasa bahay na pala ito ni Bebeng dahil sumunod ang mga ito kay Martin.

Napagkasunduan nilang pumunta ng mall ng panandalian para makabili ng dessert at ilang mga bagay na pwede nilang magamit dito sa hospital katulad ng mga disposable dinnerwares at flatwares. Ipinaalam din nila yun sa pamilya ni Majz para hindi hanapin ang dalaga sa pagdating ng mga ito na wala sila.

Matapos linisin ang kalat nila at inilagay sa maliit ng fridge ang mga natirang pagkain at maitapon sa basurahan ang mga waste materials ay nag-text si Majz kay Martin para ipaalam na pupunta lang sila sa grocery part ng mall para sa iilang bagay. Nagpadala lang ito ng thumbs up emoji kaya Majz kaya natawa siya sa ginawa ng lalaki.

Bago pa sila umalis ay sandaling nagpaalam si Lance na may tatawagan lang siya sandali kaya lumabas na muna at naiwan si Majz sa loob na tinatapos ang maliliit na bagay na dapat tapusin. Mabilis niyang tinungo ang opisina ni Dr. Tuazon. Tamang-tama naman na nandun pa ito. Nag-usap sila panandalian at napirmahan na rin ng duktor ang release form niya.

Pinagbilinan siya nito na mag-ingat sa pagbugso-bugsong damdamin at kung ano man ang nagti-trigger ng ganitong emosyon sa kanya ay kailangan niyan matutunang kuntrolin.

Nag-uusap pa sila ni Dr. Tuazon na hanapan na niya ng oras ang puso niya habang pwede pa iyong mai-reverse bago pa mahuli ang lahat. Nangako naman siya sa duktor na pag-iisipan na niyang mabuti ang cardioversion na sinasabi nito. Sinabi niyang kakausapin na muna niya ang pamilya bago niya ito gawin. Natuwa naman si at nagpaalam na.

Pabalik na siya sa kwarto ni Bebeng nang makita niyang palabas na rin ang dalaga mula sa kwarto ni Bebeng kaya nakangiti niya itong sinalubong.

"Ready?" Tanong niya dito. Bahagya pang napatda ang dalaga sa biglaan niyang pagsulpot. Hindi nito siguro inaasahan ang bigla-bigla niyang pagsulpot.

"Susmaryosep. Nakakagulat ka naman." Saad nito pero nakangiti. Ngumiti na rin siya. "Bigla-bigla kang nawawala, tapos bigla-bigla ka ring susulpot. Para kang kabute." Dugtong pa nito. Ngumiti na lamang siya at sabay nilang tinahak ang pasilyo patingo sa elevator.

Alam naman niya na kahit na ayos lang ito sa paliwanag ni Jose ay naghihintay pa rin ito ng paliwanag mula sa kanya. Kinabig niya ito pasandal sa kotse niya at idiin ang sarili sa dalaga. Napasinghap si Majz dahil hindi niya inaasahang gagawin ito ng nobyo. Alam niyang pareho silang biglang nag-init.

"L-lance..?" Halos may nakabarang hindi malaman ni Majz na kung ano sa lalamunan kaya nautal siya at hindi kaagad nakapagsalita ng maayos.

"Jaise, you know I love you, right?" Tanong niya dito. Lumamlam ang tingin ni Majz sa kanya.

"Yeah." Halos pabulong na sagot ni Majz.

"Hon, I need you to bear with me, okay. So many things are going on right now but I promise you, as soon as this whole thing dies down, I will tell you everything about me... I mean all of me." Nangunot ang noo ni Majz at seryoso itong nakatitig sa kanya. Kinakabahan na siya dahil sa pagiging tahimik nito. Nawala lang ang kayang kaba ng bahagya itong tumango.

"Whatever it is, I' will wait till you are ready." Malumanay naman nitong sagot at hinaplos ni Majz ang pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa balat niya.

"Thank you, Hon. I love you." Sambit niya sabay halik sa labi ng dalaga. "I miss you." Dugtong niya matapos halikan ito.

"I love you and I miss you, too." Sagot naman ni Majz.

Lights! Camera! I've Fallen...Onde as histórias ganham vida. Descobre agora