LCIF 34: Kasal

741 67 89
                                    













Tanghali na nang magising sila. Nagulat pa si Lance nang makitang nakatunghay ang mga nakangiting mukha ni Martin at Bebeng sa kanilang dalawa ni Majz na magkatabi sa kama, samantalang hindi naman niya mabasa ang kay Sepring basta nakatitig lang ito sa kanila dalawa ng dalaga.

Mabilis siyang napabalikwas dahil sa porma nilang dalawa, magkaakap kahit na sabihin pang siya parang nakasandal pa rin sa kanyang headboard, nakaunang naman ang dalaga sa braso niya at nakaakap ang braso nito sa bewang niya habang magkawak ang kamay nila ni Majz.

Hindi lang sila siguro masigawan ni Sepring dahil tulog pa rin sila Makai, Manuel at Korina.

"Ang ganda ng ginawa mo sa kwarto mo, Muriel." Puna ni Bebeng na hindi nagawang sagutin ni Lance dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"Sorry ho, Tay." Panimula niya. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng dugo sa katawan dahil bigla siyang nanlamig. Bahagyang napatawa si Bebeng at Martin dahil namumutla yata siya.

"Anong oras na ba kayo nakatulog at kung hindi pa namin kayo pinasok isa-isa sa mga kwarto n'yo ay hindi namin malalamang na sa iisang kwarto lang pala kayong apat natulo?" Seryoso ang pagkakasabi ni Sepring nun.

Hindi alam ni Lance kung paanong ipapaliwanag ang sarili. Alam niyang mali ang ginawa nilang pagtatabi sa pagtulg pero dahil sa kagustuhan niyang makapiling ang dalaga ay inaya niya ang lahat sa kwarto niya at kahit na nakakumot pa si Majz at nasa labas siyang kumot nito ay masasabing mali pa rin.

"Ano kasi, Tay. Uhmn... nanaginip po kasi si Jaise kanina, para pong binabangungot. Nagising kami ni Manuel para samahan siya, bandang huli pinilit namin siyang matulog uli pero nakatulog din po ako. Pasensiya na po. It won't happen again." Suko na siya. Hindi naman na siya makakatakas pa eh.

Kung mapipikot siya ngayon araw na ito ay okay lang, pabor pa nga ito sa kanya, matutupad na ang pangarap niya. Pero paano naman si Majz? Paano ang mga pangarap nito? Matatanggap kaya nito ang magiging desisyon ng Tatay niya?

"Tay!" Mabilis na singit ni Manuel sa gilid ni Sepring. Gising na pala ito at pumupungas-pungas pa. "Tay, promise po. Wala pong nangyari kanila Lance at Majz." Mabilis na dugtong ni Manuel dahil nakita ang patiim-bagang na pagpipigil ng ama.

"Magsibangon na kayo at may kasalang magaganap ngayon." Seryosong saad nito sabay talikod. Sumunod naman kaagad si Bebeng sa kapatid.

"Kuya Sepring! Wala namang nangyari di ba?" Mabilis na saad ni Bebeng na sumunod na kapatid.

"Gisingin mo na yang tatlong yan at magsipaligo na kayo bago pa bumalik ang Kuya Sepring dito." Malumanay sa paalala ni Martin sa dalawang binata.

"Opo, T'yong." Sabay pa nilang sagot ni Manuel. Napahugot ng malalim na paghinga si Manuel at pabagsak na umupo sa nag-iisang bakanteng solo sofa.

"Sorry, bro." Malungkot nitong saad. Gusto niyang magtatalon dahil sa wakas ay hindi na siya mahihirapan pang pakasalan si Majz pero pinigil niya ang sarili dahil baka isipin ng mga ito na plinano niya ang lahat kahit hindi.

"No sweat, bro. Parents are parents. Nag-aalala lang yun na baka madehado si Jaise." Tatawagan niya mamaya ang mga magulang kung ganun man ang mangyayari pero kailangan muna niyang makausap si Sepring bago pa maging pinal ang desisyon nito para kay Majz.

"Santo ka ba?" Nakakunot ang noong tanong ni Manuel." Natatawa siyang naiiling ngunit ang binata.

Hindi siya Santo, talagang naiintindihan niya lang ang Tatay ng mga ito. Kung ganito din kasi ang nangyari sa Ate Brynn niya at ang mangyayari kay Sage sa hinaharap ay paniguradong nagwala na ang Daddy niya... silang magkakapatid na lalaki.

Lights! Camera! I've Fallen...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant