LCIF 30: Gentleman

700 68 36
                                    







Nang pumarada sila sa harap ng bahay nila Majz ay nag-alangang bumaba si Lance. Bigla ay parang naasiwa ito. Nagtaka siya kaya tinanong niya ang binata.

"Hindi ka pa ba bababa?" Tanong niya. Nakita niya ang pag-aalalangan ng binata.

"Jaise, honey. I don't think this will be a good idea for us to be spending the night together at an empty house... just you and me." Mabilis siyang napalingon dito. Tinitigan maigi ang mukha ng binata na masisilayan ng malamlam na ilaw ng poste.

"Bakit naman?" Inosente niyang tanong. Bahagya pa siyang napikon dahil sa uri ng titig na ibinigay nito sa kaniya. "Ano yang tingin na yan, Lance Muriel?" Tanong niya. Napaubo si Lance. Medyo natagalan bago ito nagsalita, binubuksan na niya ang bahay nila.

Bumaba nga ng kotse ang binata at umikot papunta sa kabila malapit sa kanya pero tumayo lang ito sa doon at sumandal. Nilingon niya ito.

"I won't do that if I were you, Maria Jaise." Saad ni Lance, bahagyang nakasandal na parang nakaupo sa hood nito. Mukha tuloy iminu-model nito ang sariling sasakyan.

"Bakit nga kasi?" Halata nang iritado na siya sa binata ngunit ngumiti lang ito sa kanya. Inang ko po, inging kanin! Dimple pa lang ulam na!

"It will be fine right now since no one is around to see us coming inside your house. But what about tomorrow when everyone wakes up?" Panimula nito. Alam niyang may idudugtong pa ito kaya humarap siya dito, hawak ang susi sa kanang kamay, humalukipkip siya. "What will be your dad and the rest of your family say when people start talking about you bringing a man to your house without your dad and your brother? What would you think they will feel about you breaking your promise kahit na wala ka pang ginagawa?" Kung nakikita man ni Lance ang mukha niya siguro ay nakita nito ang pagkapatda niya sa mga salitang sinabi nito. Is he a saint or what? Gusto niyang sabihin yun ng malakas ngunit pinigil ang sarili.

"Naisip mo pa yun?" Mangha niyang sabi. "Akala ko ba antok ka na at pagod pa? Wala naman tayong gagawin ah. Doon ka sa kwarto ni Kuya at doon ako sa kwarto ko." Narinig niya ang mahinang tawa ni Lance. Puputulin ko kaya ang vocal chords nito eh.

Gumapang ang kilabot sa likod niya paakyat sa kanyang batok, pagkatapos ay bumaba sa kanyang sikmura at parang mga bulate at dagang sumabog at nag-marathon pa.

Tingin pa nga lang ay natataranta ang puso niya, tapos sinamahan pa ng simple, ngayon naman tumawa pa ng nakakahiyang, ano na ang mangyayari sa kanya?

Kapag ngayon siya hinalikan ng lalaking kaharap, paniguradong guguho ang sentro ng Bataan. Isusuko ang bandera matagal niyang iniingatan. Please Lord, wag muna ngayon. Marupok po ako.

"I was just thinking of you, Jaise." Nabalik sa katinuan ang mahalay niyang utak. "People talk, and when they talk, harsh things will be said. People will assume the worst for you. In case you don't realize, babae ka, lalaki ako." Saan ba niya pwedeng ilagay ang binata para hindi mabagok at magbago ng tingin sa kanya? Nahuhumaling na siya ng todo sa binata, hindi ka ito maganda.

"Wala naman sigurong masama kung lalaki ako at babae ako." Pilit niyang pagrarason. Pagod na siya. Isa lang ang gusto niya, ang makatulog pero hindi yata posible yun ngayon.

"Walang masama kasi wala namang tayong gagawin. Jaise, hindi tayo magkadugo pero may relasyon tayo, and me coming out of your house, without your dad and brother, in the morning, what would you think will be the talk of the town? Just you and I, coming out of that house, when the daylight comes, where do you think the people's imaginations fly?" Malinaw sa isip niya ang tinitumbok ng pananalita ni Lance. For God's sakes, lampas hatinggabi na, antok na ako, nagpapaka-gentleman pa rin siya?

Lights! Camera! I've Fallen...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن