FLAMES: 'Di Bale Na Lang Kaya?

3.8K 41 3
                                        

FLAMES SERIES
'Di Bale Na Lang Kaya?



Alyssa Valdez & Kiefer Ravena



"Oy!" Tawag ni Juami sa akin, nasira tuloy pagbabasa ko ng nobela dito, "Nagbabasa ka nanaman? Hindi ka pa sumasama sa tugtugan namin sa studio. Baka gusto mo muna isantabi 'yan?"


Ako lang naman si Kiefer Ravena, isang estudyante sa Ateneo at isang musikero. Sa totoo lang, wala sa forte ko ang pagtugtog, nagkataon lang musikero din mga kaibigan ko kaya naimpluwensyahan.


"Ano ba naman tutugtugin natin dun? Rock songs? Hindi naman ako mahilig sa ganyan." Magsasalita pa sana ako nang mahagilap ng aking mata ang isang babaeng dumaan. Walang humpay na tinitigan ko siya hanggang sa tapikin ako ni Juami sa balikat.


"Jusko! Si babaeng nililigawan mo naman ang tinitignan mo! Hanggang kailan ka ba manliligaw dyan? 1 year na!"


"'Yun na nga, tinanong ko na siya last time kung ready na siya at humingi pa sa akin ng konting panahon muli. Alangan naman mainis ako, diba? Kahit nag-doubt na ako sa saysay ng panliligaw ko sa kanya."


Totoo 'yan, 1 year na at ilang beses ko siyang tinanong tungkol dun kasi mag-assume ako na pwede na pero hindi pa pala. Ang gulo nga niya, ramdam kong gusto na niya akong sagutin and at the same time, feeling ko pinapaasa lang niya ako.


"Malabo 'yan! Bakit hindi mo i-confront? Kesa naman hanggang ligaw ka lang, kawawa ka pa tignan."


Inisip kong tama si Juami, ang problema, hindi ko alam kung san kukuha ng tapang dito, "Pag-isipan ko muna, ayokong maging masama si Alyssa dito." Sabi ko at tumango siya.


"Kiefer!"


"Ge, una na ako." Paalam ni Juami, "Hi, Ly!"


"Hi!" Ang cute talaga ng boses niya, "Kief, sabay tayo mag-lunch. Libre ko." Aya niya tapos ngumiti, sino ba ako para tumanggi? Sa kanya pa lang, tiklop agad ako.


"Sure ka? Baka maubos naman allowance mo."


"Okay lang! Minsan lang 'to, ikaw na lang kasi lagi."


Hindi na ako nagpatumpik pa at pumayag, dinala ko ang mabigat niyang bag at lumakad kami papuntang Gonzaga Cafeteria para doon kumain. Sari-saring kwento at tawanan sa loob na pati ang ibang tao ay tumitingin na sa amin, may nagbubulong pa pero hindi namin pinansin. Nawawala sa isip ko 'yung pag-alala sa estado ng panliligaw ko kapag masaya kaming nag-usap, kasi dun ko nakukuha ang pag-asa.


Naglalakad kami papunta sa Dorm nila nang na-isipan kong tanungin uli siya kahit alam kong hindi niya parin ako sasagutin hanggang ngayon, "Aly." Tawag ko at huminto kaming dalawa sa tapat ng Eliazo. Tumingin siya sa akin, "Alam ko naman magiging sagot mo but I just want to make sure... kasi one year na akong nanliligaw sa'yo and I think--"


"Kief..." Sabi ko na nga ba, bumuntong hininga na lang ako habang hinahawakan niya ang kamay ko, "You know my answer, konting patience pa." I held tight on her hand as an agreement, siguro nga tama sina Denden, years pa ako maghihintay.


"Okay." I said and forced a smile, "Uh, pasok ka na sa loob... tulog ng maaga." Sagot kong matamlay, nawala rin ang ngiti ko at napansin niya dahil sa pagbago ng ekspresyon. Hinalikan ko ang noo niya saka inabot ang kanyang bag tapos tumalikod agad at lumakad.



FLAMES

L = Lovers



"Lovers? Haha!" Sabi ko sa sarili ko matapos subukan ang FLAMES gamit ang first names namin ni Alyssa. Hindi ordinaryo para sa isang lalaki ang maglaro nito, sina Dani nga ang una kong nakitang maglaro at nakita ko na ang iba't ibang reaksyon nila after the results. It's fun to play but admittingly, marami din umaasa na magkatotoo ang ilan sa mga letrang 'yan in real life.


"'Yan nanaman ang laro mo!" Natatawang sagot nina Von tapos kinuha ang papel sa akin na pilit kong kunin, "Lovers pala!" Kutyaw nila, "Kailan naman?" Loko nilang tanong sa akin.


"Malapit na din 'yun, konting hintay pa." Sabi ko at kinuha ang papel, "Matulog na nga kayo! Puro kalokohan!"


"Sama ka sa music session bukas, tugtog tayo ng kahit anong kanta. Punta daw sina Ly para manuod."


"Sige." Sabi ko at patagong ngumiti, medyo kabado rin dahil ito ang unang beses na makikita niya akong tumutugtog. Tinignan ko ang aking phone tapos ang wallpaper ko sa siya mismo, "I love you." Sabi ko at hinalik-halikan pa bago ipikit ang aking mata.



"Okay na ba?"



Tanong nila Juami mula dito sa loob ng music studio. Nag-signal din si Arvin na pwede na magpatugtog kaya lumapit na ako sa may microphone dala ang aking acoustic guitar. Nakatayo ang Beshies sa gilid ng pintuan at hinihintay kaming magsimula. Huminga muna ako ng malalim at tinignan si Ly na seryoso ang tingin sa akin, ilang araw na siyang ganyan mula nung huli kong tinanong. Nag-alala ako dahil nainis na ata siya sa paulit-ulit na tanong ko sa kanya subalit wala akong lakas ng loob para siya'y kausapin ng maayos kaya sa kanya na lang.


Minsan, ang sabi niya sa akin sandali na lang
Akala ko naman ay sigurado na ako
Handa kong tanggapin ang kanyang oo


Tumingin lahat kay Aly tapos si Ella ay sinisiko pa siya. Oo, ako ang nag-isip na ang kantang 'yan ang tutugtugin namin dahil sakto siya sa nararamdaman ko ngayon. I glanced at Aly and saw how she tried to avoiding making eye contact, which made me think that she's getting the message.


Bigla na lang nagbago ang isip niya
Hindi ko akalain na gan'on pala siya
Pinaasa niya lang ako
Bitin na bitin ako


Hindi ko na alam kung makakaya ko pa
'Di bale na lang kaya?
Ako pa ba kaya ang nasa puso niya?
'Di bale na lang kaya?


Ngunit mahal ko siya


At the end of the song, we received applauses except for Alyssa who was just staring me but smiled. Nagsimula silang tumugtog ng ibang kanta habang ako naman ay nagpahinga muna, umupo ako sa sofa nang lumapit din siya sa akin at tumabi.


"Galing mo kumanta." Sabi niya sa akin tapos ngumiti saglit. After nun, nagkaroon ng katahimikan at tanging boses ng ibang kumakanta ang naririnig. Natulala ako nang manghalik siya sa aking labi, namula ang mukha namin pareho at siya naman ay yumuko sa hiya.


Sa halik lang ay alam ko na ang ibig sabihin, inangat ko ang mukha niya. Inalis niya ang kamay ko at inayos ang upo, dun naman ako humawak sa kamay niya kaya napatitig sa akin, "'Wag kang mahiya, alam ko."


"Eh, aalam kong naglabas ka ng sama ng loob dahil sa aakin. Hindi ko intensyon ang paasahin ka, sorry kung pinaghintay kita ng matagal. First time ko kasi 'to tsaka marami na akong nakilalang tao na hindi successful ang relationship. Ayoko lang mangyari 'yun sa atin dahil Bestfriends rin tayo, ayokong mawala sa iglap lahat ng 'yun."


"Hindi naman porket unsuccessful ang iba, ganun na din sa atin. Ibahin natin ang ating sarili sa iba, oo, mahirap ang relasyon at tulad ng sinasabi mo maraming hindi tumagal. Pero, kung sabay natin pagtitibayin ang relasyon, ibang usapan 'yan. Magkakaroon nga tayo ng alitan, selosan, at misunderstandings but one thing is for sure, hindi 'yan mapapantayan ang pagmamahal natin sa isa't isa. Trust me."


Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin, she moved closer to hug me tight while our friends stared in an awe. Ilang beses ko na gustong bumitaw pero naniwala akong magbubunga din lahat, kinailangan lang magtiis sa ganitong paraan bago ko makuha ang sagot niya in a different manner.


"Official na ba tayo?"


Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.

UAAP One Shot StoriesWhere stories live. Discover now