"I brought your milk... Si Red ang nagtimpla nito," ani Kuya habang naglalakad na palapit sa akin.

Tumango ako at idinikit ang aking hita sa aking dibdib. Niyakap ko iyon habang sinusundan siya ng tingin na ngayon ay nasa gilid na ng aking kama.

"Thanks, Kuya..."

Inilapag niya iyon sa bedside table at ibinulsa ang mga kamay, nilingon na ako. Kinabahan agad ako sa seryoso niyang ekspresyon.

"Hindi ko nagugustuhan 'yang pagba-Bar mo," seryoso niyang sabi kaya halos atakihin ako sa kalabog ng aking dibdib.

S-Sinabi ni Kuya Red?

"Halatang nagsisinungaling lang si Red at pinagtatakpan ka," ani Kuya, tila nababasa ang tumatakbo sa aking isipan.

Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Isang shot lang naman 'yon. I was curious so..." Mas hinila ko pa ang kumot para pagtakpan ang aking tuhod.

Tumango si Kuya Blue at ngumiti sa akin.

"Matulog kana after drinking your milk." Yumuko siya at hinalikan ang aking noo.

"I'm sorry..." sambit ko sa maliit na boses at nag-iwas ng tingin.

Ang ngiti niya ngayon ay umabot na sa kanyang ekspresyon hindi katulad kanina na matabang lamang. Ginulo niya ang aking buhok.

"I'm worried, you know... Sa susunod ay magpaalam kana ng maayos."

Tumango ako sa kanya at dumaosdos na sa kama pahiga.

"Goodnight Kuya..."

"Goodnight..." Ngumisi siya sa akin at tinulungan pa akong kumutan ang aking sarili.

Lumabas rin naman siya habang naiwan akong nagmumuni-muni. Iniisip ko tuloy si Kuya Red. Pinagalitan ba siya ni Kuya Blue? Ibang iba pa naman si Kuya Blue. He's smart and he knows how to observe people. Siya iyong tipong nanghihingi ng kapalit sa isang bagay na gagawin niya unlike kay Kuya Red na gagawin lang iyon ng libre dahil ganoon siya kabait. Kung gagalitin mo ang dalawa, mas iba magalit si Kuya Blue.

Bumuntong na lamang ako ng hininga at bumangon para inumin ang aking gatas. Sinulyapan ko ang screen ng aking cellphone at napansin ang text doon ni Kiera. Dinampot ko iyon at binuksan.

Kiera:

Next week?

Nagtipa ako.

Ako:

Mag Ce-Cebu kami ng mga pinsan ko.

Isa rin kasi iyon sa napag-usapan kanina sa hapag. Kuya Blue said na pinagpaplanuhan na raw nila Kuya Hiro ang outing namin sa Cebu. I'm not sure if Kuya Grey and Kuya Toshi are coming with us. They're very busy kaya baka kami kami lang.

Inilapag kong muli ang mug nang magreply si Kiera.

Kiera:

Tumatakas ka 'no?

Sumimangot ako at gigil na nagreply.

Ako:

Bakit naman? Chill Kiera. Maaakit si Haze sa akin before this Summer ends. I assure you.

Lumabas na ata sa earth ang confidence ko at nangibang planeta na. Ganoon na kalayo ang narating noon sa sobrang taas ng aking confidence. Baka sa huli ay mapahiya kana naman niyan ah?

Naisip ko tuloy ang ginawang pangdededma noong Haze sa akin. Akala niya siguro patay na patay ako sa kanya purket ako ang unang lumapit! The nerve! Ba't naman ako magkakagusto sa apo ni Satanas? And duh. Ang layo layo niya kaya sa mga type kong boys. I will never like someone as ruthless like him!

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now