"W-Wala! Yuck!"

Nagtawanan sila sa naging reaksyon ko.

"Anong yuck?" Natatawa ring si Mommy at bumangon na, hinahawi pa ang aking buhok para mas makita ang aking nandidiring ekspresyon.

"You're very pretty Elle... You look like me with a mixture of your Daddy... You're a Delafuente kaya hindi na nakapagtataka kung marami riyang nagkakagusto na sa'yo at gusto kang ligawan," ani Mommy.

Sumimangot si Daddy roon. "Huwag na muna iyang boyfriend boyfriend. Ayoko pa niyan."

The truth is, ayoko rin naman muna sa boyfriend since I don't know how to kiss and I think it's disgusting?

"Pero wala pa naman iyon sa isip ko. Gusto ko lang naman mag-enjoy with my friends..." sabi ko na ikinakalma ng kanilang mga ekspresyon.

"Elle doesn't lie, Dad," si Kuya Red iyon, halatang suportado sa akin.

"Sus... Baka nga may crush kana lalo na't nagtatanong ka pa kay Ken kung-"

"Sinabi niyang bigla lang iyong nagpop-out sa utak niya," putol naman agad ni Kuya Red kay Kuya Blue.

Hinaplos ni Kuya Blue ang kanyang batok at ngumisi kay Red. Sumimangot naman ako habang si Daddy ay naninimbang pa rin ang tingin sa akin.

"Oh sige... Papayagan na kita..."

Namilog agad ang aking mga mata. Oh my gosh! Is this true?!

"Really?!" Lumawak agad ang aking ngisi.

Tumango siya at lumawak rin ang ngisi sa akin kaya kahit si Mommy ay napangiti narin.

"Basta ay hindi lalagpas ng ten."

Tumango-tango agad ako at sa sobrang saya ay niyakap ko na si Daddy.

"Thanks a lot, Daddy! I love you!"

Daddy smiled. "Love you too..."

After magdinner ay pumanhik rin naman agad ako sa aking kwarto. Naghalfbath ako at deritso na sa kama pagkatapos. Katext ko sina Lexy Penny at Kiera na naroon parin sa Bar.

Lexy:

You left! :(

Penny:

Ang aga mo namang umuwi. We saw your Kuya! Sinundo ka niya?

Kiera:

You're weak. Akala ko ba game ka?

Nagtagal ang titig ko sa text ni Kiera. Why is she saying that I'm weak? Sa kanya agad ako nagreply.

Ako:

Sinundo ako ni Kuya eh. Next time nalang ulit.

Nireplayan ko rin si Penny.

Ako:

Yep.

Nagtipa narin ako ng reply for Lexy.

Ako:

Sinundo ako ni Kuya. Next time nalang ulit.

Ang mabilis na nagreply ay si Kiera.

Kiera:

How about tomorrow?

Huh tomorrow? Sunday bukas ah? I can't! Family bonding namin iyon.

Ako:

May family bonding kami tuwing Sunday. Next time nalang.

May kumatok sa pinto kaya inilapag ko ang aking cellphone at hinila ang aking kumot. Pumasok naman si Kuya Blue, may dala-dalang mug.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now