Ako kasi matalino pagdating sa common sense. Dagdag nalang yung taas ng IQ ko pag-inaral ko pa ng maayos ang isang bagay.
Kaya Intel Prodigy si Kesyla ay dahil dito. Napangisi ako sa hanga sa galing niya. Biruin mo kabisado niya ang letra behind that?
I read her lips while she was reading the brackets code.
Without me and within me is death assured, but within you I am life most pure.
Hanga ako sa talino niya, I'm so proud of her. Nakakatuwa talaga.
"Tara na sis buksan na natin, gutom na ako~" Napaupo nalang ako sa hagdan habang nakaturo ang dalawang kamay ko sa pinto habang nakangiti at sumasayaw-sayaw pa sa harap ng pinto.
Ngayon napakunot siya at sinabi ng malakas ito.
"Without me and within me is death assured, but within you I am life most pure."
Pumalakpak ako dahil tuwang-tuwa ako kay Kesyla. Honestly I am her fan. Wala lang fan naman talaga ako lahat ng kaibigan ko.
"Awesome! I love you Kesyla-nim! Wooooh!" Chinicheer ko siya at natatawa lang siya sa akin.
You see, I like cheering my team whenever they've done something dahil gusto kong ma-boost ang kanilang self-esteem. Because I sincerely want them to grow like they've never been chained by criticisms before.
Kasi gusto ko kahit papaano ay madama nilang may suporta sa kanila at para hindi na sila papangunahan pa ng doubts.
Nanatili kaming nakatunganga sa pinto at napansin naming hindi pa rin ito bumubukas.
"Tama naman ah?" Sabi ni Envinci nang ni-recite ni Kesyla ang code out loud.
Napakunot na rin ako ng noo at inulit sa utak ko ang mensahe.
Without me and within me is death assured, but within you I am life most pure.
At napatingin ako sa gitna ng pinto kung saan dapat may ilagay.
Nang mapagtanto ko ito ay napautas ako, "Guys, It's a riddle!" Napalingon silang lahat sa akin.
"Without me and within me is death assured, but within you I am life most pure." Senior Gabe recited it para kay Jedi kasi makakalimutin iyon.
Napatulala ako sa sahig. At bigla nalang pumasok sa utak ko ang sagot at napangisi.
"Ayan na naman siya, ang creepy ha. Anong sagot?" Tanong ni Kesyla. Tiningnan ko sila isa-isa at napatingin din sila sa akin.
"Water." Sabay kaming napasabi ni Envinci at sabay kaming napatawa. Nanghingi ako ng high five. Ngiti-ngiti lang din siya ih.
Mabilis na kumuha si Jedi ng tubig sa bag niya at nilagyan ng tubig ang parte ng pinto kung saan dapat lagyan ito.
Mabilis akong lumapit kay Jedi dahil nakuha niya rin agad.
"Yown, kuha mo boi!" At binigyan siya ng masayang high five!
Tapos napaatras kami nang mapansin naming parang umilaw ang mga bracket codes na naging neon lights at unti-unti silang naging letra.
Come in.
Nang tuluyan na ngang bumukas ay pumasok na kaming lahat.
Pagpasok namin ay hindi namin alam kung saan kaming hallway pupunta kasi ang dami agad na daanan. Apat na magkakaibang direksyon.
"Okay, dito na ako." Turo ko sa lugar kung saan ako pinakamalapit. Alangan namang lumayo pa ako diba? Ayokong pinahihirapan ang sarili.
They all nodded at napansing susunod si Envinci sa akin dahil tig-iisa na rin sila ng pupuntahan.
"Ikaw, magbantay ka lang dyan. Kaya ko na to."
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako. At dumiretso na nga ako doon sa path na pinili ko. Well, ang trabaho naman lagi ni Envinci ay ang humarap sa tao kapag sinita na kami kung bakit kami nasa isang lugar. Ewan, may kung ano kasi sa tindig at aura ni Envinci na kaya kang pasunurin.
Nagugutom na talaga ako. Mabilis kong binuksan ang mais na binaon ko pa mula Cipher City. Syempre hindi pa bulok. Pero kahit bulok man to kakainin ko pa rin to. Ganon ako magutom.
Habang binabalatan ang mais ay nabunggo ako sa isang bagay at natumba. Tumba ako sa floor ih.
"Hala, yung mais ko." Nalungkot kong sabi.
Mabilis kong pinulot ang mais at para pa akong maiiyak nang makita ito saglit sa lupa.
Mabilis kong pinunasan ito at padarag na tumayo.
Nang makita ko ang tao sa harap ko. No, hindi pala tao.
Ang imortal sa harap ko.
"Medieval?"
+++++
Hit the star~
YOU ARE READING
Installing 49%
Science FictionAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
Installing 8%
Start from the beginning
